Chapter 13

94 5 0
                                    

Chapter 13

____

Author's Point Of View

Ngayon ang kaarawan ni Sharlene. Busy ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan niya. Sobrang saya naman ni Justin dahil balak na niyang mag propose sa babaeng pinakamamahal niya.

"Dre, seryoso ka na ba diyan?" Tanong ni Josh habang kumukuha ng chips.

Nandito sila sa kwarto ni Justin at naguusap na nga tungkol sa pagpropose nito kay Sharlene

"Oo dre, di ko na patatagalin 'to." Sagot naman ni Jah.

"Naks, binata na talaga ang bunso namin!" Pangaasar ni Stell sa kaniya. Nagtawanan naman ang tatlo.

"Tumigil ka nga." Saway nito.

"For sure masaya ang mommy at daddy mo dahil nakikita ka nilang masaya at nagmamature na." Sabi naman ni Sejun.

Tama si Sejun, at very thankful naman si Justin dahil di na niya kailangan pagsisihan ang lahat ng nangyari. Pero di parin maalis sa isipan niya ang mga ginawa ng tinuring niyang Ina. Sobrang mahal na mahal niya ito at di niya aakalain na magagawa nitong saktan siya.

"Teka nga Jah, dinalaw mo na na si Tita Jessica?" Tanong ni Stell.

"Di eh. Di pa siguro ako handang makita siya." Sagot naman ni Jah. kinuha nito ang baso na may lamang juice at ininom.

"Jah for sure nagsisisi na si Tita Jessica sa ginawa niya. I think you must visit her at the Jail." Sabi naman ni Sejun..

"Oo nga Jah. Pero di muna ngayon kasi birthday ni Sharlene eh." Natatawang sabi ni Ken.

"Wait, speaking of Sharlene nasan nga pala siya?" Tanong ni Josh kay Jah.

"Nasa airport siya, sinundo niya Daddy niya." Sagot nito.

"Tara tulong nalang tayo sa baba." Pagaaya ni Stell.

Tinanguan siya ng apat at bumaba na para tumulong sa nga gagawin.

-

Dumating na si Sharlene kasama ang daddy niya. Malapit na matapos ang paghahanda at sobrang ganda at engrande ng kaarawan ng dalaga.

"Jah. Akyat muna ako ah magbibihis lang ako." Paalam ni Sharlene.

"Sige naroon narin sa kwarto mo ang mgmemake up sayo, and nandoon din yata sila Jasmine para tumulong." Sabi naman ni Justin. Tumango lang si Sharlene at umakyat na.

Pagkapasok niya ay bumungad sa kaniya ang isang magandang gown. Nahihiya siya dahil ayaw na ayaw niya talaga magsuot ng dress dahil mas sanay siya sa mga comportableng damit lang. Last time na nagsuot siya yata siya ng gown or dress sa U.S pa yata yon.

"Sharlene, dito ka na pala eh. Haha okay ba itong gown na napili namin?" Tanong ni Jasmine na kakalapit lang sa dalaga.

"Ah oo okay lang." Nagaalangang sagot ng dalaga.

"Good." Bungad sa kaniya ni Alex. Nakangiti lang sa kaniya ang dalaga.

Photo of You [SHARTIN FF] [JUSTIN] [SHARLENE SAN PEDRO]Where stories live. Discover now