KABANATA 4

595 33 82
                                    

"Girl, kamusta?" Via asked me while our professor wasn't around. Nandito kaming tatlo sa library, pampalipas lang ng oras namin habang nag-aaral para sa recitation namin for Economics. I don't know how it happened, but all of us wanted Business Ad and my Mom apparently made a way for us to be all block mates. Kanina pa ako hindi makapag-concentrate at kanina pa nagbabangayan ang dalawa.Hindi na nalipas ang araw na hindi sila nag-aasaran.

"Anong kamusta?" I asked, not taking my gaze away from the laptop which had all the ppts I needed to prepare for the recit. Napag-aralan ko na rin naman ito kagabi pero hindi pa ako masyadong sigurado sa iba kaya kinakailangan ko silang balikan.

"Nag-omegle ka ulit 'no?" Agad akong napalingon sakaniya ng sabihin niya 'yon.

I glanced at Rein who was in front of me but she just shrugged and continued studying using her flash cards. She studies effectively if she uses flash cards instead of powerpoints or printed lectures.

"Luh, hindi a!" Pag-tanggi ko dito. Nakaisang try lang naman ulit, e. 'Di naman ata masama 'yon.

"Yieee, itatanggi pa, naghahanap rin naman!" Rein joined in teasing me which made me frown and roll my eyes at them.

"Isang beses lang naman, e!" I admitted, ashamed of my action.

"Okay lang 'yan, basta 'wag ma-fall, ha?" bilin sa 'kin ni Rein, para naman akong bata dito. Tumango nalang ako sakaniya habang pilit inaaral ang mga terms sa economics. Naalala ko naman karamihan, pero baka mamaya sa recit ay ma mental block nalang ako, sayang pa mga pinag-aralan ko.

"Hindi nga ako mafa-fall." I told them. They just gave me meaningful looks before returning to their own study materials.

My last class ended quite well. I answered the question easily although it was a hard one. I'm satisfied with that.

"Via bobo, mall tayo!" alok ni Rein kay Via habang papalapit sa upuan nito. 2:30 ang tapos ng klase naming ngayon, gustuhin ko man sumama sakanila ay palaging nakahintay ang driver naming 15 minutes before my class even ends. Alam na alam nito ang schedule ko kaya naman madali niyang malalaman kung may pinuntahan pa ba ako.

Kainis.

"Arat arat!" Napanguso ako ng masaya silang nagpaplano kung saan kakain at pupunta. Nakakainggit naman, gusto ko rin maranasan makasama sila sa mall, hay. Mag-aaral nanaman lang ako sa bahay utos ni Mama.

"Hays," malakas na pagpaparinig ko sa dalawa habang ibinabalik ang laptop ko sa bag. Gusto ko rin sumama!

"Hoy, ano ka ba, Rein! Dami pa natin gagawin 'wag na tayo mag-mall!" Kunwaring galit na saad ni Via habang pinapalo si Rein. Humarap ako sakanila at sinukbit ang bag ko.

"Charot lang go na, nandiyan na si Kuya P sa baba, alis na 'ko!" I bid goodbye to them. Alam ko naman na aalis sila, 'yan pa bang dalawa, mga laskwatsera. Kuya P is a shortcut for Kuya Phillip. Hindi rin ganoon kahaba ang Phillip pero mas nasanay na kami tawagin siyang Kuya P, nakakatawa nga e.

"Hoy ingat ka!" Rein waved and gave me a heart on the top of her head using her hands which made me smile. She's the cutest. 

"Omegle ka pa ulit!" Inambahan ko si Via ng kamao ko kahit malayo na ako sakanila at naglalakad kahit nakatalikod kaya hindi ko agad napansin na may tao pala. 

"Puta," mahinang mura ng nabangga ko dahil naapakan ko ang sapatos niya. Agad naman akong nataranta at humarap sakaniya. Oh, it's Hugo. The business ad's little heartthrob. 

"Sorry, sorry!" I apologized, bending down to try and wipe his shoes using my hands. Nakakahiya man, pero kasalanan ko rin naman. Maghuhugas nalang ako ng kamay. Kilala ko siya kasi sikat siya sa course naming, but he probably doesn't know me. 

Let Me Know (Epistolary)Where stories live. Discover now