Chapter 6

102 7 1
                                    

Chapter 6

___

Author's Point Of View

Hindi parin makasagot si Justin, hindi nya kayang sabihin ang totoo niyang nararamdaman sa babaeng pinakamamahal nya. Dahil may masasaktan din syang tao at iyon ay si Alex.

"Hindi ko pa alam." Sabi nito.

"Gusto ko narin sumuko Jah. Parang umaasa narin ako sa wala." Tumayo si Sharlene at akmang aalis ng hawakan sya ni Justin sa kanyang braso.

"Gusto kita." Sabi nya. "Ayaw ko lang sabihin, kasi ayaw ko rin masaktan si Alex." Dagdag pa nya.

"Kung gano'n, dapat talaga sumuko na ako Jah. Ayaw ko rin masaktan si Alex dahil dito." Sabi naman ni Sharlene. Unti unti niyang inalis ang kamay ni Justin at saka tuluyang lumabas sa ng Cafe.

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito

Bumalik na si Sharlene sa condo nya, nandoon din sila Valerie at Grace.

"Shar! Buti nandito ka na." Si Grace. "Shar, Good news. Darating na si Terence!" Sigaw 𝚗i Grace at niyakap si Shar.

Napansin niyang tahimik lang si Sharlene. Kaya naman tinignan nya ito. Nakita nya na umiiyak ito kaya naman nagalala sya.

"B-bakit ka umiiyak?" Tanong nito.

"K-kasi nagkita kami ni Jah, and he said na nakakaalala na sya." Nagulat si Grace ng malaman iyon. Pinaupo nya si Shr sa couch at saka itinuloy ang pagkukuwento. "And then, I ask him. Tinanongk ko sa kanya kung ititigil ko na ba ito."

"Anong sinabi?" Tanong ni Grace.

"Sabi nya, mahal nya ako." Sagot nito.

"Iyon naman pala eh."

"But. He couldn't hurt Alex."  Dagdag pa nya. "Sabi ko naman ako rin hindi ko kayang saktan si Alex. Kesa ipilit namin diba? Kung ipipilit namin hindi lang si Alex ang masasaktan pati si Nash." Sabi nya pa.

"Pero, kaya nyo bang tiisin ang lahat ng sakit na nararamdaman nyo?" Tanong ni Grace.

Bigla namang dumating si Valerie at nakisalo narin.

"Ano? Kaya mo bang tiisin lahat ng ito?" Tanong muli ni Grace.

"Hindi ko alam." Sagot ni Sharlene.

"Alam mo Shar, hindi pwedeng lahat ng bagay sinusuko mo, para sa kasiyahan ng isang tao o dalawang tao. Kasi kung mahal mo talaga dapat Ipaglaban mo." Sabi naman ni Valerie ang LOVE EXPERT ng grupo.

"Paano kung ayaw namin na may masaktan?" Tanong ni Shar.

"Kung may masasaktan, edi masasaktan. Parte ng love ang hurt. Kung mahal mo ang isang tao handa kang palayain ito. Handa kang magsakripisyo para sa ikakasaya ng taong mahal mo." Sagot ni Valerie. "Kung malawak ang pagiisip ng babaeng iyon, ganun ang gagawin nya." Dagdag pa nya.

"Pero Val. Paano kung sumuko narin talaga sya?" Tanong muli ni Sharlene.

"Sa ganong sitwasyon, hindi ko na alam ang isasagot ko." Sagot naman ni Val. "Ang sakin lang, kung mahal ka talaga ni Justin at mahal mo sya edi ilaban nyo."

Kaya ko nga bang ipaglaban ka? Mahal na mahal naman kita eh, pero sana kaya ko, sana kaya kong ilaban ito/*Sharlene*/

______

Dalawang linggo na ang nakalipas, hindi parin nagkakausap sila Sharlene at Justin. Maging sa school ay walang pansinan.

Ngayon ang araw ng dating ni Terence Barbosa ang boyfriend ni Grace. Pumunta na sila sa airport para sunduin sya.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن