Tumango-tango silang lahat sa sinabi ko. Matagal naman talaga akong napapaisip sa sinabi ni Ashera.

Na what if hindi talaga ako mahal ni Zeff?

What if nagiging sweet lang siya dahil sa mga bata?

But I can read between his lines. Hindi man niya deretsong sabihin sa akin, but I have a hunch na posible ang iniisip ko.

"Basta ako. I'm really happy for you." Nakangiting ani ni Juv dahilan para mas lumawak ang ngiti ko.

"Yeah. Kung gusto mo ng advice, lumapit ka lang sa amin. Hindi man kami marunong, atleast baka my maitulong kami." Dugtong ni Ashera.

"Kahit minsan maloko ako. Mabuti naman akong tao. Nagseseryoso din ako. So don't be ashamed to count us whenever you have a problem. Nandito kami para rumesbak." Segunda na Janine na itinaas pa ang braso at ipinapakita ang imaginary muscle.

Napangiti na lamang ako. "I'm such a lucky girl to know you guys. Mahirap humanap ng kaibigan na totoo talaga sayo. Thank you so much." I reassuringly said at them.

They just smiled at me. Piping nagpasalamat ako sa panginoon na nakilala ko ang katulad nila.

They are supported friends. Everytime n problema ang isa, dadamayan naming lahat. Everytime na may nasaktan isa sa amin, resbak lahat.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa akin na nauwi din sa mga bata. Napagpasyahan naming umuwi nang dapit hapon na.

"Punta kayo mamaya sa bahay girls. May konting salo-salo akong hinanda." Usal ni Ashera nang makarating kami sa tapat ng kanyang bahay.

"May okasyon?" Clue less na tanong ni Janine.

"Wala naman. Trip ko lang magpakain ngayon gabi."

Nagtawanan kami sa kanyang sinabi bago kami nagpatuloy sa paglalakad kasama ang mga bata na nauuna.

Naunang makauwi sa Janine bago si Juv and me. Nakahawak sa magkabila kong kamay ang mga bata na halatang  masaya.

Hindi kagaya noon, hindi nakasimangot ang mukha ni Kenneth. I wonder why.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay hindi na kami nagtaka nang may maamoy kaming mabango.

Nauna ng tumakbo ang mga bata patungo sa kusina para salubungin ang kanilang ama.

Napapadalas ang uwi ni Zeff ng maaga. Gusto raw kasi niyang siya ang nagluluto dahil baka maunahan ko raw siya.

Tsk. Tsk. Kahit kailan overprotective talaga ang asawa ko.

Nang makapasok ako sa kusina ay nakaupo na ang mga bata sa kani-kanilang stool.

Naglakad ako palapit kay Zeff na nakatalikod sa akin saka siya niyakap.

"I miss you." Bulong ko saka isinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

"I miss you more." Bulong niya pabalik sa akin habang patuloy pa din sa pagluluto.

Gustuhin ko man na manatiling nakayakap sa kanya ay hindi pwede dahil alam kong mahihirapan siya.

Naupo nalang ako sa tabi ni Nicole na matyagang hinihintay ang niluluto ni Zeff.

"Mommy, talagang pupunta tayo kela ate Ash?" Mahinang tanong sa akin ni Nicole dahilan para tumingin ako sa kanya.

"Yes baby. Mamaya sasabihin ko yun sa daddy mo."

Tumango-tango siya na mukhang naiintindihan ako. Saka siya biglang napangiti nang maihain sa amin ni Zeff ang kanyang niluluto.

"Mapapadami ang kanin ko nito." Wala sa sariling saad ni Kenneth na patuloy sa pagkuha ng kanin.

Black Mafia 5: Zeff LendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon