TWO

14 0 0
                                    

UNANG ARAW 


Kumatok si Reverie at pinagbuksan siya ni Klein. Namangha siya sa itsura ng condo nila. Simple lang, maraming abstract paintings sa pader, sakto sa dalawang tao at malinis.

"Welcome in our crib. Pasensya na, medyo maliit. Dalawa lang naman kasi kami dito" sabi ni Klein sa kanya na nililibot pa rin ang mata sa loob ng bahay. "Okay lang. Hindi naman ako maarte" sagot naman ni Reverie sa kanya.

Pagpasok nila sa dining room ay bumungad kay Reverie si Asher na nakaupo sa isa sa mga upuan d'on habang nagbabasa ng libro. "Hoy, nandito na si Reverie oh" sabi ni Klein sa kanya. Tumingin naman si Asher sa kanilang dalawa.

"Alam ko, hindi naman ako bingi at bulag" masungit na sagot ni Ash. Tiningnan naman siya ng masama ni Klein, pagkatapos ay tinignan naman niya si Reverie apologetically.

"Sinasanay ko na sarili ko, don't worry" sabi ni Reverie kay Klein. Iniwan na silang dalawa ni klein sa dining area.

BInalibag ni Reverie ang bag niya sa mesa kaya napatingin sa kanya si Ash.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Ash sa kanya habang nakakunot ang ulo. "Ikaw. Kung ganito yang attitude mo, sasabayan kita" sagot ni Reverie kay Ash. Napa-iling na lang si Ash na tinitipid ang pasensya niya para kay Reverie.

"Before we start, I just want to make things clear" sabi ni Reverie. Napakamot na lang ng ulo si Ash. "May Brains ako. Hindi lang talaga ako nakaka-focus sa studies because of my contests" dagdag ni Reverie. Nakita naman niya si Ash na hindi nakikinig at nagbabasa lang ng libro.

Pinilit ni Reverie na pigilan ang sarili at umupo na lang uli.

"Okay ka na? Bilisan mo. Sinasayang mo oras ko" sabi ni Ash at sinara ang libro na binabasa niya kanina. Sinamaan siya ng tingin ni Reverie at saka napilitang making nalang sa mga itinuturo ni Ash.

Pagkatapos ng kalahating oras, bumaba si Klein para bigyan sila ng snacks.

"I'm fine. You can give that to this VIP girl" sabi ni Ash at tumayo para mag-cr.

"Bait ah?" isip ni Reverie.

"Musta, Reverie?" tanong ni Klein. "Just call me RC. Ayun, napakasungit ng best friend mo. Ano bang nakain niyan nung bata?" sagot ni Reverie na halatang naiinis.

"Pagpasensyahan mo na 'yan. Mahirap kasi yung pinagdaanan niya dati" sinigurado muna niyang wala pa si Ash bago niya yun sinabi. "Ano bang pinagdaanan niya?" sasagutin na sana siya ni Klein pero biglang dumating si Ash.

"Tapos ka na ba kumain? Let's proceed" sabi ni Ash at saka umupo uli. Umalis naman si Klein at iniwan silang dalawa.

"Ano kayang pinagdaanan neto? Mukhang mabigat nga eh" Isip ni Reverie. Nakatulala siya ngayon kay Ash kaya di niya naririnig yung mga sinasabi ni Ash.

"Please listen. You're not here to stare at me" sabi ni Ash. Bumalik si Reverie sa realidad at sinampal ang sarili. "Excuse me, I'm not staring at you" sagot ni Reverie. Di na siya pinansin ni Ash at itinuloy ang pagtuturo.

Dumating ang oras na kailangan nang umuwi ni Reverie. Bago siya umalis ng condo nina Ash ay hiningi niya ang phone number ni Ash.

"Akin na phone mo. I'll save my number" sabi ni Reverie at saka inilantad ang kamay, hudyat na hinihintay niyang ibigay ni Ash ay kanyang cellphone.

"Ano? Tutunganga nalang tayo dito?" sabi ni Reverie nang hindi kumibo si Ash. Kinamot nito ang ulo at sinabing "I don't have a phone"

Reverie's jaw dropped. She was shocked. "Girl? What? Every people on earth have a phone. How come you don't have one?" tanong ni Reverie kay Ash.

"I once had. It's none of your business. You can call Klein if you have to tell something important to me" sabi ni Ash at umakyat na sa kwarto niya.

'weird talaga ng lalaking yon' isip ni Reverie.

"Di man lang nag-bye" sabi ni Reverie sa kanyang sarili. Pumasok naman si Klein at sinamahan si Reverie palabas ng condo.

"Klein may tanong ako" panimula ni Reverie. Tumango naman si Klein at inantay ang tatanungin niya. "Bakit walang cellphone si Ash?" tanong niya.

"Ayaw na niya eh. Phone ko ginagamit niya palagi pero nakatago lang naman yung phone niya sa kwarto niya" sabi ni Klein.

"Aah, ganun ba? Sige, una na ako ah. Salamat!" nagpaalam na si Reverie kay Klein at nagpaalam din naman ito sa kanya. Saktong pagka-alis ni Reverie ay siya namang pagdating ni Harper.

"Uy... maggagabi na ah?" nilapitan ni Klein si Harper at tinulungan siya sa mga dala nito. "Gusto ko lang malaman kung ano nangyari sa first day nila. At nagdala na rin ako ng dinner" sagot ni Harper. Halata sa mukha ni Klein ang saya.

"Ano? Kamusta naman si Ash?" tanong ni Harper kay Klein habang nasa elevator sila. "Sinusungitan pa rin si Reverie. Sinasanay na nga niya sarili niya kay Ash eh" malungkot na sagot ni Klein.

Dati pa lang ay marami nang plinano si Klein at si Harper para maibalik ang dating 'Asher' ngunit hindi pa sila nagtatagumpay. Umaasa sila na sa pamamagitan ni Reverie ay magtatagumpay na sila.

>>>>>>>>>>

Kumakain na silang tatlo ngayon habang pinag-uusapan ang mga nangyari kanina.

"Ash, please try to be kind kay Reverie. Alam mo ba na maraming lalaki ang may gusto sa pwesto mo kasi nakakausap mo si Reverie nang malapitan? You're lucky" sabi ni Harper kay Ash. Sumasang-ayon naman si Klein.

"I would be glad to exchange with them" sagot ni Ash. Nadismaya naman yung dalawa.

"Asher, seryoso na. Subukan mo namang baguhin yang sarili mo kasi ikaw lang din ang nahihirapan eh. Buti nga tinutulungan ka pa namin. It's been three years. Are you still not ready?" seryosong sabi ni Harper at saka tumayo. Nagulat naman si Ash at pati siya'y napatayo rin.

"Ate Harps..." sinubukan siyang pigilan ni Klein pero umalis na si Harper. Umupo naman si Ash at nagface-palm.

"Ash, concerned lang sa'yo yun. Di yun galit, promise" sabi ni Klein para mabawasan ang pag-aalala ni Ash. Itinuloy na lang niya ang pagkain ngunit di pa rin iyon mawala sa kanyang isipan.

T O M O R R O W

"Klein, tawagan mo nga si ate" sabi ni Klein nang nakasakay na sila sa kotse ni Klein. "Oh. Ikaw na bahala" binigay ni Klein yung cellphone niya kay Ash at nagdrive na.

Binuksan ni Ash ang contacts ng cellphone ni Klein. Hinahanap niya yung pangalan ng ate niya pero biglang nagbrake si Klein kaya aksidente niyang napindot ang pangalan ni Reverie.

"Klein, what the heck?" sabi ni Ash kay Klein pero kinindatan lang siya nito.

"Hello? Wait. Ash?" nagulat si Ash nang margining niya ang boses na nanggaling sa phone ni Klein. "Shit" nasambit bigla ni Ash at mabilis na binaba ang tawag. Napatingin naman si Klein sa kanya sa salamin.

"Nyare sa'yo bro?" tanong ni Klein. "Natawagan ko si Reverie. Bwisit ka kasi eh. Ang careless mo magdrive" natawa ng malakas si Klein. Sinamaan lang siya ng tingin ni Ash.

Sinusubukan naman ni Ash na tawagan ang kanyang ate ngunit hindi ito sumasagot. Napa-buntonghininga nalang siya at sumuko.

"Baka nagtatrabaho yun. Mamaya mo nalang ulit subukan" sabi ni Klein. Tumango nalang si Ash at ibinalik na kay Klein ang phone.

HER ESCORTWhere stories live. Discover now