Prologue

26 3 18
                                    

Prologue

Para akong nabingi matapos marinig ang hinatid niyang balita sakin.

"A-ano nga ulit ang sinabi mo, Jade?"

"I'm so sorry Ran," she wailed. "Nagcr lang ako saglit tapos pagbalik ko hindi ko na makita si Tori." sunod sunod ang luhang pumatak sa kanyang mga mata habang ako ay naestatwa sa sobrang pagkabigla.

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko anumang oras dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Jade? Winala mo ang anak ko?" ayoko mang sumama ang loob sa kanya ay hindi ko mapigilan.

Ang isipin lang na hindi makita ang anak ko ay nagpapabigat sa loob ko ng sobra. Ang pangamba na to ay nagpapasikip ng dibdib ko.

"Patawarin mo ko! Hindi ko naman sinasadya. Hinanap ko na siya kung saan saan pero hindi ko talaga siya makita. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya pinuntahan na kita dito." tears pooled from her eyes that made me more worried.

"Tori...si Tori kailangan ko siyang makita."  I   turned my back on her and made my way back to the conference room. I need to at least give them some heads up.

"I'm so sorry everyone but I need to go. I have an emergency."

Narinig ko ang ilang pagtutol, nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ng Kuya ko pero binalewala ko ang lahat ng iyon. Kailangan kong makaalis dito.

Kailangan kong hanapin ang anak ko.

Hindi pa nga ako nakakalayo ng husto ng hilahin ako sa braso ng kung sino. Masama ang tingin nito at halatang hindi gusto ang ideya ng pag alis ko mula sa lugar na to.

"And where exactly do you think you're going, young lady?" sa lahat ng makakasalubong ko bakit siya pa?

Bakit si Ate Carly pa?! Damn!

I sighed before meeting her death glare,  "I know this meeting is important but I need to find my daughter. Nawawala si Tori, Ate!" Tears then started streaming my cheeks. I was getting worried. The more I stay here the less the chance I get to find her.

My sister's face softened. She sighed before letting me go.

"No need to go then. Looks like someone brought our little Tori over." A smirk suddenly rose from her lips which made me uncomfortable.

"Long time no see, Troy." she greeted.

Pakiramdam ko tinakasan ng kulay ang mukha ko matapos marinig ang pangalan na yon.

Anong ginagawa niya dito?

"Mama!" I turned after hearing my daughter's voice.

My daughter—she was totally bouncing in glee but on the other hand, Troy's face darkened. He was definitely throwing me daggers with his stares.

I gulped hard after meeting his sharp stare.

Sa lahat ng taong makakakita sa anak ko bakit siya pa?

Bakit ang ama niya pa?

--

Note: Ran's portayer for this story is Josephine Langford. Photo attached on the media.

Photo reference:https://thenetline.com/the-untold-truth-of-josephine-langford/

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HopelessWhere stories live. Discover now