03

215 3 0
                                    

Linggo ngayon at uuwi ako ng bahay. Nag text kasi si mama na umuwi muna ngayong araw may mahalaga daw siyang sasabihin sakin. Dati naman kahit sobrang halaga pinag uusapan lang namin through phone call pero ewan ko ba bakit ngayong araw gusto niya ay umuwi ako ng bahay para personal daw niyang sasabihin sakin.


"Saan punta mo?" tanong ni bella sakin ng makita niya akong nag aayos ng pumasok siya sa kwarto ko. "Bahay namin" sagot ko sakanya. Hindi naman siya umimik at humiga nalang sa kama ko habang nag cellphone.




"Wala ako alam gawin or puntahan ngayon" sabi niya ng nakatingin sa kisame na para bang nag-iisip. "Uwi nalang kaya ako?" tanong niya sa sarili niya.




Ilang minuto din ng matapos si bella sabay na raw siya sakin bumaba. Nag book na rin naman siya ng grab kaya walang problema. Uuwi na lang din daw siya sa kanila.




Nang makarating ako sa bahay namin. Agad ko naman na datnan sila papa na nag-uusap ni mama sa sala. Hindi man lang ako pinansin.



"I'm home" sabi ko kaya doon palang nila ako na pansin. "Kanina ka pa ba diyan, anak?" tanong ni mama. "Ilang segundo lang naman. Ano ba pinag-uusapan niyo? Grabe hindi niyo lang ako napansin na nakapasok na."sabi ko. Hindi ko man kasi narinig kung ano pinag-uusapan nila pero mukhang seryoso.





"Sa hapag kainan na natin pag-usapan" seryosong sabi ni papa ng dumaretso na sa kusina at sumunod naman kami ni mama. 





Hala bakit ako kinakabahan? Alam ko naman this past few weeks wala akong ginawang masama.




Nang makaupo nakami at kumakain nag kwentuhan muna kami. Kinamusta naman nila ako at kung kamusta na rin ang pag-aaral ko. Simula highschool kasi nag condo na ako at pa minsan minsan nalang umuuwi sa bahay tutal lagi rin naman silang wala dito dahil sa mga business trip nila kaya hinayaan nalang din nila akong mag condo sa murang edad.





"Ngapala anak yung pinag-uusapan namin ng papa mo kanina..." nakikinig lang ako ng biglang tumigil si mama sa pananalita kaya tinignan ko siya na nagtataka kaya tinuloy naman niya. 





"Yung kumpanya kasi natin may naging problema, hindi konalang sasabihin kung anong nangyari" tuloy niya pa at hindi muna ako nag salita. "malulutasan naman yoon kung pakakasalan mo yung anak ng kaibigan ko na may business din" sabi niya at hindi ko na narinig yung iba pa niyang sinabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.





"Ma, naman?" tanging yun lang ang lumabas sa bibig ko. Naiiyak ako. Ayos lang naman sakin kung ano ipapagawa nila. Wag lang iyon. Ayoko. Pumayag naman ako sa lahat ng pinapagawa nila kaya nga ang kurso ko ngayon ay business related kasi yun yung gusto nila kahit hindi ko gusto. "Anak intindihin mo naman 'tong sitwasyon na 'to para sayo rin naman" sabi pa ni mama. 





Hindi ko alam na hanggang sa ganitong sitwasyon aabot kami. Nawalan na ako ng ganang kumain. Ayoko rin naman mag salita baka ano pa masabi ko kaya bigla nalang ako tumayo at dumaretso sa kwarto ko.






Nang makarating ako sa kwarto ko. Bumalik lahat ng sakit na matagal ko nang naramdaman.






It's my day of enrollment today for my college pero hindi ako masaya. Gusto kong maging doctor pero nandito ako ngayon sa college of bussiness and management. Ilang ulit kong sinasabi sa mga magulang ko na gusto ko maging doctor pero hindi nila ako pinakinggan ang sabi pa nila if gusto ko mag doctor tatanggalin nila allowance ko at ako ang magpapaaral sa sarili ko. Like ganoon ba talaga dapat? na dapat laging sumunod sa magulang? Ilang iyak at pagpapaliwanang ginawa ko pero wala parin.





Crossing the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon