Chapter 2

36 0 0
                                    

"ARRFF! ARRFF!" Nagising ako sa dilang humihilamos sa aking mukha. Namulatan ko ang masiglang mukha ng aso na nakadukwang sa akin. Hinihingal siya na animo'y tuwang tuwa na makitang gising na ako. Muli ay nagpakawala siya ng masiglang pagtahol. "Arrrff!"

"Good morning Pogi." Hinaplos ko ang bunbunan niya na may manipis na balahibo. Nagkandirit siya at nagtatalon sa kama. "Wag ka ngang maharot! Baka bumigay 'tong kama!"

Malaki na si Pogi. Mabilis siyang lumaki. Mag-aanim na buwan na simula noong pinulot ko siya sa kalsada. Noong una ay nanibago ako dahil hindi ako sanay mag-alaga ng aso. Pusa kasi ang madalas kong inuuwi sa apartment. Nasanay ako sa tahimik na buhay, walang sumusunod, nanggigising, at sumasalubong sa pag-uwi ko. Ang mga naging alaga ko kasi noon na pusa ay may sariling buhay, wala silang pakialam sa akin basta pinapakain ko sila. Nasanay na nga ako na makalipas ang isa o dalawang buwan ay kusa na silang lumalayas.

Hindi ko naman pinagsisisihan na inampon ko si Pogi. Oo sanay ako sa tahimik na buhay, pero mula noong inuwi ko si Pogi, pakiramdam ko hindi na ako mag-isa. Excited ako palaging umuwi dahil alam kong may naghihintay sa akin. Pakiramdam ko nagkaroon ng saysay ang existence ko. Sa tuwing gigising ako sa umaga, ang masayang mukha ni Pogi ang bumubungad sa akin. Parang tuwang-tuwa siya na makitang buhay pa ako. Favorite person ako ni Pogi, ramdam ko yun. At least sa mundong ito, may isang nilalang pa rin na natutuwa sa akin.

"Stop!" Napahampas ako sa kama. Agad siyang naghead-down at dumapa. Tanaw ko ang takot sa kanyang mga mata nang pailalim siyang sumulyap sa akin. "Ang harot-harot mo! Diba sinabi ko sayo huwag kang nanggigising?!"

Hindi siya kumibo. Syempre! Magulat tayo 'pag kumibo yan! Stiff lang siya na nakadapa sa kama. Kumakawag pa rin ang buntot niya ngunit mabagal iyon. Ganito siya kapag pinapagalitan.

Nag-inat ako at humikab, ganoon din ang ginawa ni Pogi. Nangunot ang noo ko nang lumapit siya at sumubsob sa pagitan ng aking hita. Sininghot-singhot niya iyon.

Bastos!

Dumampot ako ng tsinelas at mabilis siyang tinampal. Kumaripas siya't sumiksik sa isang sulok.

"Wag kang nang-aamoy ng pepe!"

Lalong nangunot ang noo ko nang marinig ang pagbahing niya. Sorry naman! Toothpaste lang panghugas ko e!

"Sabrina?" Lumabas ako sa kwarto nang marinig ang pagtawag ni Aling Pokwang. Sumunod sa akin si Pogi na ngayon ay tinatahulan ang pinto.

"Magandang umaga Aling Pokwang." Binuksan ko ang pinto at binati ang matanda. Nagbaba ako ng tingin sa hawak niyang tupperware. "Sinong may birthday?"

"Si Obrien, nagpansit ako at nag-adobo. Alam mo naman ang pamahiin 'pansit sa handaan para humaba ang buhay ng may kaarawan.'."

"Salamat Aling Pokwang, isasauli ko nalang 'tong tupperware mamaya."

Pigil na pigil kong mapaismid sa harap niya. Si Obrien lang naman ang unico hijo ni Aling Pokwang. Biruin mo at nagbibirthday pa pala iyon! Kahit hindi magpansit si Aling Pokwang ay hindi iyon basta-basta mamamatay! Masamang damo e! Masama rin ang amoy!

Masaya naman sa compound na ito kung wala lang ang Obrien na iyon. Kurakot iyon. Naniningil sa upa kahit hindi pa naman katapusan, naniningil sa upa kahit hindi naman pala inutusan ni Aling Pokwang. Nambubutas iyon ng tubo kapag hindi mo naabutan ng pera.

Nang isarado ko ang pinto ay hinarap ang aso na ngayon ay nakatingala sa akin. "Ang bait ng mukha mo ngayon ah! Mukhang kursunada mo itong ulam na bigay ni Aling Pokwang."

Masiglang kumawag ang kanyang buntot. "Arrff!"

"Pwes, walang kakain! Maligo ka muna!" Nilapag ko sa lamesa ang tupperware at sapilitan siyang kinaladkad sa banyo.

"Mag-aanim na buwan kana. Papainjectionan na kita sa baranggay sa Sabado."

Bulang-bula na ang katawan ni Pogi. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ganito siya kapag pinapaliguan, tahimik at 'sing amo ng tupa. Akala mo inaapi.

"Wag mo akong tignan ng ganyan. Hindi kita inaapi, pinapaliguan lang kita." Kukurap-kurap siya nang banlawan ko ang kanyang ulo. Mahina siyang umiiyak. "Ayan! Mabango kana!" Napamura ako noong pumilig siya. Nagtalsikan sa akin ang ilang tubig mula sa kanya. "Pota! Doon kana sa labas! Ako naman ang maliligo!" Nang mapunasan siya ng tuwalya ay agad ko siyang pinalabas. Ako naman ang sumunod na naligo.

Nakabalunbon ang tuwalya sa basa kong buhok. Hubo akong naglalakad sa apat na sulok ng kwarto. Wala akong suot na damit gayong naghahalungkat palang ako sa cabinet. Tahimik na nanonood sa akin si Pogi. Nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat kilos na aking ginagawa. Ganito kami palagi.

Sinasama ko si Pogi sa kwarto sa tuwing magbibihis ako. Malakas kasi ang pakiramdam niya. Kung may magtatangka man manilip sa akin ay tatahol agad siya. Plywood lang kasi ang haligi ng kwarto ko. Hindi ko maiwasan hindi maparanoid lalo pa't balasubas ang ugali ng anak ni Aling Pokwang. Masama ang ugali ni Obrien pero hindi naman siya manyak, pero kahit na! Kahit naman hindi ako kagandahan ay babae pa rin ako! May puday pa rin ako! Naniniwala akong wala 'yan sa itsura, kahit gaano ka pa kaganda, sa huli ay magkakamukha pa rin ang mga puday! Hmm, magkakaiba nga lang ng amoy?

"Tara kain na tayo." Nang makapagbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Ginawan ko siya ng pagkain at tahimik nalang din akong kumain. Wala akong pasok ngayon, hindi naman kasi regular ang pasok sa Jollibee.

Biyernes ang pinakapaborito kong araw sa lahat. Bukas ay Biyernes na naman,bukas ay may pasok na naman. Isang mahaba at ordinaryong araw na naman... Iyon ang akala ko.

My Handsome PetWhere stories live. Discover now