30 seconds to Eternity

29.7K 473 77
  • Dedicated to Angel Rivera
                                    

INTRODUCTION

Naniniwala ka ba sa mga multo? Oo, as in yung mga kaluluwang di matahimik at nanakot sa ilalim ng kama mo o kaya gumagapang na nakabaligtad sayo o nasa kisame mo na parang Spiderman o yung lalabas sa tv na parang si sadako.. yung tipong sisigaw ka na lang sa takot kapag nakakita ka o nakaramdam.. at yung may fashion statement na sinusunod na dapat magulo at mahaba yung buhok na nakalagay sa may mukha kapag babae at maputik yung damit.. basta yung ganung multo.. naniniwala ka ba?

Kung naniniwala ka.. gusto mo bang makakita? at ang mas malala pa.. gusto mo bang makasama palagi na tipong ikaw lang ang nakakakita? At ikaw lang ang nakakarinig?

Nakakatakot ‘no? Seryoso.. wala talagang may gusto na mangyari sayo yung lahat sa taas.

Pero paano kung yung multong yun ay ang pinakamamahal mo? Tatakbo ka pa ba? Sisigaw? Matatakot?

O gagawin mo ang lahat kahit multo na lang sya para kahit gaano kahirap at gaano ka mali

Kasama mo sya..

30 seconds to EternityWhere stories live. Discover now