"Ang titigas niyo ah. Kunin niyo sila." Utos nito kaya agad na lumapit samin ang anim sa kanila at hinawakan kami.

"Get off of me!" Sigaw ni Yumi.

"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.

"Wala nga kasi sabi e!" - Celine.

"Kung hindi kayo magsasabi ng totoo, sasaktan talaga namin kayo." Banta nila.

"BITAWAN NIYO SILA!" Isang pamilyar na boses ang dumagundong sa buong BEG.

Natigilan kaming lahat at napatingin sa gawi ng taong yun.

"BDL." Bulong ko sa sarili.

"Tignan mo nga naman oh. Tatlong miyembro ng SV Gang ang nandito. It's nice to finally see you." Nakangising sabi ng lalaki.

"Oo kami nga. Now get your hands off to them kung ayaw niyo ng gulo." JDR coldly replied.

"At anong gagawin niyo kung hindi kami susunod?" Tanong ng lalaki.

"Then you're going to finally meet Satan." Seryosong sabi ni TC. Para silang demonyo sa nakikita ko ngayon.

"Grabe natakot ako HAHAHA! Eh napabagsak nga namin ang apat sa inyo! Isa ka na dun JDR!" Mayabang na sagot ng lalaki.

Dali-daling sinugod nila BDL ang mga lalaki. Binatawan na nila kaming tatlo kaya agad kaming lumayo pero hindi kami umalis.

Nakita namin kung paano nila pinatumba ang walong lalaki. Babae ba sila? Bakit kakaiba sila gumalaw?

"Putang*na kayo!"

"Wala kayong karapatang saktan sila!"

"F*ck off I'm going to kill you b*tch!

Malalakas na mura at suntok ang pinapakawalan nila. Lahat ng lakas nila, sa mga lalaki nila ibinubuhos lahat. Parang hindi sila tao.

"Pigilan niyo sila!" Agad kaming napatingin sa nagsalita at nakita sila Coach O kasama ang mga basketball players. Naka jersey kasi sila.

Inawat naman nila ang mga ito. Wala man lang pasa sa mukha o iniindang sakit sina TC, BDL at Jaycel pero ang mga lalaking malalakas ang loob ay ngayo'y nakahiga na sa sahig.

"Alisin niyo sila dito." Malamig na utos ni Jaycel na agad nilang sinunod. Hindi sila nahirapan sa pagbubuhat sa mga lalaki dahil malalaki ang mga katawan nila.

"Hey, okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Alalang tanong ni BDL.

Hindi ako sumagot at agad na yumakap sa kanya. I feel so relieved and safe whenever I'm with her, tuwing nakakulong ako sa kanyang mga bisig.

"N-natatakot a-ako." Naiiyak kong sabi.

"Hushhh. Stop crying. Sabi ko naman sayo na nandito lang ako palagi para protektahan ka? So please stop. I'm not leaving you." Malambing niyang sagot habang hinahagod ang aking likod.

___________________________

Celine's POV

"Sabi ko na kasi sayo sama ako e. Ayan tuloy." Inis na sabi ni TC habang ginugulo ang buhok.

"Okay na nga. Dumating kayo. Ligtas na kami." Sagot ko sa kanya at bumuntong-hininga.

"Pero hindi sana nila kayo nahawakan kung kasama niyo na kami kanina pa."

"Alam ko nag-aalala ka pero okay lang ako. Okay na kami." I answered and cupped her face. "Wag puro ako. Isipin mo rin ang sarili mo. Walong lalaki ang kalaban ninyo kanina. Paano kung kayo ang duguan ang mukha at nanghihina ngayon? Hindi ko kayang makita kang ganun TC."

Gangsters of AteneoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon