06

178 5 0
                                    

Pag ka uwi ko ng condo agad bumungad si bella at sinabi na "talo sila wyatt".



Nang marinig ko iyon, nalungkot ako at na guilty ako pakiramdam ko kasalanan ko.



"Anong nangyari?" tanong ko kay bella



"Hindi ko rin alam, basta hindi siya nakaka score tapos parang may hinahanap sa crowd. Ikaw ba kamusta date niyo ni hubby?" tanong ni bella sa pang asar na tono.



"Ano ka ba hindi ba sabi ko na wala naman talaga" iling iling na sabi ko at dumaretso sa kwarto ko.



Sa ngayon magpapahinga na muna ako at bukas ko na kakausapin si wyatt.



Kinabukasan, maaga ako dumating sa school para hintayin sa main entrance si wyatt kahit na antok na antok pa ako dahil sa aga ko nagising.



Alas nuebe pa naman ang pasok ko habang siya ay alas siyete kaya ang aga ko nagising. Bumili na rin ako ng coffee para sa kanya.



"Huy" may kumalabit sa akin kaya nagising ako, si Brandon pala. Hindi ko alam na nakaidlip na pala ako! Kaya tinignan ko ang oras at seven thirty na!




"Bakit ka natutulog diyan? Sino ba hinihintay mo? Tsaka ang layo ng building namin sa inyo ah" hindi makapaniwala na tanong ni brandon, kaibigan ni wyatt at kasali sa varsity n aka team ni wyatt.




"Ah si wyatt sana hinihintay ko buti nalang kinalabit mo ako. Nakatulog nap ala ako ditto" sabi ko sakanya.




"Ganoon ba? Hmm wala kaming first subject ngayon, hindi ba niya nasabi sayo?" nag tatakang tanong niya, alam naman niya na sobrang close naming ni wyatt.



"Ah nag tampo kasi sakin, kaya ayun" tawa ko para hindi sumeryoso usapan namin.




"Ah I know na kung bakit, osige na tawagan mo kaysa nag hihintay ka diyan. Pag nakita ko din siya sabihin ko na lang din" paalam niya tsaka lumakad na paalis.




Ano ba naman! Naiinis na bulong ko sa sarili ko. Lumamig na tuloy 'tong kape na binili ko sakanya. Bigla naman nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.



From: Wyatt ♡


Crossing the LineWhere stories live. Discover now