Chapter 4

117 8 1
                                    

Chapter Four

Author's Point Of View

"So Alam narin pala ni Justin, na nawala ang ala-ala nya." Sabi ng isang babae.

__

Wednesday ngayon at pupunta na sila Justin sa campus para iready pa ang mga kailangan.

Nandoon narin sila Alex, Maecy, Jasmine, Jane, at Desiree. Kasama sila Stell.

"Dre, ano ayos na ba yan?" Tanong ni Josh kay Stell ng makita ang mga pagkain.

"Oo dre." Si Stell.

Chineck naman ni Josh ang mga tables at ayus narin naman ito.

Hindi nagtagal dumating narin ang mga estudyante at nagsimula narin ang party.

Kumain na at nagsayawan na rin ang lahat.

Naisipan naman isayaw ni Justin si Alex, kaya naman tumayo ito at pumunta sa upuan ni Alex.

"May I have this dance?" Tanong ni Justin kay Alex na ngayon ay nakatulala lang na nakatingin sa lalaki. Inilahad naman ng lalaki ang kaniyang kamay upang yayain talaga ang babae.

Hinawakan naman ito ni Alex at tumayo. Naglakad silang dalawa papunta sa gitna at tumayo roon.

Hinawakan ni Justin si Alex sa bewang nito, pinulupot naman ni Alex ang kamay nya sa leeg ni Justin at nagsimulang magsayaw.

Tahimik lang silang nagsasayaw ng pinutol ni Alex ang katahimikang ito.

"Babalik ka ba sa kanya?" Tanong ni Alex sa lalaki, napatingin naman ang lalaki sa mga mata nito, alam niya ang ibig sabihin ni Alex. Actually hindi niya pa talaga alam kung sino ba talaga si Sharlene dahil nga hindi pa bumabalik ang ala-ala ng lalaki. Ngayon ang gusto niyang makasama ay ang babaeng kasama niya nung wala ang babaeng si Sharlene na tinutukoy ng mga kaibigan niya.

"Pa'no?" Tanong din ni Justin.

"Anong pa'no?" Si Alex.

"Pa'no ako babalik sa kanya kung, ikaw ang gusto kong makasama pa?" Sabi Justin sabay ngiti.

"Gusto mo ba talagang ako ang makasama mo? " Tanong ulit ni Alex.

"Oo." Sabi ni Justin sabay halik sa noo ni Alex.

"Alam kong hindi pa bumabalik ang ala-ala mo, pa'no kapag bumalik 'yon? Ako pa rin b-" Hindi natapos ni Alex ang pagsasalita ng yakapin siya ng lalaki.

"Shh.. Wag ka ng magsalita, alam ko rin na dahil sa nawala kong ala-ala kaya ikaw ang mahal ko ngayon, kaya hindi ko pa alam ang lahat ng mangyayari kung bumalik 'man ang ala-ala ko..." Ani ni Justin habang nakayakap pa rin sa dalaga. "Tanging alam ko lang ngayon, mahal kita." Dagdag pa niya.

"Mahal rin kita Jah." Ani din ng babae.

Humarap si Justin sa babae at hinalikan ito sa labi...

Natapos ang gabing ito ng masaya si Justin at Alex. Pero hindi pa rin mawala sa isip ni Justin na anong mangyayari kung bumalik na nga ang ala-ala niya?

Kinabukasan maagang nagbihis si Justin para pumunta sa school, naabutan nya ang mommy nya na nagluluto na sa kusina.

"Mom!" Tawag nito sa kanyang ina.

"Son, gising ka na pala. Kakain ka ba?" Tanong ng kanyang ina. "Nagluto ako ng bacon at egg." Inilapag ng kanyang ina ang pagkain sa mesa.

"Hmmm, hindi po sana pero dahil kayo nag nagluto niyan for me kakain ako." Nakangiting ani ni Jah, napangiti rin ang mommy niya at inalalayang umupo si Justin.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now