Tiningnan ko isa-isa ang aking mga kaibigan. Si Bal, nasa aking tabi at nakadukdok ang kaniyang ulo. Si Coast na nakasuot ng bonnet at kasama niya si Aera na nakahiga sa couch. At si Keist naman ay kumakain sa isang sulok. Inilibot ko pa ang aking paningin ngunit hindi ko nakita si Axti.

Napapikit ako nang maramdam ko ang pagkirot ng aking ulo. Napaitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Coast.

"OH MY GEEZ! THANKS GOD YOU'RE AWAKE XEIDRINE!"

Napaangat ng ulo si Bal nang marinig din niya ito. Bakas sa kaniya ang pagkagulat at saya nang makita ako. Dali-dali namang tumakbo ang mga kaibigan ko palapit sa akin.

"Bal! Salamat naman at nagkamalay ka na! May masakit ba sa iyo? Anong nararamdaman mo? Teka, Keist tawagin mo nga ang Doctor!" Sunod sunod niyang wika. Nataranta naman si Keist at lumabas upang tawagin siguro ang doctor.

"Naaalala mo pa ba kami? Ako 'to 'yung kambal mo na mahal na mahal ka," dugtong pa niya.

Napailing at napatawa na lang ako sa tanong niya. Hindi ko maiwasan ang matawa. He's really worried about me. I'm so touch.

"What?! Nagka-amnesia ka?! I'm Coast, your sexy friend! Alalahanin mo!" sigaw niya na para bang nakalunok ng mic.

Niyugyog naman ako ng mahina ni Aera. "Xeidrine ako 'to si Aera ang pinakamaganda mong pinsan!"

"Mga sira!" Gilalas ko at akmang tatayo sa aking pagkakahiga.

"Huwag ka munang tumayo! Baka mabinat ka. Tatlong araw kang nawalan ng malay," sabi pa ng aking pinsan.

Hindi ako nakinig sa kaniya. Pilit akong bumangon. Itutukod ko sana ang aking mga kamay upang ako'y makabangon ngunit muntik na aoing matumba. At hindi ko maramdaman ang aking kaliwang kamay.

"A-anong nangyari sa k-kamay ko?" I stuttered.

Nagtinginan silang tatlo at parang nagtuturuan kung sino ang sasagot sa aking tanong. Lumapit sa akin si Bal at hinawakan ang aking kanang kamay.

Nanggilid bigla ang aking mga luha. Pinagmasdan ko ang kaliwang bahagi ng aking katawan. Tanging maliit na piraso na lamang ng aking braso ang natira. Ni hindi ko nga ito maramdaman.

"Y-you've lost it because of the accident," Stair said.

Halos mawalan ako ng malay sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang kaliwang bahagi ng aking braso, halos wala nang natira.

Napahiga na lamang ulit ako at unting unting bumuhos ang aking mga luha. Para along pinagbagsakan ng langit at lupa. Halu-halo ang aking nararamdaman. Paano na ako ngayon?

Lord, bakit ba nangyayari ito sa akin? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Paano na ang pangarap kong maging arkitekto ngayong iisa na lang ang aking kamay?

Ang dami kong tanong, mayroong namumuong pagdadalmahati sa aking dibdib ngunit hindi ko magawang magalit sa Diyos.

Bakit?

Dahil sa kabila ng aksidenteng nangyari sa akin, nandito pa rin ako sa mundo. Hindi niya binawi ang buhay ko. Sa pangatlong pagkakataon ay hinayaan niya akong mabuhay muli...

"Don't cry Bal. Alam kong kakayanin mo rin ito. It is just a challenge. Lord will help you to get rid of this." Stair hugged me and my tears keeps falling.

"Oo nga Xeidrine! Tsaka nandito naman kami para sa iyo. Hindi ka namin iiwan!"

Nakiyakap sa amin sina Aera at Coast. I am so lucky to have Sixth of Ace. They are my treasures. I closed my eyes and feel the warm of their hug.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα