CHAPTER 1: THE MAN WHO OWNS ME

539 28 10
                                    

Few hours ago...

"Stunning!" impit na tili ni Raven nang makita niya akong dumating sa party--ang Addy's Shelter Fundraising Party.

Ang pangunahing layunin ng party ko ay para makapag-raise ng dagdag na pondo para sa orphanage na ako mismo ang nagtatag.

Though I have my own resources, ginusto ko pa rin mag-held ng party at magimbita ng mga kilalang politiko at negosyante para mas lalong madagdagan pa ang supporters ng orphanage. I also want these tycoons to help those in need too.

Since I was a little girl, it is my passion to help them. May foundation na pagaari ang kumpanya ng daddy ko at sa tuwing may mission sila ay sumasama ako. Noon college ako, nagbo-volunteer din ako sa tuwing mayroong mission ang school namin.Ang pinakamalapit sa puso ko ay ang mga orphan.

I decided to put up my own orphanage after I graduated college. Hindi naging mahirap dahil anak ako ni West Ambrosia--the well known business tycoon.

My last name speaks power and connections. Though sometimes, hindi ko nagugustuhan dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng identity. Hindi ako abusadong tao kaya ginawa ko ang lahat para solohin ang pagpapatakbo ng orphanage.

After I graduated college, I grabbed the opportunity to be a ramp model. I worked hard for it until I became one of the highest paid model in Asia.

Kasabay nang pagakyat ko sa tuktok ng tagumpay ay unti-unti ko rin napalaki ang orphanage. Dumami ang natulungan ko kaya naisip kong palakihin pa ang kakayahan ko para makatulong.

I hired people and started to create my own clothing and make up lines. I accept acting projects and have a few movies. I a lot big portion of my income for the orphanage.

At the age of 30, masasabi ko na I had a fulfilling life. Marami akong natulungan at sinubukan kong maging discreet. Para sa akin, ang pagtulong ay ginagawa ng tahimik. Hindi iyon pinangangalandakan at ipinagyayabang. Nawawalan ng sense ang pagtulong sa ganoon.

"Thanks to my designer. She made a dress that will make me look like a human." biro ko kay Raven.

Raven Guillermo is my bestfriend. Nakilala ko siya noon sa university. She was taking up BS Social Work and I took up Management. Naging katabi ko siya sa isang minor subject. Mabait siya at madaldal kaya agad kaming nag-click bilang magkaibigan. Sa ngayon ay licensed Social Worker na siya at nagtatrabaho sa orphanage as my Social Worker Administrator. Idea niya ang fundraising na ito at ang program.

"Crazy! You are more than like a human. You look like a goddess!" nakamulagat niyang sagot at kilig akong hinawakan sa mga kamay. "It's about time. Puwede na nating simulan ang first part ng party. It's auction time!"

Kinabahan ako nang hilahin na ako ni Raven papunta sa likod ng stage. Gumawa sila ng maliit na stage at doon na umugong ang boses ng host. Isa isa nang binabati ang mga bisita. Sumilip ako at lihim na nagpasalamat sa diyos dahil maraming nagpunta sa event. Maraming chance para makakuha ng sponsor.

"Alright! For the mechanics, we will show you one by one who will be your 'slaves' for the night! Let's start to Chinky Mendez-the image model of White and Fresh!" anunsyo ng host at lumabas na si Chinky. Kilala siyang commercial model at kaibigan ko rin.

Sampu kaming io-auction. Isa-isa kaming tinawag. Palakas nang palakas ang mga sigawan at kantyawan hanggang sa turn ko na.

Nagpalakpakan ang mga tao nang lumabas ako at propesyunal na rumampa. Nagkislapan ang mga kamera. Sanay na sanay na ako kaya hindi na ako kinilabutan sa mga narinig kong manghang bulungan.

Nang matapos ang pagrampa ay isa-isa na kaming pina-auction. The guests became wild. Umugong ang tawanan at kantyawan.

"Chinky was sold to Mr. Arold Sevenilla for 5 million!" sigaw ng host.

THE TYCOON'S REVENGEWhere stories live. Discover now