Sa madaling salita ay hindi mapagkakailang napakaganda niyang bata, mukhang anghel at hindi kayang gumawa ng kahit anong masama.




"Bakit ka nandito?" Pagbubukas ko sa aming usapan.




Nanatili siyang tahimik kaya wala akong nagawa kung hindi ang kalabitin siya.




"Bawal ba dito?" Tanong niya, nanlaki ang mata ko sa malamig niyang tono kaya napakamot ako sa aking ulo at nahihiyang ngumiti.




"H-Hindi naman sa gano'n, nakakapagtaka lang na hindi ka nakikisalamuha sa ibang mga bata. Tignan mo sila oh, ang saya nila..." Tinuro ko pa ang ibang mga bata na nagkukumpulan sa 'di kalayuan.






Tumingin siya sa tinuro ko at pagkatapos ay sa akin, nagulat ako nang walang sabi siyang tumayo at naglakad papunta sa mga bata.






Matutuwa na sana ako at mapapangiti nang dahil sa ginawa niya ngunit taliwas sa iniisip kong mangyayari ang nangyari.






Pagkalapit pa lamang ng batang babae sa mga bata ay agad silang naglayuan, tumawa pa sila at ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ang pagtulak ng isang batang lalaki sa kanya palayo.






Tatayo na sana ako para tulungan ang batang babae ngunit bago pa ako makatayo ay nakatayo na siya ng walang kahirap-hirap.






Blangko ang kanyang mukha habang naglalakad pabalik sa pwesto naming dalawa.






Nang makaupo siyang muli sa akin tabi ay nagsalita siya ng hindi nag-aabalang tumingin sa akin.






"Ayaw nila sa akin." Simpleng tugon niya na tila walang pake kung ayaw ng iba sa kanya.






"Pero wala akong pake, ayaw ko rin naman sakanila." Dugtong pa niya.






Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, parang hindi siya bata kung magsalita at tila wala talagang pakealam sa sinasabi ng ibang tao.






"Kaya raw ako iniwan ng magulang ko sa ampunan dahil weird ako at hindi nila ako mahal.  Tanga-tanga sila at hindi nag-iisip, pare-pareho lang naman kaming iniwan sa ampunan. Ibig sabihin lang no'n ay hindi rin sila mahal ng magulang nila." Nagkibit balikat siya at sinandal ang likod sa upuan.






Hindi mawala ang pagkamangha ko sa kanya, sa ibang mga batang babae ay puro laro lamang ang iniisip ngunit ang batang babae na nasa harapan ko ngayon ay kakaiba.






Kung maikli lang ang buhok niya at hindi maamo ang mukha, natural na pagkakamalan ko siyang lalaki dahil sa ugali niya.






Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin ng diretso, "Ikaw, bakit ka nandito? Kaano-ano mo si mayor?" Tanong niya.






Nanlaki ang mata ko, tila nabasa niya ang reaksyon ko kaya bahagya siyang tumawa.






"Siguro hindi mo napapansin pero ako, kanina ko pa nakikitang tumitingin sa direksyon natin si mayor. Imposible namang ako ang tinitignan niya dahil hindi niya ako kilala pero ikaw, kasabay ka niyang dumating." Paliwanag niya, napanganga ako sa sinasabi niya.






"Yung klase ng tingin na pinupukol niya sa'yo, 'yon yung klase ng tingin kung paano tumingin ang lalaki sa mahal niya." Dugtong pa niya, napatakip ako ng bibig.






"Sandali, ilang taon ka na ba?" Tanong ko.






Umiling siya at tumingin sa malayo, "Hindi kita kilala kaya hindi ko sasabihin sa'yo." Tugon niya sa mapagmalaking tono.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon