26

2.3K 121 10
                                    

Someone's POV

Mas una ko siyang nagustuhan,mas una ko siyang nakilala at mas nauna ko siyang minahal. Huwag ka lang magkamali na saktan siya pangako ko sayo gagawa ulit ako ng paraan para maghiwalay kayo.

Tinitingnan ko ang post sa IG. Hindi ba pwedeng ako na lang? Magkasundo naman tayo sa lahat ng bagay ah. Hahayaan ko muna siya ngayon. Mamahalin ko muna siya kahit di niya alam. Magiging akin ka din.

Mew's POV

"Bes si Gulf ba may hawak ng phone mo?" Pinakita sa akin ni Coo yung post sa IG ko.

Natawa na lang ako,mukang walang magawa ang baby ko ah.

"Oo. Bored ata"

"Aware ka ba na ikaw yung nilista para magcompete sa University King?"

"Wala naman sinasabi sa akin"

"Baka makalaban mo pa boyfriend mo, narinig ko siya yung gustong pambato ng Department of Engineering"

Wala naman problema sa akin pero di ako naniniwala na mapapasali nila si Gulf.

~~~~~~~

Kinagabihan hinatid ko si Gulf sa bahay nila. Doon din ako nagdinner.

Ang sarap magluto ng mommy niya kaya pala gustong gusto ni Gulf na dito kumain kaysa sa labas.

"Kuya ikaw nagpost nun no? Kapal ng muka mo dumihan ang feed ni Kuya Mew"
Hindi ko alam kung galit ba to si Thanya sa kapatid.

"Ganda nga sa mata eh,tingnan mo kaya kung ilang likes" Pagmamayabang ng baby ko sa kapatid.

"Marami talaga maglalike niyan siyempre akala nila si Mew nagpost. Eh kahit siguro magpost si Kuya Mew ng ginupit niyang kuko hundred thousands of like pa din. Sige nga ipost mo sa feed mo yan,tingnan natin kung aabot ng 500 likes?"

"Malamang 300 lang followers ko, paano aabot ng 500 likes?tsss"

Natatawa ako sa magkapatid na to.

"Mew anak pagpasensyahan mo na sila, maingay talaga sila kahit sa hapag kainan". Natatawang sabi ng mommy niya. Okay lang busy po ako sa pag-ubos ng ulam niyo.

"Babe pangit ba to? Delete mo na nga" Hinarap niya sakin yung picture na pinost niya. tinotopak na naman baby ko.

"No baby, you're so perfect here. No need to delete okay? I love seeing your pic on my feed"

"See?" Nakaharap siya sa kapatid. "Gonna post more later then"

"Di nahiya sa muka" humarap naman sakin si Thanya "Kuya Mew wag mo nga pahiramin si Kuya ng phone mo para mapigilan natin ang paghahasik niya ng lagim"

Natatawa naman si Gulf. "Eh di phone ko gagamitin ko, nakalogin naman dito IG ni Mew"

~~~~~~~

Gulf's POV

Late na kami nakapasok ni Mew. Siya pa kasi gumising sakin ng sinundo niya ko kanina.

"Gulf wala kang kailangan iprepare kami lahat bahala sa susuotin mo". Familiar siya classmate ko ata to.

"And you are?" Di ko kasi talaga alam pangalan niya.

"Bas here, ako tutulong sayo para makuha mo crown ng University King"

"Anong University King yan?" Hindi ko magets sinasabi nito.

Bigla niya naman tinawag yung president dito sa room.

"Green come here,hindi mo ba diniscuss sa kanya yung contest?"

"Sorry Gulf,ikaw yung representative ng department natin" Anong kalokohan to Green.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now