Chapter 6

18 2 1
                                    

--------------------------Pearl's Pov----------------------------

"Isa sa aming balita ngayon gabi ang isang cctv footage. Ito ay binigay sa amin ng hindi kilalang tao." Agad agad ko naman nilakasan ang volume ng TV.

"Ang nilalaman ng video ay ang business tycoon na si Mr. Alexander Paul. Sinabi ng nagbigay sa amin ay nakita niya na may kalandian ang sinabing business man. Si Alexander Paul ay kilalang business man dahil sa kanyang mga hotel and malls na napaitayo hindi lang sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang babae naman sa video ay tinutukoy na assistant 'daw' ni Alexander. Ngunit hindi pa nakukuhanan ng pahayag ang ni Alexander tungkol sa issue na ito. Ayan lamang ang mapapahayag ko ngayon sa chika natin ngayong gabi."

"Hala paano nangyari yun?"

Tarantang taranta ako ngayon. Napapasabunot na lang ako sa ulo ko.

Sino ba naman kasi ang nagsend sa social media ng video na yun?

Gusto niya ata sirain ulo ko eh... Pero teka?
Paano sila nagkaroon ng ganyang video. Eh kami lang naman ni sir ang nasa loob ng  opisina kanina? Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang dami ng iniisip ko. Dumagdag pa to! Argh!! Nakakainis na talaga!

Bigla naman nagring ang doorbell ko. Dali dali kong pinuntahan ang pintuan.

"Haisst sino ba yan!" Sigaw ko sa taong nasa labas ng pintuan ko. "Sino ka ba? Bat pumunt--" biglang nanghina ang tuhod ko sa nakita ko ngayon sa harapan ko. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay ang walang iba kundi si Sir Alexander. "S-si-sir... A-ano po g-ginag-gawa ni-ni-niyo d-dito??" Nauutal kong sagot sa kanya. Paano ba naman ang bungad ba naman niya sa akin ay isang nakakatakot at seyosong mukha. "IKAW! IKAW NAGVIDEO NUN NOH? GUSTO MO BANG SIRAIN ANG IMAGE KO?" umiling ako bilang sagot sa kanya. "Paanong hindi? Ikaw lang naman ang kasama ko sa loob ng opisina ko kanina."

"S-sir! P-p-promise hindi p-po ako yun... Wala po t-talaga a-akong alam sa n-nangyari. Maniwala p-po kayo sa a-akin.." lumuhod ako sa harapan ni Sir Alexander. Hinawakan ni sir ang baba ko at tinitigan ako ng mabuti. "Siguraduhin mo lang na hindi ikaw yung gumawa nun. Kundi malalagot ka sa akin. GUARDS! KUNIN NIYO ANG GAMIT NIYA AT ILAGAY SA KOTSE!" agad naman sinunod ng mga gwardya niya ang utos. Takang taka ako sa ginagawa ngayon. Teka? Gamit ko?
"Sir? Anong gagawin niyo po sa gamit ko? Saan niyo po dadalhin yan?" Sabay hablot ng mga isa sa mga gamit ko na nilalabas.

"Sa ayaw at sa gusto mo. Titira ka sa bahay ko." Ma awtoridad na sabi ni sir Alexander.

"Pero.."

"Walang pero pero. Susundin mo ang inuutos ko. Nang dahil sayo napunta ako sa ganitong sitwasyon." Sabay talikod niya sa akin. Hinawakan naman ako ng mga bodyguards niya at sinakay sa kabilang sasakyan.

Aistt! Nakaka inis naman oh!

Ngayon araw pa kung kailan alam na ni Tristian kung saan yung bahay ko. Paano na to??

"Ma'am pinapasabi ni sir na mahaba po ang byahe kaya matulog ka po muna." Agad din sinarado ng guard yung pinto at pumunta na sa kabilang sasakyan. Di bale tatlong kotse ang nasa harapan ng bahay ko...

Nagsimula ng umandar ang kotse.

Tinanaw ko na lang ang bahay ko na para bang wala ng buhay sa loob. Mamimiss ko din yung bahay na yun. Bakit ba kasi hindi ka makatanggi sa kanya?

Haisst!

Nakakasiraulo talaga. Medyo malayo na rin kami sa bahay ko. At traffic pa ngayon. Sinundo ako ng antok kaya di ko namalayan na nakatulog na ako.

--------------------Someone's Pov

Pinasok ng mga tauhan ko ang bahay nung babae.
"Sir! Wala po yung babae!"

The Devil's Child (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon