Chapter 4

30 0 0
                                    

PUPUNGAS-PUNGAS na nagmulat ang aking mga mata. Masaya at mahabang pag-iinat ang aking ginawa. Grabe! Tuwing sabado lang talaga maganda ang gising ko! Tuwing Biyernes ng gabi lang ako nakakatulog ng maayos.

"Chuuuuu! Pogi!" Sa ilalim ng aking kama ay kinapa ko ang pinakamamahal kong aso. "Gutom ka na ba Pogi?" Napangiti ako nang makapa ang kanyang balahibo. Agad din akong natigilan nang haplusin ko iyon.

Bakit parang hindi ito balahibo ng aso? Bakit parang... buhok ng tao?

Anak ng! Kailan pa naging malago ang balahibo ni Pogi?! Kalbo ang punyetang aso na iyon!

Napamulat ako at agad bumalikwas. Laglag ang aking panga nang magbaba ng tingin sa lalakeng nakabaluktot sa tabi ng aking kama. Tila slow motion noong mag-angat siya ng tingin. Nasalo ko ang inosente niyang mga mata. Malalantik ang kanyang pilikmata, pupungas-pungas iyon na animo'y galing sa masarap na pagtulog. Nangunot ang aking noo nang parang bata siyang ngumiti sa akin.

"Arff!"

Pota?!

Napatayo ako at napatalon sa aking kama. "Tangina, sino ka?!"

Nangunot ang makinis niyang noo. Namumungay ang kanyang mga mata nang ikiling niya ang kanyang ulo, hudyat na hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

"Magnanakaw ka no?!" Sa isiping iyon ay agad kong dinampot ang aking tsinelas. Tinapat ko iyon sa kanya. Tanaw ko ang pamimilog ng kanyang mga mata, bakas doon ang takot at pangamba.

"M-Mommy S..."

"Bakit ka nakahubad?!" Binato ko sa kanya ang hawak kong tsinelas, doon na siya tuluyang bumangon at pumulas.

Natulala ako nang mapagtanto kung gaano siya katangkad. Hmm oh... look at that pwet.

Ha?

Agad kong ipinilig ang aking ulo. Bumalik ako sa wisyo at dinampot sa sahig ang aking tsinelas. Hinabol ko ang lalake na ngayo'y sumisiksik sa sulok ng aking kwarto.

Punyeta! Paano ba kasi nakapasok ang lalakeng ito sa apartment ko? Nasaan ba si Pogi at hindi tumahol ang punyetang aso na iyon?!

"M-Mommy S... What did I do wrong? I-I've been a goodboy..." Mangiyak-ngiyak niyang saad nang tuluyan ko siyang macorner. Tanaw ko ang panginginig ng mahaba niyang mga daliri nang mag-angat siya ng kamay at isangga iyon sa kanyang sarili. Puno ng takot ang mga mata niyang nakatingin sa hawak kong tsinelas.

Mommy S? Siraulo ba ang lalakeng ito? Magnanakaw ba talaga siya? Havaianas lang nanginginig na agad siya? Kung tutuusin dehado ang manipis kong tsinelas sa malaki niyang katawan!

Aba! Para siyang si aso ko ah! Takot sa tsinelas!

Teka? Saan na nga ba kasi ang asong yun? Hindi man lang tumahol.

"Hoy, nasaan si Pogi? Nasaan yung aso ko? Pinatay mo ba siya?"

Umangat ang kanyang mukha na nagtatago sa likod ng maugat niyang mga braso. Muli na namang nalaglag ang aking panga...

Magulo ang kanyang buhok na sindilim ng gabi. Salubong ang makapal niyang kilay na animo'y nangangamba. Nakapako sa akin ang kulay tsokolate niyang mga mata. Pasalit-salit iyon ng tingin sa akin at sa hawak kong tsinelas.

"A-Ako si Pogi..."

Pota! Ang pogi nga!

Nabitawan ko ang tsinelas na aking hawak. Mabuti nang iyon ang malaglag wag lang ang aking so-en.

"M-Mommy S, it's me... Pogi."

"Ha?" Saglit na nawaglit sa isip ko na yariin siya. Bumalik ang diwa ko nang may kumatok sa pintuan.

My Handsome PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon