Crush kita noon?... Oh tapos?

92 6 1
                                    

Romance? That's the view of a man who wants to shake his life out of a boring state. 

That bitch? That ain't me- Like maghuhugas kamay ako para sa inyo. I don't believe in love cause like yung mom ko have a terrible husband.  He drinks... a lot. And apparently isa sa mga adik sa lottery. Sa totoo lang pinipilit ko na nga si mom na  lumaban if alam kong may point naman siya. Pero diba nga ang title na provider ay sa tatay. Plus the house I'm living in currently is sa kanya bitch! Kaya kahit na medyo spoiled ako kay tatang- I mean dad- I can admit na I had an attraction to guys who can't even love me back because meron silang either emotional instability, sad boi, mga lalaking matatawag mo nang 'daddy' sa sobrang tanda. 

Aaminin ko na talaga ako yung may problema. Kung bakit sa dinamidami ba naman ng mga magugustuhan ko yung mga taong malakas kay satanas ang ugali. 

At ngayon itotour ko kayo sa hallway ng mga naging crush ko. Heto inom lang kayo ng wine na kasalukuyan ko ring iniinom para makalimutan ang mga bagay-bagay... I'm a healthy drinker naman, I drink but like konti-konti lang. Ayoko muna madedz.

The one that with stupid bunot looking hair pero mukhang korean, yan si Graciano. Ugh, paano ko ba sasabihin? Siya yung kaibigan ko noong elementary days, actually kaibigan ko naman halos lahat ng parents ng mga students, not to brag pero matalino ata tong lola niyo char- it's because of nasa honor roll ako pero isantabi na natin iyon. So about sa kanya, nerd po talaga yan jusko. Sa kanya ako nahawa sa pagbabasa ng manga. 

Actually isa siya sa mga kakaaway ko sa grades noon, one of the matatalinos ganon. 

Ngayon ko lang natanto na baka nagustuhan ko siya noon dahil sa hindi niya maibalik yung "gusto" na iyon sa akin. I'm a fucking masochist. It's so dumb. Right? Hindi ko rin naman alam kung ano ang tingin niya sa akin... malay ko ba ang tanging alam ko lang na masaya ako pagkasama siya. It seems as if hindi kami magkaaway sa rango ng top achievers.  Isa pa tumutugtog siya ng music na violin at ako piano, siguro nakita ko ang sarili ko sa kanya. Pareho kami halos ng gusto pero hindi naman kami pareho ng gusto sa isa't-isa, iyon lang ang sigurado ako.  

There is a rumor going around nung highschool na crush ko siya hanggang nung time na yon.. but please... I'm so totally done with him like years ago pa.  Napagtanto ko hindi makakabuting humanap ng kagaya niya... siguro nawala lang ito noong may nakilala akong iba noong elementary din.  Alam niyo naman ang mga sinasabi diba? Puppy love. Mga pagmamahal na hindi nagtatagal. Mga pagmamahal na hindi nasusuklian. Nagiba narin ang ugali rin kasi niya nung meron na siyang kasakasamang ibang kaibigan na pwede nilang maging crush. 

Ganoon lang talaga siguro. Humingi ako ng tawad sa kanya bilang closing ng relationship namin sa pagkikilala sa isa't-isa. Ako na ang nagsorry sa pakawala kong kaibigan na nagsalitang may gusto pa ako kay Graciano, kahit na hindi naman totoo.

Lalakad naman tayo sa lalaking mala european ang itsyura. Hay... this guy... I have so many regrets with this guy. Ilang taon din akong nadepress dahil sa biglaang pag-alis niya at hindi ko sinabi sa mom ko. I guess that's my mistake. I'm so freaking angry and confused with my feelings that time. But daragdag pa ba ako sa problema niya? Isa din siyang musikero, siguro nagustuhan ko siya dahil isa siyang mas mature version ni Graciano. Siguro nga. Marami siyang alam sa mga kaalaman ng mga matatanda na aaminin kong hindi ko alam. Mostly sexual things na ako naman ay hindi ko talaga gets. He's my life ruiner. It's not really because of those "sex" things na they casually talk infront of me with our friends na mostly boys. He's a life ruiner in a sense na sobrang na down ako when he left.  

In fact as if I can still see him before still sitting there on the table with his pen and paper drawing his little manga. Everytime I see the table in the court, it broughts back memories I don't want. That's why nung umalis siya palagi ako nandoon but sa katagalan hindi na ako pumupunta doon. Parang naghihintay ako sa wala. 

Nakikita ko parin siyang sinusubukang tugtugin ang piano, pero di hamak na mas magaling siya sa violin. 

Siya rin ang rason kung bakit mas madalas akong nagblablackout yung mga ala-ala ko. Nadedelete lahat ng ala-ala ko simua nung nawala siya. Or siguro talgang may short term memory lang talaga ako. Ewan ko ba siguro hindi ko kasi naamin sa kanya noon na  gusto ko siya. At nagsisimula nanaman pong magblackout yung mga ala-ala ko sa kanya. Pero kung bumalik man siya, okay lang naman sa akin. Hindi naman ako magiging excited sa pagbalik niya.

I could just react hi or something. 

Siya yung lalaking nagturo sa akin na masaya ang art. At hanggang ngayon siya parin ang nagmarka sa akin ng matindi. Elliot, that guy give me sleepless nights sa kakaisip sa kanya noong umalis siya. Hindi ko rin naman masabi na gusto ko siya dahil gusto siya ng kaibigan ko. I stayed silent and pinigilan ko ang sarili ko. 

I just stared away. 

Hindi naman ito yung huling beses na nawala yung lalaking kaibigan ko. My first guy friend ay umalis din nang walang paalam nanalo lang sa isang competition ng malaking pera. 

Siguro maling interpretasyon lang ng pakiramdam ko sa kanila. 

Siguro. Pero ayoko nang makipagusap sa kanila or any communication sa kanila. I want them to cut them off by themselves. Ako nalang palagi na gagawa ng paraan? Nakakapagod. Why do I always have to cut the connections off to stop them from clinging to my own brain? Ganoon ba talaga yung pagnanasa kong maging masaya kasama ng isang lalaki? 

The other guy was feeling unaccepted by his family. I guess I tried to take on the role of being there for him. It was a brief moment I didn't want to talk about. considering nakapagmove on na ako sa kanya dahil nasabi ko na sa kanya noon na gusto ko siya. At okay lang naman sa akin kung tinanggap niya yung katotohanan na gusto ko siya mula sa salitang "okay lang".

He was pansexual, and the other guy is also gay. I've come to accept it. They really just can't be with me as lovers and only friends. I'm contented with it, naman, pero ang tanga ko. Ganoon ba talaga ako ka needy ng taong magmamahal sa akin?

Then this guy was absolutely flipped. Itong lalaking ito ay teacher ko. It's the second time that I had a crush on a teacher. So it's nothing new to me but this is so messed up. There was an issue of my classmate dating that guy and kinailangan kong samahan si miss para mayroon siyang kasama. Nakiusap na rin ang mga nasa mataas na posisyon sa faculty para pakisamahan ko siya. The thing is it's difficult for me. I really like that teacher na karelasyon niya. Plinano ko nga sanang umamin sa kanya para mawala na ang feelings ko but inunahan ako ng kaba. And this thing happened. Palaging sa paguwi ko ay sobrang pagod ko. It's difficult to say na okay lang ang lahat pero alam mo namang hindi okay.

I feel so awful. Even liking that teacher. Maybe I just like the way he thinks, that's all.  

May daddy issues na nga ako. My parents are present physically, but I'm distant from them. I really don't feel close. Totoo siguro ang paniniwalang sa pamilya nagsisimula ang lahat ng qualities na hinahanap mo sa pamilya. My mom was crazy for my dad. My dad didn't actually like her at first. Ugh. I still hate that story. 

Maybe I'm this desparate dahil na rin sa komento ng nanay ko sa akin noong bata pa...

"Mag-asawa ka, Perry, kung hindi magiging mag-isa ka." 

Pero kung naging crush ko man sila noon. Hanggang noon nalang iyon. Bahala sila. 

I guess I'm just gonna be single for now. I don't even have suitors. HAHAHA pero sige. Magaaral nalang muna ako.

Hay.... 


Crush kita noon... Oh tapos?Where stories live. Discover now