Aray!

May plano ba siyang durugin tong kamay ko?

“Uy Jean, kumusta?”

“Kumusta mo mukha mo! Kapal mo din ano? Alam mo na ngang kami na ni Mira pero may balak ka pa atang sunduin siya?”

“Si Seg ang naki-usap sa akin na sunduin siya. Sumusunod lang ako sa utos.”sagot niya kay Jean saka siya tumingin sa akin.” Mira, ano? Sabay kana sa akin. Iyon ang bilin ng Kuya mo.”

“Ahhh—ahh….” lalong napahigpit yong hawak ni Jean sa kamay ko.

Bwisit na impaktong to!

Ang sakit ng hawak niya.

“Bien, paki sabi na lang kay Kuya na hindi ako sasabay sayo.”

Matapang ang mukha ni Jean habang nakatingin kay Bien at saka niya ako hinila papasok ng kotse niya.

“Jean pwede ba—ahh ayyyy!!!!” halos mapasigaw ako nong paandarin niya ng mabilis tong sasakyan niya.

“Jean magdahan-dahan ka nga! Baka mabunggo tayo sa ginagawa mo!” Para kaming nakikipag-karerahan sa ginagawa ng impaktong to.

“Jean ano ba! Araaaay!”

Halos maumpog ako nong bigla niyang itigil ang sasakyan niya.

Halata ang galit sa mukha niya habang mahigpit siyang nakahawak sa manibela.

“Ayokong nakikipag usap ka pa sa taong iyon!”

“Okay. Hindi na ako makikipag-usap. Pero pwede ba dahan-dahan lang sa pagmamaneho? Papatayin mo ako sa nerbyos!”

“Bwisit na yon! Alam na nga niyang tayo e-eksena pa siya!”

Nagseselos ba siya?

“Jean wag ng mainit ang ulo, oh? Hindi na ako makikipag usap kay Bien.”

“Iwasan mo siya, kaibigan siya ni Novy. Lahat gagawin ng taong yon para inisin ako.”

Akala ko naman nagseselos siya. Dahil lang pala kay Novy.

“Bakit ka naman iinisin ni Novy?”

“Hindi ko alam, basta iwasan mo siya. Kahit kaibigan pa ng Kuya mo si Bien wag kang magtitiwala. Ayokong mapahamak ka.”

Tumango lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Novy. Pero halatang asar na asar siya sa taong iyon.

Naging mahinahon din siya pagkatapos ng ilang minuto. Hinatid na niya ako sa classroom ko at nagpaalam na magpa-praktis lang daw sila.

“Jean, wag ng mainit ang ulo ha?”

“Oo, hindi na.”

Halatang may topak pa rin siya dahil hindi ito makatingin sa mga mata ko.

“Huwag kang makikipag-away ha?”

“Oo hindi ako makikipag-away.”

Nakasimangot pa rin siya.

“Ngingiti na yan…..” tukso ko sa kanya pero lumabi lang siya saka siya tumalikod.

May topak talaga ang impaktong iyon.

Napapailing akong natatawa habang tinatanaw siya. Nagpapadadyak siya habang naglalakad. Para talaga siyang bata.

Pumasok na ako ng classroom at ilang minuto lang nag simula na rin ang klase namin.

Nakikinig lang ako sa Prof namin at sinusulat yong mga importanteng detalye ng bawat sabihin niya.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon