MARRIAGE IS A LIFELONG COURSE IN LEARNING TO BE UNSELFISH

Start from the beginning
                                    

'' kung aalis ka ay magsabi ka kung saan ka pupunta..maliwanag ba ryle? '' naglakad na ito paakyat sa taas.


LYNNE

Mahigpit na napahawak ako sa aking tiyan. It hurts like hell. Hindi naman ako nadudumi or what. Lumakad akong patungong kusina at binuksan ang ref. bukod sa tubig, empty. Napabuntong hininga nalang ako at muling lumukad patungong kwarto. Napatigil ako at napaupo sa sahig. Parang may tumutuksok saking tiyan. I immediately grab my phone. I saw his no.

''wala man lang siyang ni isang tawag..huh!..useless....sana nandito siya '' I laughted. I just realize..wala na palang KAMI.

Napitlag ako nang biglang bumukas ang pintuan. Ang lalaking kanina ko iniisip ay nasa harap ko ngayon. Lumuhod pa ito at lumapit sakin. akmang hahawakan ako nito nang tabigin ko ang kamay nito. '' anong masakit? Kumain ka na ba ? '' now he's concern. What a fake!

'' wala kang paki! Kaano ano ba kita? '' hindi nito sinagot at iniba ang usapan.

'' pumunta ka raw ng hospital. Nasabi sakin ni jennie..then nag tetake kapa ng maraming painkillers.''

''ganun talaga. Magkasakit ako at tatandang mag isa..'' saad ko dito na nagpatahimik sa kanya. ngumiti ako. '' ano yang dala mo? '' agad naman niya ito binuksan.

'' tiramisu? '' tumango ito sakin at ngumiti. '' naalala kasi kita kapag may sakit ka , kumakain ka nito para gumaan ang pakiramdam mo..hindi ko sure pero choco- '' natigil ito.

'' hindi ka ba napapagod? '' I stare at him...sadly

''no. I'm happy....masaya ako na meron akong nagagawang magandang bagay para sayo. '' I tried to hold up my tears. I guess I can't. natawa ako dito habang naiiyak. Agad kong pinunasan ito. maging siya ay nakangiti. I know. he tried to do his best.




FLUKE

''dr. james..ano bang nangyayari ha? Naiintidihan ko naman na kailangan mo nang oras para kay ryle pero ultrasound ang binigay mo sa pasyente..ikaw pa naman ang mukha nito hospital! Hindi ka naman nale late dati pero ngayon maaga ka umuuwi..mali pa naiibigay mong reseta sa mga pasyente..sa tingin mo dr? '' galit na sabi sakin ni Harold. I was sitting there. Nakatulala. Ang daming pumapasok sa aking isipan.

''I'm sorry...nagkamali ako....l'll just resign. ''I said.

'' ano kaba dr. james! Tuwing magsasalita ako , gusto mo agad mag resign... '' napahilot ito sa batok. '' okay. How long do you need? 2..4 days? Okay! 1 week. Isang linggo. Sap- '' natigil ito nang tumayo ako at binuksan ang pinto. '' I'm sorry...'' yun lang ang nasabi bago lumabas.

LETTER OF RESIGNATION

Matagal ko itong tinitigan habang nakapamulsa. Every side of my office has a part of me. lahat ng aking nakuhang parangal. Lamesa, computer..lahat. naging parte ng aking buhay. I was twice nominate as one of the respected medical worker in basco. Marami na akong napatunayan sa larangan ng medisina.

FAMILY MEDICINE DOCTOR. FLUKE

FAMILY LOVE HOSPITAL

Gusto kong umiyak. Tila ba may nakabaon sa aking baga na gusto kong ilabas. I never wondered na aalis ako sa lugar na ito. I see the picture of my son. Ryle. Holding a baseball bat while smiling. Nakakasilaw ang mga ngiti nito. Nakakatuwang pagmasdan. Agad kong pinunasan ang patulong luha at isa isang kinuha ang aking gamit. I opened a box at nilagay dito ang aking dala. Mabigat na paghakbang aking aking ginawa sa paglabas.

The World Of Married Couple ( TAGALOG BXB /DRAMA)Where stories live. Discover now