Chapter 13

269 153 326
                                    

Chapter 13: Slip

Halos isang oras na ako dito sa canteen pero hindi ko pa rin mabuo buo ang sulat dahil sa tindi ng pagkakapunit nito. May iilan na akong na tape pero hindi ko alam kung sa unahan ba ito o sa hulihang parte ng sulat.

"Nakakainis" sabay buntong hininga at tumigil na muna.

Tiningnan ko ang mga nakakalat na strip of papers. I need to fix this. Baka kasi dito ko makita ang sagot ko. Baka sabihin niya na ang pangalan niya. Baka mabigyan niya pa ako ng hint kung sino siya. I was so pre occupied na hindi ko na napansin ang pag upo ni Chubs sa tabi ko.

"Oh ano iyan?" Takhang tanong niya habang tinitingnan ang mga papel.

"Letter" tipid na sagot ko.

"Ah. Galing sa secret admirer mo! Bakit punit punit?"

I can't say to him na pinunit ni Kyle. He warned me last night to distance my self to Kyle kaya kapag nalaman niya na si Kyle pa ang pumunit ay baka magwala pa siya.

"Ahmm. Akala ko s-scratch paper. Di ko sinasadya" what a lame excuse Niana!

"Weird. Masyado mong iniingatan ang mga letters na ibinibigay sayo." Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

"Subukan ko nga. Bilhan mo nalang ako ng miryenda. Talo ka!" sabi niya at iniusog ako. Hindi na ako nagreklamo pa at baka magtanong pa.

I decided to buy the usual miryenda we eat. A tuna sandwich, a pasta and a juice. Nilingon ko siya sa table namin at nakita kong abala siya sa pagputol ng tape gamit ang ngipin niya. Good luck to you kung mabubuo mo iyan.

But then I remember our argument ni Kyle. Kapag napatunayan niya na siya nga ang nagsusulat. Lalayo na ako kay Chubs. Hindi ko naiimagine ang sarili ko na hindi kasama si Chubs sa umaga, sa pag uwi at ngayon--tuwing miryenda. I made a deep sigh. Hindi pa naman napapatunayan ni Kyle.

Agad kong inilapag ang tray na dala ko at dumeretso sa tabi niya.

"Pano mo nabuo?" Sabay agaw ko sa kaniya ang matigas na papel dahil puno na ito ng tapes.

"Wala ka bang tiwala sakin?" Mayabang niyang sumbat sa akin.

"Aww. Thank you" sabay yakap ko sa kaniya.

"Ano pa ba ang mga hindi ko kaya"

"Ang yabang" sabi ko at inilagay na sa bang ang letter at nagsimula na kaming kumain.

Mabilis na natapos ang mga araw at patuloy pa rin ang panunuyo ni Kyle sa akin. Naalala ko na naman ang huling sulat na naibigay sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Sa wakas ay naagaw ko na rin ang pansin mo.
Maaga akong nagising at nagdamit ng asul.
Naalala kong PE day pala ng school.

Wrong timing pero okay lang.
Nahihiya pa rin naman kasi ako at naiilang.
Hindi kasi ako mestiso o maputi.
Pinoy na pinoy ang kulay ko'ng kayumanggi.

Mukhang dismayado ka nang lumabas ka ng opisina.
Smile ka na at ayaw kong nalulungkot ka.
Mukhang marami kang inaalala,
Please kalimutan mo na at magfocus ka nalang sa isa.

Andito lang ako.
Laging naghihintay na lingunin mo.
Gustong gusto kitang yakapin,
Pero baka mag-iba na ang turing mo sa akin.

Dito nalang muna,
Mukhang napahaba ang sulat dahil sa sobrang saya.
Nandito lang ako sa tabi mo.
Nagtatago sa anino ng ibang tao.

Love,
You

Mabilis na dumaan ang mga araw. It is the time were we are getting busy of our thesis papers and the defense. Mas lalong naging busy na din si mama dahil sa isang deal na kailangan niyang makuha. Halos hindi na namin siya makita dito sa bahay dahil sa trabaho niya.

Letters Love, YouWhere stories live. Discover now