ITS 12:51

115 8 0
                                    

Genre: Drama, and Tragedy

TW: Accident, Blood, Death, and Cheating

Nakatanaw ako ngayon sa boyfriend ko na kanina pa nakatutok ang mga mata sa cellphone niya.

Ilang oras na ako nandito sa condo niya, pero ni isang beses hindi niya ako nilingunan at tiningnan. Ayaw ko naman abalahin siya, dahil baka may importante siyang ginagawa.

Madalas na rin kasi kaming mag away, nitong mga nakaraaang araw. Kaya hangga’t maari ay ayaw ko na muna gumawa pa ng mga hakbang na posibleng pagsimulan ng away namin.

Nagsusulat nalang ako sa likod niya at tinitingnan siya paminsan minsan.

Alas otso palang ng umaga nandito na ako. Ngayon kasi ang birthday ko. Kaya napagpasyahan ko na pumunta sa kanila, at ayain siya mag date. Akala ko nga kanina ay babatitiin niya ako pagdating ko, pero hindi.

Kaya inisip ko na baka may hinanda siyang regalo, kaya hindi niya ako pinapansin. Pero mukhang nagkamali ata ako.

Haist, kailangan ko na rin sigurong umuwi.” mahina kong asik sa sarili ko.

“Love,” pagtawag ko kay Clarence, hindi naman ako nito pinansin, kaya tinuloy ko nalang ang balak kong sabihin. “Iniimbitahan ka ni Mama at Papa na magdinner sa bahay kasama namin. Magkakaroon kasi kami ng mini celebration ngayong birthday ko. Sasama ka ba?” tanong ko sa kaniya.

“Pass,” maikli nitong saad.

Akala ko ay babatiin niya man lang ako, pero ilang minuto na ang lumipas hindi na siya nagsalita muli. Kaya tinanggap ko nalang. Nanahimik nalang ako sa tabi, at nagsulat muli.

Tiyak na kanina pa ako hinihintay nila Mama. Bago kasi ako umalis ay pinagbilinan ako nitong umuwi, para magkasalo salo kami ngayong kaarawan ko. At isama ko na rin daw ang boyfriend ko.

Si Mama lang naman ang may gusto nun at ako, dahil ayaw ni kuya at Papa kay Clarence. Hindi ko alam kung bakit.

Pero wala naman silang magagawa dahil kaarawan ko ngayon, kaya pagbibigyan nila ako. Ganiyan ako kamahal ng pamilya ko. Kahit lagi kaming nag-aaway ni Kuya dahil sa epal siya, kahit kailan naman ay niya akong hinayaang masaktan. Ganon rin si Papa, overprotective dahil nag- iisa lang akong anak na babae.

Sandali kong tiningnan ang relo na nasa braso ko, 7:30 na pala. Inabot na pala ako ng gabi dito kakahintay sa kaniya.

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng hilo. This past few days paulit-ulit na itong nangyayari hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko rin magawang magpatingin dahil tiyak na magaalala lang sila mama. Ayaw ko naman na dumagdag pa sa problema nila.

Siguro ay kulang lang ako sa tulog. Madalas din kasi akong nagpupuyat, dahil tinatapos ko ang thesis ni Clarence.

Hindi raw niya kasi kaya, kaya humingi siya ng tulong sa akin. Pero hindi ko akalain na hindi lang pala isang part, kundi lahat. Ayaw ko namang sabihan siya, dahil magagalit lang ito, at baka pagsimulan pa ng away namin.

Mahal na mahal ko ang boyfriend ko, siya lang ang tumanggap sa akin kahit ganito ako, freak. Yan ang bansag sa akin ng karamihan, dahil kesyo raw ang weird weird ko. Hindi ko naman sila masisi.

Hindi rin naman ako kagandahan tulad ng iba. Manang manamit, may malaking eye glasses at morenang balat, dagdag mo pa ang katotohanan na marami akong peklat sa katawan na hindi ko alam kong saan nanggaling.

Kaya tinuturing ko na ang sarili ko na maswerte, dahil naging boyfriend ko si Clarence, varsity at heart trob sa Univeristy namin.

Bali Balita nga sa Univeristy namin na si Clarence at Trixie, pero syempre hindi ako naniniwala roon. Ako kaya ang girlfriend niya, well unti lang naman kami nakakaalam nun pero ayos lang sa akin, ang mahalaga alam kong mahal niya ako.

The Tales of EuriaWhere stories live. Discover now