Chapter 33 🍃

14 2 8
                                    

Jhazrell Lhiana's POV

"Loving me was the most worst mistake you did, Jhazrell. I can't love you back. I love someone else and you're nothing compared to her!"

Kingina! Ayaw tumigil ng luha ko sa pagbuhos. Hindi ko inaakalang magkakaganito na naman kami. Para saan ang isang linggong pagkaka-ayos namin kung ngayon ay binabawi na naman ng tadhana?

Isang linggo pa lang simula nang magkaayos kami ngunit ganito na naman. Nakakasawang umiyak, nakakasawang masaktan ng dahil sa iisang tao ngunit siya ang dahilan kung kaya't pumapayag akong masaktan, umaasa ako na babalikan niya ako at hihingi ng pasensya, na sasabihin niya ay prank lamang ang lahat ng 'to.

"Lloyd, my love. I love you!"

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Wala na akong pake kung nakikita niya akong humahagulhol. Umaasa ako na yayakapin niya ako at ngingiti siya sa harap ko. Dadamayan ako sa aking tabi at papawiin ang luha ko. Papasayahin ako at muli niya akong tatawaging 'my love'.

"Your tears are nonsense, Jhazrell. Stop wasting your time because you already wasted mine!"

Hindi ko kinakaya ang mga salitang binibitawan niya. Sa pagbuhos ng aking mga luha ay may katumbas na papalayong hakbang mula sa kaniya. Gusto ko siyang habulin at yakapin ngunit nanghihina ang tuhod ko.

Para akong sinasaksak sa kadahilanang ang pagsasama pala naming dalawa ay walang katumbas na halaga sa kaniya. Ang bawat tawanan, pagpapalitan ng mga salitang mahal kita at ang pagyayakapan naming dalawa ay walang kwenta sa kaniya, inaksaya ko lamang ang oras niya.

"My love, my Lloyd," i uttered his name.

Tiningnan ko siya mula sa malayo at hindi man lang ito lumingon sa akin. Mukhang desido na talaga siya sa sinabi niya, may mahal na nga siyang iba.

Tangina naman! Para saan ang isang linggong pagkaka-ayos namin? Bakit niya ako binalikan? Bakit kailangang pasiyahin na naman niya ako at sanayin ang puso kong may isang katulad niyang magpapasaya dito lagi?

B-bakit? Ganoon na ba akong katanga para hindi mahalata? Ganoon na ba akong ka-walang kwenta para tingnan niya na parang isang laruan lamang? Para saan ang mga luha niya kanina lang? Para ipakita saakin nako-konsensya lamang siya? Para saan...bakit niya ako tinawag bilang isang taong mahal niya?

"My love..."

Napangiti ako ng mapait nang aking sambitin ang mga katagang naging katawagan niya saakin noong mga panahong masaya pa ang aking puso habang kasama siya. Eh siya kaya? Napasaya ko ba siya?

Sana napasaya ko siya kahit sa pamamagitan ng panlalaro niya saakin. Kahit maging laruan niya ako ay ayos lang hangga't masaya siya, ganoon ko siyang kamahal. Mahal na mahal ko siya.

I looked up at the sky to stop my tears from falling but it didn't. It still flows like a freakin' waterfalls!

"I guess that i have to let you go, my love. My one and only Lloyd..."

Natatandaan ko pa ang sinabi ko sa kaniya na papalayain ko siya once na makita ko na siyang masaya sa iba. Kingina! Kaya ba napunta kami sa usapan na iyon? Para sa paghahanda dito? Tangina ang sakit isipin!

"H-how? How can i let go of you? Paano ko kakayaning pakawalan ang taong naging dahilan ng pag-saya ng puso ko, ang taong ginusto kong maging dahilan ng mga luha ko at ang taong ninanais kong yakapin araw-araw?"

Para akong timang na kinakausap ang sarili ko. Muli akong lumingon sa harapan, umaasa na babalik ang lalaking mahal ko ngunit tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Gusto ko nang patigilin ang luha ko dahil kagaya nga ng sinabi niya ay walang saysay ang pag-iyak ko.

Phenomenal Fate Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz