30 seconds to Eternity (Epilogue- The Final Act)

6.5K 215 138
                                    

Epilogue- The Final Act 

Maraming nagsasabi na dadating sa buhay ng isang tao ang isang tabging pagkakataon na magbabago ng lahat sa kanya..isang pagkakataon na ang tanging importante na lang ay ang gagawin mo sa sandaling iyon.. walang past na nagmamatter..ang tangong mahalaga ay ang kasalukuyan at ang desisyon na makakapagbago ng hinaharap.. 

turning point kumbaga 

pero para sa akin..walang kwenta ang lahat ng iyon.. 

dahil sa gagawin ko..hindi ko man mabago ang nakaraan.nito naman ang dahilan para gawin ko ang dapat gawin ko sa kasalukuyan kahit ang masaklap.. wala namang hinaharap na makikita.. 

grabe..ang lalim nun.. 

sa totoo lang..ako..si Raphaella Ortega ay isang logical na tao..isip muna bago lahat..tuwid lang.. walang likuan.. ang desisyon ay pinag-iisipan ng 100 beses at ieexecute sa pinakasystematic na paraan..kaya nga ako science teacher..PHYSICS teacher pa..meaning bawat problema..iisa lan ang sagot..walang same thought..walang rebuttal.. kaya mas simple ang buhay..kaya mas gusto ko 

yun nga lang binali ko ang napakalogical at systematic kong pamamaraan sa buhay.. yung kaisa-isang pagkakataon na ang puso ko ang pinairal ko..nung inamin ko kay james na mahal ko sya..na mahal ko ang bestfriend ko.kaso ayun nga..alam nyo naman na nganga ako noon..pero noong hindi ko pinakita na nasasaktan ako..noong saka ako nagbreakdown nung tumalikod ako..utak na ulit pinagana ko..na ang sinasabi na wag ko ipakita na nasasaktan ako.. 

kaso tingin ko sa pagkakataong ito..babaliin ko na naman yung rule na yun sa buhay ko.. puso na naman ang pagaganahin ko.. 

napatingin ako sa singsing na dapat ibibigay sa akin ni james.. sa totoo lang..tanggapin ko man ang singsing na ito o hindi..mawawala sa akin si james..so bakit hindi ko pa tanggapin? 

kasi di yun rational..di logical.. kapag kinuha ko yung singsing..tinanggap ko uung promise nya..meaning..para sa akin..hanggang wakas..sya lang mamahalin ko.. 

so anong mali doon? 

wala akong duda sa pagmamahal ko kay james..alam nyo yan.. ang di ko sigurado kung kaya ba ng puso ko na habang nahinga ako ay patuloy akong masasaktan..  

takot akong masaktan..takot ako mag-isa..takot ako malungkot.. 

duwag.. 

kinuyom ko kamao ko.. 

di ako perpektong tao.. hindi ako ganung kamartir.. pero ang alam ko lang 

nagmamahal ako..at ang sabi ng puso ko..gawin ko ang tama.. gawin ko ang desisyong kaya ko ipagmalaki na nagawa ko para sa mahal ko 

di ko na talaga alam 

napansin ko na lang na tumigil ang kotse..medyo madilim na.. ilang minuto na lang tapos na ang 24 hours.. 

at nasaan kami? 

nasa simbahan lang naman 

30 seconds to EternityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora