Where are you?



Text ni wyatt, siguro na sabi na ni brandon sakanya na hinintay ko siya.




To: Wyatt ♡


Palabas ng school




Reply ko sa kanya. Ang dry naman kasi ng text niya sakin halatang nag tatampo parin siya hanggang ngayon. Well hindi ko naman siya masisi.




From: Wyatt ♡


Okay, see you when I see you.




Grabe talaga 'to! Akala ko pa naman pupuntahan niya ako!




To: Wyatt ♡


Tse. Ewan ko sayo!




Reply ko at nilagay na sa bag yung phone ko.



Nag punta lang ako sa tambayan ko kapag nag pa-palipas ako ng oras.



Mag alas otso pa lang ng umaga at isang oras pa bago ang klase ko. Kaya nilabas ko nalang yung libro na binabasa ko this past few days kapag sobrang board ko. It's at international best seller book by Mitch Albom, Tuesday with Morrie.



Habang nag ba-basa ako biglang may humablot sa libro ko kaya inis na tinignan kung sino.




"Ano ba!" inis na sabi ko kay wyatt. Binalik naman niya at nawala yung inis ko ng maalala ko yung ginawa ko sakanya.




"Hinihintay mo raw ako kanina?" tanonhg niya at umupo sa tabi ko.




"Bakit mo nalaman na nandito ako?" tanong ko habang tinitignan siya.




Hindi naman niya ako sinagot. Kaya pinagmasdan ko naman yung mukha niya,




Matangos ilong, maputi, mahaba ang pilik mata at may makapal na kilay, makinis pa mukha ano kaya skin care nito. In short ang gwapo ng kaibigan ko. Ang dami din nahuhulog dito dahil mabait at gentleman pa kumbaga full package na. Kaya minsan napapa isip ako kung bakit wala pa rin siyang girl friend hanggang ngayon.

Crossing the LineWhere stories live. Discover now