FOUR

7 0 0
                                    

AWAY


"Bakit ako?! Iniwan ko nga 'yan d'on kasi ayoko siya samahan!" pag-angal ni Asher kay Klein.

"Hoy parang tanga 'to. Akala mo ikaw lang may ayaw? Ayoko rin no!" angal ni RC na naka-pamewang. Tumingin naman si Klein sa relo niya. "Sa korte nalang kayo mag-away. Char. Sige na pupunta pa ko sa next class ko. Bye" sabi ni Klein at pumunta sa gilid ni Ash at bumulong.

"Isipin mo yung sinabi sa'yo ng ate mo"

Napa-upo naman si Ash at napahawak ang kamay sa ulo. 'Badtrip' Isip niya.

Tumayo siyang muli at tinanong, "Ano ba next class mo?!" Inis na sabi ni Ash kay RC. "'Wag na. Nakakahiya naman sa'yo" sagot ni RC at naglakad mag-isa ngunit hinawakan ni Ash ang braso niya para pigilan siya.

""Wag ka na mag-inarte. Ano nga?" sabi ni Ash. Tumingin naman si RC sa kamay ni Ash na nakahawak pa rin sa braso niya kaya binitawan agad ito ni Ash.

"A-arts" medyo nauutal na sabi ni RC. Kinabahan kasi siya nung hinawakan siya ni Ash.

"Sasabihin mo rin pala. Bilisan mo" sabi ni Ash at naglakad sa unahan. Sinundan naman siya ni RC.

Habang naglalakad sila, tumitingin-tingin si Ash sa likod para tignan kung may gumugulo ba kay RC. Nahalata naman yun ni RC.

"Dito na. Text mo nalang si Klein kung tapos ka na. Hintayin mo ko dito kung ayaw mong guluhin ka uli ng mga tao" sabi ni Ash at umalis. Kahit pa'pano, natuwa naman si RC sa ginawa at sinabi ni Ash.

>>>>>>>>>>>>

Natapos na ang klase ni RC at nakahanap siya d'on ng dalawang kaibigan. Si Jean Bartolome at si Andrea Custodio. They're old students of St. Leone na kaya alam nila halos lahat ng issue na kumalat sa school.

Tinext na rin ni RC si Klein habang nasa loob pa siya. Lumabas silang tatlo para d'on maghintay ngunit laking gulat naman ni RC nang makita niya si Ash na nand'on na agad.

"Uy, natanggap mo agad text ko?" tanong ni RC kay Ash. Tumango nalang ito kahit pumunta naman talaga siya d'on ng kusa.

"Close kayo ni Asher?" sabi ni Jean na nagulat noong kinausap ni RC si Ash.

"HA?? Hindi ah. P.A. ko 'yan" sabi ni RC, showing her nervous smile kay Ash na nakakunot ang noo ngayon.

"No!I'm not her—

"Sige na, guys. See you uli next time! Thank you!" sabi ni RC at hinila papalayo si Ash hanggang hindi na sila kita.

"What the heck did you just say to them?!" inis na sabi ni Ash kay RC.

"Sorry... alangan namang sabihin ko na tutor kita 'di ba?! Alangan naman ding sabihin kong kaibigan kita, eh 'di magtataka sila kasi alam naman siguro ng lahat na si Klein lang ang kaibigan mo. They will think na may thing tayo and-

"Whatever" sabi ni Ash at inunahan muli si RC sa paglalakad. Sinundan na lang siya ni RC hanggang sa makasama uli nila si Klein.

"Musta?" tanong ni Klein sa dalawa.

"You didn't inform me na personal assistant pala ang itatawag sa'kin nito" inis na sabi ni Ash.

"Personal assistant? P.A.?" tanong ni Klein at natawa.

"I already apologized, 'di ba? I told you I had no choice" sabi ni RC tapos inunahan na sila maglakad. "Nice one, bro. Cute niyo mag-away" napa-iling na lang si Ash sa sinabi ni Klein. Pagtalikod ni Klein, ngumiti naman si Ash. Masaya talaga siya pag naaasar si RC.

HER ESCORTWhere stories live. Discover now