30

2.2K 114 9
                                    

Gulf's POV

Nang nakaraang linggo lang ay nagcelebrate  kami ni Mew ng 1st year anniversary namin sa Bali. Kagaya ng pinangako niya ay special lahat ng naging celebration namin. Tuwing monthsary namin ay sinisigurado ni Mew na makapag out of town kami. Noong second monthsary namin ay nag Japan kami pampawi niya daw sa kapalpakan niya ng unang beses.

Habang tumatagal mas lalo ko pa siyang minamahal. Madalas kami mag-away dahil sa selosan. Hindi ko alam bakit sobrang nagseselos talaga ako kapag may kasama siyang iba. Pero nakokontrol ko na,sabi kasi ng mga kaibigan ko baka daw masakal at biglang magsawa. Dati kapag nagrereply siya sa mga nagcocomment sa kanya,pinagbabawalan ko siya pero ngayon hinahayaan ko na. Alam ko naman di niya ko kaya lokohin.

Graduating student na pala siya kaya medyo busy pero siyempre palagi niya pa din nasisingit ang lovely time namin.🥰

Papunta ako ngayon sa cafeteria kasi andun daw sila Mew sabi ni Coo, kumakain and the same time nagmimeeting para sa group project nila.

~~~~~~~~

Mew's POV

Seryoso kami nag-uusap ng mga kagrupo ko ng biglang may humalik sa akin mula sa likod. Alam ko na agad kung sino yun, siyempre wala namang malakas ang loob na magtatangkang humalik sa akin.

"Excuse muna sandali guys" Tatayo sana ako para kuhaan siya ng lunch ng pigilan niya ko. Automatic response ko na yung kukuhaan siya ng lunch pag andito kami. Hindi ko na tinetext si ate para magserve samin, palagi kasi hawak ni Gulf phone pag andito kami  kaya nasanay na din ako na mismo nag oorder.

"No need babe, lunch muna ko with friends" So nagpaalam lang pala siya. Ito ang isa pinakamalaking nagbago kay Gulf, naging friendly na siya ng very slight. Dumami na kasi yung circle of friends niya.

"Sure baby, just update me on anything"

"Wala na kami afternoon class kaya diretso na ko mamaya uuwi,tatambay muna kami sa mall" Inabot ko naman sa kanya ang credit card ko. Alam niya na kung ano ibig sabihin nun. He can buy anything he wants.

"Oh such a spoiled baby,gusto mo samahan kita magshopping baby boy?" Pinitik ko na lang sa noo si Cooheart.

"Dapat pala tayo na lang ulit.." Pinutol ko na sasabihin niya kasi nararamdaman ko na pagseselosin niya na naman si Gulf. Minsan may topak din tong bestfriend ko. Alam niya naman daw kasi na hindi kami maghihiwalay kahit anong mangyari. At Oo, alam ko, walang anumang makakapaghiwalay sa amin.

Tinaasan lang ni Gulf ng kilay si Coo. Nasanay na rin kasi siya o hindi ko alam baka hindi niya na talaga ako pinagseselosan ngayon.

Lumapit naman siya sa nga naghihintay niyang kaibigan na si Luke at Godt at yung dalawang babae na di ko kilala.

Lumingon pa siya sakin ulit para magpaalam.

~~~~~

Gulf's POV

Gabi na nang umuwi kami. Naabutan ko si Mew na nanonood ng tv at parang may katext kasi nakita kong napapangiti siya.Mukang hindi niya naramdaman yung pagpasok ko.Hindi niya alam na kanina ko pa siya tinitingnan.

Binato ko sa sofa yung mga pinamili ko kaya nakita kong nagulat siya tapos tinago niya bigla phone niya. Kung mga dati siguro inagaw ko na yung phone tapos winasak ko sa harap niya. Pero eto ako ngayon trying hard maging mature. Kunwari wala lang sa akin pero sa loob ko nanggigil na ko sa galit at selos. Damn Mew,ilang phone na ba binasag ko bat di ka pa din natututo.Ilang beses ko ba sasabihin sayo na ako lang?

"Did you have fun baby? What did you buy? Anything for me?" Ang sigla sigla ng pagkakatanong niya.

I faked a smile. "Everything in that bag is mine." Turo ko sa mga shopping bags na hinagis ko sa tabi niya. "Here's yours" I planted a kiss on his lips.

"I think I like this better baby" dinilaan niya pa yung bibig niya na akala mo may masarap na pagkain na tinikman.

"Ano to?" Tanong niya sakin.

"My campus crush starter pack" I bought Yeezy, ankle braces and some casual shirts.

"So baby seryoso nga talaga na wala for me."

Mabuti na lang hindi ako bumili for you,hindi mo deserve.

"Buy yours" binalik ko sa kanya credit card niya.

Ang galing ko,hindi nahalatang sasabog na ko sa selos.

"Shower ka muna or after na lang natin mag make love?"

"Shower then sleep, I'm tired babe"

Mew's POV

Third day niya na ko tinatanggihan for sex. Napansin ko lang nawawalan na siya ng gana sa akin. Dahil busy na siya palagi friends niya,or dahil hindi ko na siya masyado napupuntahan sa classroom niya.I wonder what's wrong.

Kanina magkatext kami ng daddy niya, kasi hindi alam ni Gulf na may highblood si dad. Ayaw niya ipaalam actually, pinilit ko sila na ako magbayad ng fees sa hospital and para sa mga maintenance niya. Natatawa ako kasi sabi ng daddy niya pag sinabi ko daw kay Gulf ready na daw ba akong maiwan dito mag-isa sa condo. I know for sure, kasi di yun mapapakali si Gulf kahit malaman niyang meron lang may lagnat sa kanila uuwi talaga yun.

Alam kong nakita niya kong may katext kanina. Nagulat lang talaga ako kasi baka malaman niya yung usapan ng daddy niya kaya bigla kong tinago.

Hindi ganun yung ineexpect ko na magiging reaction niya. I'm expecting a broken phone, and naffrustrate ako kasi parang wala na lang sa kanya. Hindi na ba talaga siya nagseselos, Its not that I want him to be jealous hindi lang talaga ako sanay na wala lang sa kanya. Sign na ba to? Sign na ba to na nawawalan na siyang gana sakin? Please tell me i am just imagining things. Hindi ko kakayanin.

Tumabi ako sa kanya,he smiled at me and kissed me. "Good night babe"

"Good night baby" pagtalikod niya sa akin,di ko namalayan na tumulo na pala luha ko.

"Good night baby" pagtalikod niya sa akin,di ko namalayan na tumulo na pala luha ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now