Ikaw daw ay nahulog?
Ano ba yan?. Ikaw ba'y tulog?
Mabuti na lang at may tao dyan
Baka kasi hindi ko mapigilan at ika'y tulungan.

Ingat-ingat rin next time ha!
Wala ako dyan para saluhin ka.
Mabuti sana kung nahulog ka,
At sa puso ko ikaw tumama.

Love,
You

Eto iyung time na nahulog ako. Pero si Chubs iyung nakakita sakin nung nahulog ako eh.. Pero naalala kong nandoon din si Kyle. Nagbigay siya ng pinta sa amin. Siya pa nga ang nagdala sa akin sa clinic. Pero ang sabi ng sulat ay wala siya doon para saluhin ako. Nandoon si Kyle kaya hindi siya ang nagsulat! Shit!

Litong lito ko pa ring binuklat ang iba.


Kapag nagutom, kumain.
Kapag nauhaw, tubig ang inumin.
Mahaba pa ang araw,
Alam kong mapapapagod ka sa kakagalaw mo ng galaw.

Love,
You

Eto naman iyung time nag away kami. Si Kuya Willie ang nagbigay sakin nito eh. Magkasabay kami ni Chubs nito. Nauna lang siyang maglakad pero kung si Chubs nga ito, paano niya naibigay ito kay Kuya Willie kung sabay kaming dumating diba? Pero kasi nauna siyang maglakat. At sa parehong daanan kami pumunta..

Maaaring iniwan niya lang?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Sa wakas ay naagaw ko na rin ang pansin mo.
Maaga akong nagising at nagdamit ng asul.
Naalala kong PE day pala ng school.

Wrong timing pero okay lang.
Nahihiya pa rin naman kasi ako at naiilang.
Hindi kasi ako mestiso o maputi.
Pinoy na pinoy ang kulay ko'ng kayumanggi.

Mukhang dismayado ka nang lumabas ka ng opisina.
Smile ka na at ayaw kong nalulungkot ka.
Mukhang marami kang inaalala,
Please kalimutan mo na at magfocus ka nalang sa isa.

Andito lang ako.
Laging naghihintay na lingunin mo.
Gustong gusto kitang yakapin,
Pero baka mag-iba na ang turing mo sa akin.

Dito nalang muna,
Mukhang napahaba ang sulat dahil sa sobrang saya.
Nandito lang ako sa tabi mo.
Nagtatago sa anino ng ibang tao.

Love,
You

Eto ang letter na nakakuha ng aking pansin. Ito iyung letter na punit punit.. Si Chubs iyung bumoo nito.


Hindi kasi ako mestiso o maputi.
Pinoy na pinoy ang kulay ko'ng kayumanggi.


Napatigil ako. I noticed that Kyle's color is tanned. Masyado siyang maitim para sa kayumanggi.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Ambilis niya nabuo to tsaka kayumanggi ang kulay ni Chubs kung hindi ako nagkakamali. Napailing ako. Si Chubs ba? Ang lakas ng pintig na puso ko na parang naririnig ko na.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now