"Why? I mean, we don't need to adopt. We can make one if that's what you wan——"





"Hindi sa ganoon, may nakilala kase akong bata kanina. Kris ang pangalan niya, magaan ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay magkakasundo kami." Paliwanag ko.





"Baby, we're not sure about that child you're talking about. What i——"





"Ano bang kayang gawin ng bata? Pumatay ng langgam?" Putol ko sa kanyang sasabihin.





Tumayo ako at tumingin sa kanya ng diretso, "Pero sige kung ayaw mo naman, wala akong magaga——"





"Okay, fine. We're gonna adopt her." Aniya.





Agad na umukit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya.





"Talaga? Payag ka na?" Paninigurado ko.





Tumayo siya at niyakap ako, "Para namang makakatanggi ako sa'yo..." aniya.





Napahagikhik ako at niyakap siya pabalik, "Thank you..."






MABILIS na lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan ko na lang na dumating si Gallier dito sa bahay na may dalang magandang balita.





"Ma'am, kumpleto na lahat ng kailangan mo sa loob. Maliban na lang sa totoong mga magulang nung bata, kahit saan ko hanapin ay wala talagang maibigay na resulta yung mga tauhan ko." Paliwanag niya, ngumiti ako sa kanya.





"Okay lang, masaya nga ako at nakuha mo 'to." Wika ko.





Bago siya umalis pabalik ng munisipyo kung nasaan si Klaus ay pinagmeryenda ko muna siya, nagpadala rin ako para kay Klaus, Bilmus at Primo.





Nang ako na lang mag-isa ay nagtungo sa kwarto namin, doon ko binuksan ang envelop na binigay sa akin ni Gallier.





Unang bumungad ang maraming litrato ng sanggol, maputi ito at napakapula ng labi at pisnge. Mahaba rin ang pilikmata at higit sa lahat ay makapal ang buhok.





Sa unang tingin ay nasisiguro kong si Kris nga ito noong sanggol siya, ang kaibahan lamang ay ang kulay ng balat niya ngayon na morenang-morena at halos mamula-mula.





"Ang cute..." komento ko habang iniisa-isa ang mga litrato.





Sunod kong tinignan ang information book na kasama sa envelop, doon nakalagay ang kanyang edad, buong pangalan at kung paano siya napunta sa ampunan noon.





Binasa ko lahat 'yon at napag-alamang seven years old na siya at ang tunay niyang pangalan ay talagang kakaiba.





Matatawa ka sa kung anong trip ang naisip ng nanay niya at kung bakit Merry Christmas ang ginawang pangalan niya gayo'ng malayo naman sa pasko ang birthday niya.





Sa kung paano siya napunta sa ampunan ay dahil iniwan siya ng kanyang ina doon.





Nangako raw itong babalik ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin kahit anino nito ang nagpapakita, nakalagay rin doon na ilang beses nang may nagtangka na umampon kay Kris ngunit kung hindi masasamang loob na nais siyang ibenta upang pagkakitaan ay minamaltrato naman siya ng pamilyang umaampon sa kanya.





Mabuti na lamang at maayos siyang naiibabalik sa ampunan at simula noon ay hindi na siya pinapaampon ng mga tao sa ampunan para na rin sa kaligtasan niya.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon