30 seconds to Eternity (Chapter 21- HEATHER)

3.9K 98 46
                                    

Chapter 21- HEATHER

“HINDI KITA KAYANG MAHALIN!!!!!!!!!!!KAHIT KELAN HINDI KITA MAMAHALIN!!! HINDI KITA MAHAL!!! ”

BLAAAAG!

Bigla akong nagising dahil sa panaginip kong yun kasabay noon katulad ng mga nakaraang araw, pinag-papawisan ako ng malamig at malagkit tapos hinihingal na para bang galing ako sa isang takbuhan

Tiningnan ko ang paligid ko, wala si James pero ramdam ko sya, ayaw na naman nya magpakita sa akin.. simula ng araw na yun hindi sya nagpapakita at simula ng araw na yun lagi na lang yung ala-alang yun  ang napapanaginipan ko..

Tiningnan ko yung may parteng wrist ko, kahit ilang taon na ang nakakaraan, nandito pa din yung peklat na nagmula sa pagkakakagat ko ng sobra ng araw na yun.. parang yung sakit, ganun pa din..

Tanda ko nun, pagkatapos nya akong talikuran noon.. nawala ang ngiti ko at kasabay noon pumatak na ang mga luha pero dahil ayaw kong marinig nya ang lahat, para yata akong sinapian na walang nagawa kung hindi kagatin na lang ang parteng wrist ko basta hidni lang nya marinig ang pag-iyak ko

Pero alam kong nakita nya yun..at ang masakit?

Hindi nya ako binalikan..

At yun na ang huling beses ko sya nakitang buhay..

Unti-unti kong pinakalma ang sarili ko dahil alam kong eto na

Sabado na..meaning

Pupuntahan ko na SYA..ang babaeng mahal ng mahal ko..GREAT..

Inisip ko lang na wala lang ang lahat..kahit bawat araw nandun pa din ang sakit.. nakakainis na nagbreakdown ako sa harap ni James ngayon samantalang noon nakayanan ko..pero siguro nga masyado na akong napagod

Ang magmahal ng isang tao na alam mo namang maliban sa hindi magiging kayo ay mas pipiliin pa ang iba kesa sa kapakanan mo

Busy ngayon sina Dy dahil sa trabaho kaya naman buti na lang at walang mangungulit sa akin..ayoko magsinugaling..kilala nya kasi ako masyado..

7am na sa tingin ko kaya naman mas pinili kong mag-unat unat para makapag-ayos na at maliligo na ako.. the sooner namakakarating ako doon the better

Tapos tiningnan ko yung cp ko at may nakita kaong message

From 091********
Good Morning Raffa, Sana hindi kita nagising sa text kong ito, pinag-isipan ko itong mabuti kaya napuyat ako. Okay lang ba na sunduin kita sa school ng Tuesday? May konting get together lang kasi kami ng Celadon Blood and sabi nila bring someone kaya ayun, pwede ka ba? -Jerome

 

Tapos nakita ko kung anong oras ko nareceive ang text nya

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon