"Ang galing," Bulong ko kay Klaus sabay turo kay Kris.






Tumango-tango siya bago sumandal sa back rest ng sofa at sabay patong ng laptop sa kanyang hita.






"Sandali, napapadalas ata ang tambay mo dito sa bahay. Hindi ka ba busy sa munisipyo?" Tanong ko.






Umiling siya, "I've got everything under control so it's really fine for me to have a rest day. And what really bothers me now is the situation in one of my business, Gallier reported to me that our sales dropped enormously and I have to take it under control as soon as possible." Paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa screen ng laptop.






Sinipat ko 'yon ngunit tila masamang ediya ang ginawa ko dahil biglang sumakit ang ulo ko dahil hindi ko maindihan ang binabasa niya.






Bukod sa malalalim ang salita ay puro english pa kaya medyo nalito ako.






"Sandali, ikukuha kita ng kape para magkalakas ka habang gumaga——" tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.






"Just stay here, your presence is more effective than a cup of coffee." Wika niya sanhi ng pag-init ng pisnge ko.






Hindi ko maiwasang kiligin nang dahil sa sinabi niya.






Napailing na lamang ako at pinakatitigan muli si Kris na kalmadong naglalaro sa TV.






Sa ganitong sitwasyon ay talagang wala akong planong ipaalam kay Klaus sa kung anong napanaginipan ko, ayokong bigyan siya ng mas mabigat na pasanin dahil lang wala akong maalala.






"Mama, gutom na." Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Kris na nagsalita.






Hindi ko namalayan na nakalingon na pala siya sa akin at natapos na niya ang laro.






May nakalagay pa na 'you win' sa screen senyales na naipanalo niya ang kanyang laro.






Ngumiti ako at sinenyasan siya na lumapit na ginawa naman niya, ngunit kasunod niya si Skippy na mukhang gutom na rin sa kakanood sa amo niyang walang sawang naglalago ng video games.






"Anong gusto mong pagkain? Iluluto ko." Tanong ko sa kanya.






Saglit siyang nag-isip bago buksan ang kanyang ipad na nakapatong sa table, may pinindot siya doon at nang mahanap ay ipinakita niya sa akin.






"Gusto ko nito," wika niya.






Tinignan ko ang gusto niya at nakita ang isang kaserola na nahati sa dalawa, may kulay pulang sabaw at may kulay clear.






Sa tabi noon ay mga hilaw na karne ng baboy, manok, beef at pati mga seafood ay mayroon maging mga gulay.






"You want hotpot?" Tanong ni Klaus sa kanya.






Tumango lamang si Kris bilang sagot, "Okay, I'm gonna order one for our dinner." Sagot ni Klaus pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone sa center table.






Nagpipindot siya doon at wala pang ilang minuto ay tumawag ng kasambahay upang ipaayos ang hardin upang doon kami kumain mamayang gabi.






"Mag-cheese ball ka muna," wika ko kay Kris.






Inabot ko sa kanya ang isang ngunit imbis na kunin gamit ang kamay ay kinagat niya agad gamit ang ipin dahil may hawak siyang Ipad.






"My baby is cute," wika ni Klaus habang pinagmamasdan si Kris.






Napanguso ako, "Siya lang?" Tanong ko.






Tumawa siya at pinisil ang aking ilong, "Yup, because you're beautiful." Pambobola niya.






Napairap na lamang ako at pagkatapos ay napangiti nang kumandong sa akin si Kris habang kandong niya rin si Skippy.






Agad na binuksan muli ni Klaus ang kanyang cellphone at itinapat sa amin ang camera.






"Too cute, I want to take a picture and make it my wallpaper so I can look at it everytime I'm at work." Wika niya, ngumiti ako nang magbilang siya.






Sunod-sunod ang kuha niya kaya halos maubusan na ako ng pose sa bawat anggulo ngunit si Kris ay nanatili lamang sa paglakasandal sa aking dibdib habang nakasilay ang tipid na ngiti sa labi.






"Look, it's cute." Ipinakita sa akin ni Klaus ang litrato, naka-peace sign ako habang malapad ang ngiti. Si Kris naman ay tipid na ngiti habang nakatingin sa sahig at si Skippy ay nakalabas ang ngipin.






Wallpaper na niya ang litrato nang ipakita sa akin habang hindi ko mapigilan ang tuwa.






Kung sana ay ganito na lamang kami at hindi kumplikado ang aming sitwasyon ay sana masaya at kumpletong pamilya kami.






Sana ay wala akong ibang iniisip kung hindi ang pagpapalaki ng maayos kay Kris at ang pag-aalaga kay Klaus bilang asawa niya.






"Ma'am, sir, may dumating pong mga package." Wila ng isang kasambahay habang bitbit ang dalawang box.






Agad akong tumayo upang kunin, "Thank you," wika ko.






"Is that Kris' clothes?" Tanong ni Klaus.






Tumango ako dahil wala naman kaming ibang inorder kung hindi 'yon.






"Kris, isukat mo lahat dali. Paniguradong magugustuhan mo na 'to," Wika ko.






Binuksan ko ang unang box at bumungad ang madaming hoodie na puro itim. Bawat isa ay may bubble wrap na hindi ko alam kung para saan pa dahil hindi naman babasagin ang nasa loob.






Nang makita ni Kris ang mga damit ay nakita ko ang pagkislap ng kanyang mata na tila senyales na nagustuhan niy ang mga damit.






Isa-isa niyang sinukat ang mga 'yon at masaya ako nang makitang nagustuhan nga niya ang bawat isa.






Nang bubuksan ko na ang pangalawang box na mas maliit ngunit mas mabigat ay biglang nagpaalam si Klaus upang sagutin ang biglaang tumawag sa kanya.






Nakakapagtaka pa kung bakit may pangalawang box gayong kumpleto na naman sa unang box ang lahat ng inorder ko.






Naiwan kami ni Kris sa sala, busy siya sa pagsusukat ng mga hoodie habang katabi si Skippy kaya ako na lamang ang nagbukas ng box.






Halos magulat ako nang makitang puro bato lamang ang nasa loob, kaya naman pala mabigat dahil bago lamang ang nandoon.






Napailing na lamang ako at ibinaba sa sahig ang box, babaliwalain ko na lamang sana dahil baka may gusto lang mantrip ngunit kinain ako ng kyuryusidad nang sumilay ang isang makinnag na papel na pinakailalim ng box.






Isa-isa kong inalis ang mga batong nakadagan at dinampot ang papel na nasa pinakailalim.






Walang kakaiba bukod sa kaminang nitong labas.






Napagmasyahan kong buksan ang loob at halos panlamigan ang buong sistema ko nang mabasa ang nakasulat sa papel.






Christmas is about to end. Beware.







A/N: Good night, stay at home and be safe. :))

PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now