PROLOGUE

251 16 4
                                        

Third Person's POV

UMUUBO NANG UMUUBO si Sean sa hindi naman niya malamang dahilan, palaging pagod at namamayat. Maraming beses naman siyang kumakain ngunit parang pabawas nang pabawas ang kaniyang timbang. Palagi ring nangangati ang kaniyang katawan kahit wala naman siyang allergy.

"Ayos ka lang tol?" tanong ng isang lalaking kasama niya.

"Ayos naman tol, medyo pagod lang. Parang may mga oras lang na ganito ako." Umubo na naman siyang muli ngunit may dugo na itong kasama. Marahil ay sa sobrang pag-ubo niya.

"Ang sakit ng lalamunan ko tol," sabi ni Sean.

"Ano bang nararamdaman mo? Punta na kaya tayo kay Doc. Dominguez? Tara na."

Si Doctor Dominguez ang family Doctor ng pamilya nila. Magmula nang mamatay sa cancer ang mga magulang ni Sean ay si Doc. Dominguez na ang umako ng responsibilidad sa pag-aalaga sa kaniya. Ninong ni Sean sa binyag ang Doctor kung kaya naman ay mabilis lamang na ipinagkatiwala si Sean sa kaniya ng kaniyang ama.

"Hindi na muna baka ngayon lang ito. Hayaan na muna natin."

"Sigurado ka ba riyan? Magsabi ka lang kung hindi mo na kaya," sabi ng lalaking kausap ni Sean.

"Sige na tol matutulog na ako." Tumalikod si Sean at ilang hakbang pa lamang ay bigla siyang natumba.

"Tol ayos ka lang? Ano ba ang nangyayari?" Sinipat ng lalaki ang noo ni Sean at naramdaman niyang sobrang init nito.

"Tol ang taas ng lagnat mo, dalhin na kaya kita sa ospital?" tarantang sabi ng lalaki. Aligaga at hindi alam ang gagawin.

"Hindi na tol, pagod lang talaga ako. Samahan mo na lang ako sa kwarto."

Hinatid ng lalaki ang lantutay na si Sean sa kwarto nito at naghanda ng bimpo at tubig para bumaba ang lagnat.
Nagkukuwentuhan ang dalawa habang iniintay na dalawin sila pareho ng antok.

"Hindi naman sa gusto ko pero... paano kung bumalik ang sakit mo?" tanong ng lalaki kahit malayo ito sa pinag-uusapan nila.

"Malabo naman na siguro 'yan, pero hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali mang bumalik ang sakit ko. Wala na sila Mama at Papa para tumulong sa gagastusin sa ospital, hindi naman puwedeng si Ninong ang gumasta ng lahat dahil may pinag-aaral siya."

"Pero malaki ang chansa, sa nakikita ko sa iyo ngayon, parang posible talaga. Kung mangyari man, be ready at manatili kang matatag para sa iyo, para sa akin at para kay Alyza." Nagfist bump ang dalawa pa ang dalawa.

"You're the best!"

"Speaking of Alyza, what will you do if you find out you're sick?" tanong ng lalaki.

"Ayaw kong pakawalan siya dahil mahal na mahal ko siya. Ngunit kung ang iwanan siya ang tanging paraan para hindi siya masaktan, malugod ko siyang pakakawalan kahit na ikadurog pa ng puso ko. Kakayanin ko siyang makita na tumatakbo palayo sa akin, pero hindi ko yata kaya 'yong makita siyang nasa akin pero iiwanan ko siya dahil sa sakit ko."

"Iba ka talaga magmahal! Isasakripisyo ang lahat para sa babaeng minamahal."
"Pero kung sakali man na mangyari ang sinasabi mo, baka siguro ibigay ko na lang siya sa iyo."

Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Sean na handa siyang ibigay sa kaniya si Alyza. Hindi niya lubos akalain na magagawa 'yon ng lalaking kaharap.

"S-siraulo ka! Hindi siya bola para pagpasa-pasahan ng kung sino man."

"Hindi ko kayang makita na umiiyak siya nang dahil sa akin. Mangako ka nga muna bilang best man na nakilala ko, kung may mangyari mang masama sa akin ay ikaw ang kukuha ng responsibilidad ko sa kaniya bilang boyfriend?"

"Hindi ako mangangako dahil sure akong hindi babalik ang sakit mo. O siya, tigilan na natin 'tong topic na 'to dahil wala naman itong patutunguhan. Pupunta na ako sa kwarto ko, magpagaling ka na."

"Salamat 'tol, puwede na kita maging nanay."

"Baliw!" Sabay na tumawa ang dalawa at kapwa nagpahinga na.

Playful Love (Playful Duology #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon