KABANATA 15

406 25 47
                                    


You:

okay we can talk later hehe

slr nabusy lang sa acads

7:21 PM


You:

umm

you okay?

may problema ba?

sorry if u think im being too clingy or what :((

9:07 PM


last seen recently.


"Gago, bakla! Ghinost ka?!" Via exclaimed, almost laughing at me. 

"Bobo ka talaga! Hindi lang nag-reply simula kagabi!" Inirapan ko siya at nagpatuloy nalang sa pagkain pagkain ng lunch. Kaya ko naman maghintay, siguro busy lang talaga!

"E, 'di ghinost ka nga!" Rein laughed, almost choking on her own food because of it. Nakakainis, ghost na ba tawag do'n?!

"Kung kailan magda-dalawang buwan na kayong nag-uusap, saka ka naman igho-ghost!" Isang halakhak lang ang binigay sa 'kin ni Via habang kumakain at nakatingin lamang sa akin.

"Ewan ko sainyo." Saad ko sakanila habang nagkukunwaring tumitingin-tingin sa paligid kahit wala naman akong hinahanap. I saw Hugo with his friends on the far side of the cafeteria, malayo sa 'min.

Napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko siyang napalingon sa direksyon namin at nahuli akong nakatingin sakaniya, binigyan ako nito ng isang makahulugang ngisi bago siya tawagin ng kaniyang kaibigan.

"Ano pala nangyari sainyo nina Tita?" Rein asked, concern was written all over her face. Naikwento ko kasi sakanila kanina 'yung nangyari, they told me it was the right thing to do and my parents should know about how I feel instead of letting them keep doing this to me. Hindi ko parin alam kung tama ba ang ginawa ko o dapat baa ng hinayaan ko nalang?

"Wala, nu'ng gabing 'yon nagkulang lang ako sa kwarto kausap 'yan si Chase tas sa sumunod na araw, kahapon, alam kong umuwi sila pero hindi ako nagpakita, ewan ko nalang mamaya kapag dumating sila," I shrugged. Hindi naman ako masiyadong kinakabahan, mamaya ko nalang 'yan pu-problemahin at marami pa kaming gagawin.

"Feel ko hindi ka naman papagalitan." Rein assured me, eating her chocolate cake for dessert and licking on the excess cake on the spoon while looking at me.

"Kadiri ka!" Via glanced at Rein with the most disgusting look on her face. Binalingan ako nito. "Feel ko mapapagalitan ka," she smirked.

"Feel niyo lang 'yan," I shot them a bored look, clearly giving them signals that I'm not in the mood to talk about that. Darating nalang mamaya 'yan kung pagagalitan ako o hindi. We'll cross the bridge when we get there.

Kinuha ko ulit ang aking cellphone at tiningnan muli ang huli naming convo. Nakakainis naman! Ano ba ibig sabihin kapag last seen recently? Aish, mababaliw na ako rito! Ang lamig pa ng huling reply niya sa 'kin!

Chase:

mamaya nalang tayo mag-usap.

5:11 PM

Let Me Know (Epistolary)Where stories live. Discover now