Chapter 14

87.9K 1.2K 109
                                    

Mira Jane Garcia

HINDI ko akalaing magagawa kong suntukin yong mukha ng Jean na yon. Sobrang naiinis na talaga kasi ako sa kanya! Wala na siyang ginawa kundi asarin ako. Pati ba naman sa harap ni Lyndon lalaitin niya ako! Sasabihin niyang pangit ako!

Walangya talaga siya!

"Bessy anong nangyayari sayo? Bat nanginginig ka, may sakit ka ba?" si Ems saka niya hinawakan yong noo ko. Andito kami sa classroom katabi ko siya.

Sa totoo lang masakit yong kamay ko dahil sa pagsuntok ko kay Jean. Ang tigas pala ng mukha niya!

"Wala Ems, siguro malakas lang yong buga ng aircon kaya nilalamig ako."

"Ganon ba? Lipat tayo ng upuan. Don tayo sa gilid para di masiyadong malamig."

Hinila niya tong kamay ko saka kami umupo sa bandang gilid.

Medyo kalmado na ako. Hindi kagaya kanina sobrang inis ang nararamdaman ko sa impaktong yon.

Tulala lang ako. Nakatingin ako sa Prof pero wala akong naiintindihan sa dini-discuss niya.

"Best uuwi ka na ba?" tanong ni Ems nong matapos lahat ng klase namin.

Tumayo na kami.

Napapaisip ako. Sigurado akong gaganti sakin yong Jean na yon.

"Ems pwede bang pasakayin mo muna ako sa bus bago kayo umalis ni Caleb?"

"Oo ba" sagot niya.

Para tuloy akong paranoid. Linga ng linga baka sumulpot yong impaktong yon.

Lumabas na kami ng classroom.

Naabutan namin si Caleb dito sa harap ng Campus pag labas namin ng gate. Pero hindi ako iniwan ni Ems. Pinasakay muna niya ako.

Hay juskoh! Kung bakit sa dami naman ng makakabangga ko at makikilala ko bat yong impaktong yon pa kasi!

Napabuntong hininga ako.

Pero atleast nakaganti din ako sa wakas! Hinding hindi ako padadaig sa impaktong yon.

Pagbaba ko ng bus mabilis akong naglakad, pero pagdating ko ng kanto papuntang bahay namin pasilip-silip muna ako baka andon na naman siya sa bahay.

Napangiti ako wala siya.

Naglakad ulit ako at agad pumasok ng gate.

"Oh andiyan ka na pala." si Mama. Kumakain ng Cake habang nanunuod ng TV.

"Ma wala pa si Kuya?"

"Dumating na pero umalis. Pumunta kina Tita Jojit mo. Naghatid ng Pagkain."

Tumango lang ako saka pumasok ng kusina. Wow ang daming food!

"Kumain ka na diyan."

"Opo."

Mukhang jackpot na naman si Mama. Baka nakapagpalipad na naman ng mga applikante.

Kumuha muna ako ng plato at tinidor. Tamang tama gutom na ako.

Wow etong cake ang gusto ko!

"Ma saan ka nagpagawa ng cake bat ang sarap?" tanong ko habang sumusubo.

"Galing sa kaibigan mong si Jean."

Halos maibuga ko yong kinakain ko!

Galing sa kanya toh?! Bwisit siya! Ayaw talaga akong tantanan!

Di ko na tinapos yong kinakain ko. Masarap pa naman. Kaso pag galing sa kanya. Di bale nang magutom ako!

"Oh tapos ka ng kumain?" tanong ni Mama nong paakyat na ko ng hagdan.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Where stories live. Discover now