30 seconds to Eternity (Chapter 22 - All about Dylan)

4K 100 51
                                    

Chapter 22 – All about Dylan

(Dylan’s POV)

“tara na sa loob”  yaya nya sa akin pagkatapos ko syang yakapin at hawakan ang kanyang mga kamay

“sina Tita?”

Umiling sya “lumabas sila ni Papa pero babalik din mamaya.. alam kasi nila nadadating ka”

Napangiti na lang ako sa sinabi nya at hinila na nya ako sa garden.. nakita ko doon ang dalawang inumin at umupo sa isang upuan tapos uminom dun sa isang baso

“hoy!kay Raffa yan!”

“kaya nga..” at tinuloy ko ang pag-inom ko “whew..ayos” Napailing na lang sya pero nakangiti pa din sa akin kaya naman nagseryoso na ako “anong nangyari?”

Naging medyo malungkot ang reaction nya “sinabi ko sa kanya na naging kami nga ni James pero alam ko na sya ang mahal nito at hindi talaga ako”

Tumango ako.. hindi na bago sa akin yun.. alam na alam ko naman yun noon pa..

Kaya nga ako nagsisisi ngayon sa ginawa ko.. yung pinilit ko na ipangako ni James

“anong sabi nya?”

Umiling sya “parang ayaw nya maniwala na nasasaktan? Ganun”

Hindi ko mapigilan na abutin ang kamay nya at hawakan yun “alam kong nasasaktan ka”

“hindi sa ganun-“

“talaga?”

“noon siguro.. dahil alam ko na ang tunay na rason kung bakit nya ako hindi pinili ay dahil sa kanya kahit hindi nya aminin..pero napatunayan ko sa sarili ko na mas mahal nya si Raffa.. hindi naman ako ganung kamartir na tao, alam ko kung kelan kelangan ko sumuko.. yun nga lang natagalan masyado bago ako sumuko at kung kelan napalaya na namin talaga ang isat isa..saka naman dumating ito.. syempre..masakit sa akin na wala na si James pero bilang dating kaibigan na lang nya yun..kasi ito” tinuro nya puso nya “kinuha na ulit sya ng unang may-ari”

At bago pa ako makareact nakita na lang namin yung katulong nila na sinenyasan si Heather na may tawag itosa phone kaya nag-excuse sya at umalis muna

Pumikit ako ng maka-alis sya at hinawakan ang may parteng puso ko.. at napangiti..

Kahit ilang beses ko marinig yun sa kanya.. parang di pa din mapigil sa pagtambol yung puso ko sa tuwa.. ang tagal ko hinintay yun..etong kaya na namin ipakita sa isa’t isa na mahal namin ang isa’t isa..

oo..mahal na mahal ko si Heather.. kaso gaya ng ginawa ni James..

hindi ko yun masabi kay Raffa

napabuntong-hininga ako..

si Raffa

naalala ko bigla kung paano kami unang nagkakilala ni Raffa..

30 seconds to EternityWhere stories live. Discover now