CHAPTER 4: ALMOST

268 13 4
                                    

"Hi!" nakangiting bati ko sa mga bata at nagsitilian sila. Nagsisipagunahan silang yumakap sa akin na ikinatawa namin ni Raven.

Dahil tapos na ang mga engagements ko ay nagawa ko nang makapunta sa orphanage. Plano kong mag-stay doon habang wala pa akong schedule.

"Ate Adriana ikaw na ba ang magtutuloy ng kwento ni Snow White?" excited na tanong ni Mia. Napatingin ako sa mga bata at natunaw ang puso ko sa nakikitang puppy eyes nila. Lahat ay umaasang papayag ako.

"Yes. Ako na." pagbibigay ko sa kanila. Naghiyawan ang mga bata. Hinila na nila ako para maupo sa gitna ng carpet kung saan kanina lang nagkukwento ang taong in charge.

Umalis sina Raven at itinuloy ko na ang kwento hanggang sa natapos. Doon naman bumalik si Raven kasama ang mga staff. Dala nila ang sampung kahon na pizza na dala ko bilang pasalubong.

Tuwang-tuwa ang mga bata. Nagsalo kaming lahat sa meryenda pati na rin ang mga staff.
Panay ang kwentuhan namin.

"Ate Adriana, hindi pupunta si Kuya King?" out of the blue na tanong ni Mia.

Muntik na akong mabilaukan. Agad kong kinalma ang sarili ko. My heart started to beat faster but I tried not to get affected. But damn it! Its hard! Lalo na ngayong panay ang paramdam ni King, agad akong natataranta sa tuwing nararamdaman ang presence niya.

"Mia, hindi na pupunta si Kuya King. Busy siya." salo ni Raven at alanganing ngumiti sa akin.

Umiling si Mia. "Sabi niya po babalik siya."

Takang nagkatinginan kami ni Raven. "K-Kailan niya sinabi?"

Napaisip si Mia hanggang sa umiling. "Noong isang araw po. Nakita ko siya sa labas ng bakod. Nagtatagu-taguan kasi kami at doon nagtago. Nakita ko siyang nakatingin sa ampunan." kwento ni Mia.

Nagtinginan kami ni Raven. This time, I am confuse.

"Sinabi niya ba kung bakit siya nandito?" tanong ko.

"Sinabi po."

Nabuhay ang kuryusidad ko. "B-Bakit daw?"

"Hinahanap ka po. Gusto ka raw makita." inosenteng sagot ni Mia at ganadong kumain ng pizza.

Hindi na ako makakain. Si King na lang ang tumatakbo sa isip ko. Ganoon talaga niya ako kagustong makita?

"B-Bakit daw niya ako gustong makita?" usisa ko. Oh I am dying to know!

Umilig si Mia. "Hindi niya po sinabi pero tinanong niya ako kung ano ang mga paborito mong pagkain, bulaklak at saka..." nagisip pang maigi si Mia hanggang sa napapitik. "Kulay! Tinanong niya ako sa favorite color mo po! Pink! Lagi kang naka-pink kagaya ng suot mo ngayon!"

Napamulagat na talaga ako. Doon napatikhim si Raven at namula ang mga pisngi ko. Hindi ko napigilang magusisa. Dapat at deadma lang ako kay King pero hindi ko magawa. Its hard to ignore King's effort and I am almost losing my defense.

Napalingon kaming lahat nang pumasok si Teban-ang janitor-sa kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ang hawak niya.

"Ma'am, may nag-deliver po. Para po sa inyo." sabi ni Teban saka iniabot ang dalang bouquet ng pink tulips.

Napasinghap kami nila Raven. Parang nanlalaki tuloy ang ulo ko. I am overwhelmed!

"T-thanks." sagot ko at napatitig sa bulaklak. Doon ko napansin ang isang card. Agad ko iyong binasa.


A lovely flowers for a lovely lady. Hope my care will reach you. Take care, Adriana.

King

"Wow ang ganda ng mga bulaklak, ate..." buong paghangang sabi ni Mia. Sinegundahan iyon ng mga bata.

Sasagot sana ako nang mag-ring ang cellphone. Bumilis ang tibok nang puso ko nang makitang si King ang caller. Nag-excuse ako at lumabas ng kwarto. Ilang beses akong nag-breathe in and out bago iyon sinagot.

"Hello?" I answered and I hope I did not sound excited.

"Did you get the flowers?" tanong niya.

"Yes. Thank you. Pero hindi mo na ito dapat ginagawa." napakagat ako sa ibabang labi. Bakit parang ako ang nasaktan sa sinabi kong iyon?

"I want to do this. Gusto kong bumawi sa mga ginawa ko noon sa'yo. Please let me pay for my sins." pakiusap niya. I can feel his sincerity that somehow melts me.

Napahagod ako sa buhok. Dahil sa mga effort ni King ay nabubuwag ang depensa ko. "Pagkatapos ay ano?"

"Then we could start over. Adriana, I want to start over again. Huwag ka munang tumanggi. Give me a chance. Kung makikita mong hindi puwedeng tayo, ako na mismo ang lalayo." pangako niya.

"P-Pero--"

"I miss you." putol niya sa sasabihin ko na nagpagulo ng sistema ko.

"King..." anas ko.

Bumuntong hininga siya. "I want to see you. I think I am really under your spell. Pero wala akong oras ngayon para mapuntahan ka sa ampunan. I am sorry. Nalaman kong nandyan ka dahil tinawagan ko sila."

"Oh, okay." nakakaintinding sagot ko.

"I will be very busy. Pasakay na ako ng eroplano. I am heading to Singapore. May kakausapin akong negosyante roon. After that, I will be in Japan and Cambodia." paalam ni King.

"M-Magiingat ka." napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko napigilang maging concern.

"Thank you. I need that. Babawi ako pag nakaluwag ako ng oras. I really have to go. See you soon." pangako niya at tuluyan nang ibinaba ang cellphone.

Hindi pa rin ako makahuma. Nakapatong sa dibdib ko ang cellphone habang si King ang laman ng isip ko.

He wants us to start over! And I want it too. Baliw talaga ang puso ko. Sa halip na tumanggi, naghihintay ulit.

Napailing na lang ako sa sarili ko. This craziness should stop.

How could I make my heart stop beating for King?


THE TYCOON'S REVENGEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن