36

2K 124 0
                                    

Gulf's POV

Ilang linggo na ang nakalipas, masasabi kong nakokontrol ko na ng konti ang pagiging possessive ko kay Mew.

Busy siya sa mga group works. Pinapayagan ko siya mag sleepover sa mga kagrupo niya. Hindi ko din pinapakialaman yung cellphone niya. Nakikita ko siyang nagtetext,hindi ko na tinatanong. Basta nagtitiwala na lang ako.

"Babe what's our plan on our 13 monthsary?"

"Sorry baby nawala sa isip ko,how about we celebrate here for a change?" Hindi na ba special ang monthsaries in the future after ng anniversary. That, I don't know.

"Babe,sure I know you've been busy these past few days". Alam ko naman paano siya magcelebrate kapag andito lang kami sa bahay.

"Such an understanding wifey" Mew even caressed my cheeks.

~~~~
Mew's POV

"Ayaw mo pa nun bes,hindi na topakin baby boy mo" Kausap ko ngayon si cooheart sa cafeteria.

"Good thing ba yun coo? Nasanay ako sa dati. Mas gusto ko ata yung nagseselos siya kahit konti kesa ngayon na wala siyang reaction".

"You should be thankful because he trust you na"

"I'm not sure about that coo"

"I have a plan, how about we try to make him jealous?Let's see kung same reactions as before."

"I'm really not sure coo. What if he gets mad?"

"Siyempre light lang.Let your fairy coo handle this".

~~~~~~~
I received a text from my baby.

Baby❤️: busy ka?

Mew: hindi naman masyado baby. Andito lang sa cafeteria.

Baby❤️: Bakit di mo ko tinext na maglalunch ka pala jan?

Mew: why baby? Dito lang talaga kami gumagawa ng papers kasi ang layo ng library. Dito ka na maglunch with us.

Baby❤️:Hindi na babe. We made plans na to have lunch sa newly opened chicken house outside the campus. Akala ko di kita makakasabay eh.

Mew: with whom?

Don't tell me you'll be with Joss.Not when I'm in this mood..

Baby❤️: Godt  babe. Puntahan kita. Sa cafeteria kami magkikita may class pa kasi siya.

Okay si Godt lang pala.
~~~~~
"Coo pupunta daw dito si Gulf ngayon,let's try your plan. Wag masyado ha" tiningnan niya naman ako. Mukang na excite siya sa mangyayari. Gusto gusto niya kasing asarin dati si Gulf. Hindi sa gusto kong magselos ha,gusto ko lang malaman pano siya magrereact this time.Pareho pa ba kaya sa dati?

Maya maya pa nakita ko na si Gulf palapit. May kasabay siya na babae naglalakad tapos tumatawa sila. Mukang palpak agad plano mukang ako pa unang nagselos.

Nang palapit sila naririnig ko pa na parang tinatanong ni Gulf yung babae kung gusto pa   sumama sa kanila mag lunch. Tapos narinig ko na itetext niya na lang daw si Gulf pwede siya at nagpaalam na. At bakit alam nito number ng boyfriend ko ha.

"Babe hindi pa kayo tapos?" Bungad niya sa akin. Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Medyo matagal pa baby. You want food muna"

"No na babe,maya maya lang kakain na din kami ni Godt dun"

Bigla naman sumingit si Coo. "Bes sa Sabado ha wag mo kalimutan"

Hindi ko alam plano ni coo "yung ano?"

"Diba overnight ka sa bahay?"

Sinakyan ko na lang si coo. Tumingin naman ako kay Gulf ....tumango ako. "Ay oo nga pala baby,dun kami matutulog kanila Coo, tatapusin namin to". Siyempre hindi totoo to. Ang lousy ng plano ni coo.

Ngumiti lang si Gulf "Sure babe, no problem"

Nagkatinginan kami ni Coo. Mission failed.

"Really baby? Okay lang?"

Tumayo si Gulf, bibili ata ng drinks.
"Next time na lang tayo mag celebrate ng monthsary" seryoso pang sabi niya.

Awww shit. How could I forget that. Importante pa naman kay Gulf every monthsaries. Tandang tanda niya lahat ng mga pinuntahan namin. Detailed.

Habang bumibili si Gulf,andito kami ni coo nag sisisihan sa palpak na plano. Hindi siya nagselos kay Coo pero alam kung nagtampo siya ng dahil sa monthsary namin. Iniisip niya siguro binalewala ko lang special na araw namin.

Maya maya pa may narinig kami na malakas na kalabog at sigawan sa may labas ng cafeteria. Medyo natatanaw namin tatlong lalaki. Ngunit ang nagtaka kami ni coo ng biglang hinagis ni Gulf yung iniinom niya sa kung saan. Nakita namin kung paano siya mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria,dinaanan niya lang kami. Hinila niya ng mabilis yung matangkad na lalaki papunta sa likod niya na para bang pinoprotektahan niya ito. Bigla niya na lang tinadyakan yung nasa harapan niya.

Kitang kita ng mga tao na hindi yung pinoprotektahan niya yung agrabyado kundi yung dalawang tinadyakan ng boyfriend ko.

That guy started the commotion there. And my boyfriend is protecting that badass.He lost his cool when he saw his bestfriend in a fight. Now, I wonder how important Godt is to my boyfriend.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now