EPILOGUE

124 6 2
                                    

Epilogue

____

Author's Point Of View

Nakaupo siya sa damuhan habang hawak hawak ang litrato ng babaeng pinakamamahal niya na ngayon ay wala na. Tinignan niya ulit ang lapida na nasa tabi lang niya.

"Hindi kita nalilimutan Mahal ko. "

Sabi niya habang nakatingin sa lapida.

"Isang linggo na mula ng mawala ako sa buhay mo." Sabi kaluluwa ng babae na ngayon ay nakaupo lang rin katabi ng binata. Hinawakan niya ang mukhang ng binata sabay tulo ng kaniyang mga luha.

"Sharlene? Nandito ka ba?" Tanong ng binata ng maramdaman niya ang lamig na nanggagaling sa dalaga.

"Oo nandito lang ako. Lagi lang akong nakabantay sayo Justin." Wika  ng dalaga at niyakap ng mahigpit ang binata.

"Sharlene sana maayos ka na kung nasan ka man. Okay na ko dito kahit wala ka. Ramdam ko pa rin yung pagmamahal galing sayo." Sabi ng binata. Tumingin siya sa litratong hawak hawak niya at napangiti.

"Naalala ko noon na ako lagi taga picture mo

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

"Naalala ko noon na ako lagi taga picture mo. Gusto ko naman na pinipicturan ka kasi gustong gusto ko na nakikita yung mukha mo sa mga camera's ko. Isang litrato lang okay na ako, itatago ko yung mga ala alang ito, mga ala ala na kailan man hindi mawawala. I will keep this photo, this photo of yours Sharlene. I Love You." Sabi ng binata at tumulo narin ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"I Love You Too." Sabi ni Sharlene.

Tumayo ang binata at pinunasan ang mga luha na patuloy paring umaagos.

"Alis na ako. May kailangan pa akong puntahan Sharlene. Paalam." Sabi nito habang nakatingin sa lapida.

"Paalam na rin. Hanggang sa muli mahal ko."

Nag simula ng maglakad si Justin paalis at unti unti namang naglaho ang kaluluwa ni Sharlene.

Hanggang sa huli ikaw at ikaw lang.... Justin De Dios...












































































° ° ° ° ° °AFTER 60 YEARS° ° ° ° ° °

"Patay na ako." Sabi ng isang kaluluwa na ngayon ay nakatingin lang sa katawang panlupa niya. Ngayon ililibing ang kaniyang katawan.

"Justin?" Napalingon siya sa kaniyang likuran ng may pamilyar na boses ang tumawag sa kaniya.

"I-ikaw?" Tanong nito sa napakagandang babae sa harapan niya. "Sharlene?"

Lumapit ang babae at niyakap siya ng mahigpit.

"Ilang taon din akong naghintay at ngayon nandito ka narin. Masaya akong makita ka mahal ko." Nakangiting sambit ng babae at umalis sa pagkakayakap.

"Sharlene." Tanging salita na lumabas sa kaniyang bibig.

"Hindi ka ba masaya?" Tanong ng babae.


"Masaya. Kasama na ulit kita mahal kong Sharlene." Sabi nito at siya na ang yumakap sa babae.

"Mahal na mahal kita." Bulong ng babae

"Mahal din kita." Sabi rin nito at hinalikan ang babae na matagal niya ring hinintay na makasama.

"Ngayon....Malaya na talaga tayo." Wika ni Sharlene niyakap muli si Justin.

"Tama ka."

"Hali ka na." Sabi ni Sharlene at hinawakan si Justin sa kamay.

Muli pang lumingon si Justin at inalala ang mga nangyari pagkatapos mawala ni Sharlene noon.

Bumalik siya doon sa rest house na lagi nilang pinupuntahan noon at binili iyon. Lagi lagi niyang pinagmamasdan ang tanawin na iyon hanggang sa tumanda siya at ngayon patay na siya at isa na lamang kaluluwa gusto niya muling masilayan ang ganda nito kasama na ang babaeng pinakamamahal niya.

"Bakit?" Tanong ni Sharlene.

"Gusto ko lang tignan ito muli. Naalala ko noon nung huling magkasama nating tignan ito. Sobrang saya ko kasi nung panahong iyon tayo na ulit."

"Oo nga. Kaya mo ba binili 'to? Para paulit ulit mong maalala yung mga ala ala  na nabuo dito?" Tanong ni Sharlene at tumango lang si Justin.

"Paulit ulit na pumasok sa utak ko ang nga ala-alang iyon. Kaya hindi kita nakakalimutan."

"Ako lagi lang akong nakatanaw mula sa malayo. Pero sulit naman kasi ikaw lang nakikita ko."

"Hindi ba pwedeng dito nalang tayo?" Tanong Justin.

"Pwede naman. Pero sinisiguro ko sayo na mas maganda ang lugar na pupuntahan natin kapag umalis na tayo dito." Sabi lang ni Sharlene.

"Oh sige na nga. Tara na." Sabi lang ni Justin..

Nagsimula na silang naglakad paalis habang nagkahawak ang mga kamay at nakangiti.

"Mahal na mahal kita Justin De Dios."

"Mahal na mahal din kita Sharlene San Pedro."

DALAWANG TAONG TUNAY NA NAGMAHALAN
AT NGAYON MAGKASAMA NA HABANG BUHAY

"Paalam na." Sabi nilang dalawa.

THE END.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant