Nash is just playing my heart... I guess...

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG magpasukan, mas naging abala ako ang aking sarili sa pag-aaral. Ilang buwan na lang kasi graduate na kami. College is coming.

I don't know what's with Nash. Para siyang kabute na lilitaw lang kapag may bibigay sa akin. O 'di kaya ay isu-surprise ako.

Todo explain siya sa akin noong pasukan about sa post ni Milk. Wala lang daw iyo at hindi ko dapat kaselosan. Totoo rin daw ang sinabi niyang babawi siya. Pinatapos lang daw talaga niya ang Christmas vacation.

I remember when we back to school last January 06, he treats me to a Korean restaurant. Pambawi raw noong hindi siya nakapunta ng Pasko, Bagong Taon at birthday ko. Pinag-ipunan daw talaga niya ang paglibre sa akin dito. He even gave me a bracelet again. Dapat daw isuot ko iyon kabilang na ang binigay niya sa akin dati.

Lagi ko silang nakikitang magkasama ni Milk. Ang sabi niya huwag ko raw isipan ng masama si Milk sapagkat kaibigan lang daw niya ito.

Paanong hindi ko iisipan ng kung anu-ano eh lagi nga silang magkasama?! Nagte-training kasi sila for Regional Chess Tournament. Nash needs to reach regionals because it was his last game this senior high.

Sinabi pa ni Nash na I should trust him. It okay to be jealous daw but hanggang selos lang talaga. Walang hiwalayan. Akala mo sinasagot ko na siya. Hindi ko alam sa sarili ko ngayon kung ano ba talaga kami ni Nash. '

Ang hirap kasi ng sitwasyon, baka kapag naging kami, mawala ang lahat ng pinagsamahan namin. Tuwing sinusubukan ko siyang sagutin ay mayroong masamang nangyayari.

Hindi ko alam kung dapat pa akong maniwala sa lahat ng kaniyang sinasabi at kinikilos. Masyado nang masakit at hindi ko alam kung ano pa ang totoo sa kaniya.

Parang hindi na talaga siya ang Nash na kilala ko.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"XEIDRINE, pahiram ng suklay," saad ni Aera habang tinitirintas si Coast.

Nandito ngayon sa bahay ang mga kaibagan namin. Naisipan naming tumambay dito dahil matagal na kaming hindi nagkakasama-sama. Ang totoo niyan ay magre-review sana kami sa darating na entrance exam ng isang prestigious University. Kaso ang problema tinamad kaming anim at tumambay na lang.

We already took three different CET's last year, noong nilunod ko ang aking sarili sa pag-aaral nang ma-brokenhearted ako kay Nash sa unang pagkakataon. Pero may isa pa kaming gustong pasukan na University kaya ayan.

The more entrance exam you have, the more chances you can pick where you can study. Kaysa isang University lang ang pag-applyan mo tapos bagsak ka pala roon.

"Numinipis ata buhok mo Coast at pumapayat ka!" puna niya rito at pinagpatuloy ang pagtitirintas.

"Don't mind that," bumaling si Coast sa akin. "Xeidrine, kamusta kayo ni Nash? Madalas silang magkasama ngayon ni Gatas na malandi ah."

"Bumabawi naman siya. Ang sabi rin sa akin ni Nash, Milk was just a friend."

Her forehead ceased on what I've said. Mukhang hindi siya sang-ayon.

"Ang rupok mo talaga! Naghalikan na nga sila sa harapan mo, pinatawad mo pa." Singit ni Aera.

"Wow. Parang kayo hindi marupok ah. Ikaw Aera, on and off 'yung relationship niyo ng jowa mo. Switch ka girl?" Bwelta ko at tumingin naman kay Coast na natawa sa sinabi ko.

My cousin has already a love life like I always said in the past, last year pa pero ayoko nang makialam pa roon. Masyado silang kumplikado, ang hirap nilang intindihin. Namomroblema na nga ako sa love life ko, iisipin ko pa ba ang iba?

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu