11

2.3K 135 0
                                    

Gulf's pov

Ginising na ko ni Luke dahil tapos na ang klase. Grabe yung boses ng prof namin,parang hinihele ako.. Classmate ko sila sa minor subject na to.

Nakita ko sa labas ang boyfriend ko na naghihintay sa bandang pintuan. Lumapit ako sa kanya kasi di pa alam ni Godt and Luke na kami na ni Mew.

Nakapout siya while waiting outside. Halikan ko to eh.

"Baby uwi ka na ba? Do you want me to send you home? May lakad kasi ako mga 6."

Sino naman kaya kasama nito.

"With?"

"Just my cousin baby. Kakabalik niya lang from US"

Pinsan lang naman pala. Okay safe.

"May practice din kami. Go ahead. No need to wait for me. Cousin only. Okay?"

"Yes baby. Promise! Text me agad pag nakauwi ka na ha."

Binulong niya lang sakin "I love you. Change your shirt after game ha" pero biglang nagulat ako ng hinalikan niya tenga ko. Wala naman ata nakakita. Shit bat parang lumamig tenga ko. Basa.

Nakakaexcite din naman pala yung parang teenager lang kami na may secret relationship.

Naghihintay kami mag quarter to 5 dito sa classroom para bumaba ng gym.

Joss Pov

This is the day.

Paakyat ako sa Engineering building nang makita kong pababa naman si Mew. Dito din pala siya galing. Sana nagsabay na lang pala kami di pa sana ako naligaw.

"Bro,puntahan ko lang siya saglit"

"Sino yan? Yung one true love mo?"

Natawa na lang ako and tumango. Yup I am meeting this guy after many years of my cowardness.

"Wait for you in the parking.make it quick. Just say you love him then leave"

Kung ganon sana kadali. But I know this guy, he is very straight. He might reject me.

Naalala ko ng binugbog niya ko. Hindi ako lumaban. Nakita ko kasi yung pasa niya, naguilty ako kasi I punched him first. I punched the one I love.

Nang umuwi ako sa bahay. Galit na galit si daddy. Nakita niya kasi mga pasa ko. Walang pwedeng manakit sa kanyang only heir. Sabi niya patatahimikin niya yung pamilya, walang makakalabas sa media basta sabihin ko lang kung sino yung nanakit sakin.

Sinaktan niya ko,oo. Pero mas masakit yung nalaman ko na hindi niya talaga ako magugustuhan. Lahat ng suntok at sipa niya halatang may galit. Parang ang tagal niyang inipon.

Hindi talaga ako nagsalita kay dad. I don't want his life to be ruined because of me. I know my family so well. I know they are going to expel him and worst is banned him from other schools here in Bangkok as well.

Kapalit ng hindi ko pag-amin ay ang pagsunod naman kay daddy. Take Architecture in US. Ako naman ang nasaktan, nalayo ako sa barkada ko at nawala din ang chance na masabi ko sa kanya ang totoong dahilan bakit binubully ko siya. Late ko narealize na bullying na pala ginagawa ko.

I am now looking at him. That smile, how I missed it so much.

Lumapit ako sa pintuan. I saw him laughing with the guy I hate the most, Luke.

"You" galit na sigaw sakin ni Gulf sakin.





Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now