Chapter 7

338 177 375
                                    

Chapter 7: Ate

It was already an hour and a half of travel when we noticed that the weather is not getting better. The sky is getting darker and it seem like it is going to rain. We didn't mind it that much and continued driving. Everyone is taking a nap aside from me and Chubs who seems like bothered right now.

"Are you okay?" Tanong ko nang hindi pa rin siya mapakali sa upuan niya.

"Mom just called me" sabay taas niya ng phone niya.

"Ano daw?"

"Ngayon na daw ooperahan si Dad. Dapat next week pa kaso nagcollapse daw siya kanina. I don't know what to do" sabi niya habang ginugulo ang buhok niya.

"OhmyGod. He needs you Chubs. Dapat nandoon ka"

"I should go back." Pirming sabi niya. "Stop the car. I have to go back"

Lahat ay naalimpungatan dahil sa sigaw ni Chubs.

"Bakit ka babalik tol?" Tanong ni Dave.

Inexplain niya sa kanila ang kondisyon ni tito at naunawaan naman nila ito. Sabay ng pagbaba ni Chubs ay ang pagbuhos rin ng malakas na ulan.

"OhmyGod. Its raining Chubs"

"It's okay. Just go back inside" sabi niya nang nakita akong sumunod sa kanya.

Pinarahan nina Andrew at Kyle ang paparating na bus pabalik sa city namin.

"Chubs mag ingat ka" agad naman siyang lumapit at hinagkan ako.

"Kayo din.. Enjoy there okay?"

Tiningnan ko lang siya at di ko sinagot ang tanong niya.

"Tss.. please?" Kahit basa siya ay wala akong nagawa kundi ang yakapin siya at tumango nalang bilang tugon sa gusto niya. Gusto ko kasama siya.

Basang pumasok sila Kyle at Andrew sa loob nang makasakay na si Chubs. Hindi na nakabalik sa pagtulog ang mga kasama ko at napag usap-usapan namin yung tungkol kay Chubs.

"Matagal nang naconfine yung daddy ni Chubs dahil sa sakit nito sa baga. Sabi niya, next week pa dapat yung operation kaso nagcollapse kanina yung daddy niya kaya napilitan siguro ang mga doctor na operahan na ito" paliwanag ko sa kanila.

"Kaya pala aligaga siya kanina nung naalimpungatan ako" sabi ni Dave.

Natigil kami sa pagkukwento nang biglang lumakas ang ulan kasabay na nang kulog at kidlat. Halos hindi na makita ang daanan kaya mas lalong naging delikado.

"Guys I think we should stop muna." Sabi ni Irene.

Itinabi naman ni kuya'ng nagmamaneho ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"9:33 am pa lang pero ang dilim na ng paligid. May bagyo ba?" Tanong ni Kyle.

Lahat kami ay walang nasagot na matino dahil wala rin kaming ideya kung may bagyo nga. Halos alas tres na ng hapon ng makaramdam ng gutom ang isa't isa. Halos lahat kasi kami ay nakatulog dahil sa tagal ng ulan.

Naabutan na kami nang gabi at hindi pa rin humuhupa ang ulan.

"Wala na ba tayong magagawa dito?" Iritang sabi ni Dave.

"Okay let's play a game" lahat kami ay napabalikwas sa upuan sa sinabi ni Irene.

"This game is called two truths and a lie." I know this game. Natawa nalang ako dahil sobrang dali ng game na to.

"Simple lang. Huhulaan mo lang ang lie sa tatlong phrases na sasabihan niya."

"Game. Ang dali lang naman pala" sabi ni Dave.

Letters Love, YouΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα