Chapter 01

61 13 68
                                    

Welcome to unexpected feelings!!

Hi!ako nga pala si Tin Lizon,hindi ako mahilig sa mga lalake kundi sa mga babae.

Tama kayo hindi talaga kayo nag kakamali,hindi ako straight kasi tomboy ako.

Kahit na tomboy ako,wala akong naging Girlfriend kahit ni-isa pati nga boyfriend wala kasi nga tomboy ako kumbaga NGSB/NBSB.

Kasi hindi ako pang girlfriend material,sabihin na lang natin na hindi ako tulad ng mga babae dyan.Ang appearance ko maitim,makapal ang kilay,parang nest ang buhok dahil hindi nagsusuklay,hindi sexy,at hindi pogii/maganda pero sabi ng mama ko kahit daw hindi ako maganda/pogii eh cute naman daw ako.

Syempre naniwala naman ako sa sinabi niya.

Masasabi kong certified cute ako. Yan nga lang meron saken eh mula nung pinanganak ako hanggang ngayon.

"Hoy Tin!nakikinig ka ba saken?" bumalik ang diwa ko nung narinig ko ang boses ng kaibigan ko na si jhunar.

Nandito na pala kami sa tapat ng school,kanina lang nasa cafeteria kami.

Ambilis talaga ng oras.

"Ano ulit sinabi mo?" tanong ko,lagi na lang akong absent minded.

Iniisip ko kung magkakajowa pa ba ako?parang tatanda akong walang jowa ah.

Nagtinginan naman sina jhunar at si Ken na kaibigan ko rin.

Sa totoo sila lang naging kaibigan ko nung first day ko dito sa Reart University hanggang ngayon friends ko parin sila.

Akala ko talaga wala akong magiging kaibigan parang nobody lang ako dito sa Reart pero nagkamali ako,suwerte ako dahil may naging kaibigan ako.

Si jhunar,hindi siya straight katulad ko bakla siya pero hindi niya pa inaamin sa family niya na isa siyang bakla dahil takot siya na hindi nila siya tanggapin.

Si ken naman,straight siya lalakeng lalake kaso pinagkakamalan lang na bakla haha.Hindi siya tulad ng ibang lalake na maskolado at masel-maselan.Mapayat na nakasuot ng malaking salamin pero kahit ganun pogi siya noh syempre kaibigan ko siya.

Ngayon last school year na kaya nga pinag bubutihan ko dahil law ang kinukuha ko,mahirap pero kaya ko dahil yun yung pangarap ko na trabaho.

Habang iniisip ko yung magiging future ko may naririnig ako na mga nag sisigawan na mga babae na para bang may dumaan na pogi na lalake,tsk mga babae talaga.

"Sino kaya pinag titilihan nila?" pagtataka ni jhunar pati si ken nag tataka kung sino ba yung tinitilahan ng mga babae hindi lang babae kundi may mga bakla. "Nakita mo ba siya sis?" dinig ko sa isang student na babae na kinakausap niya yung kaibigan niya sa gilid ko na kilig na kilig.

"Oo!grabe ang pogiii niyaaaa!gusto ko makipag picture kaso ang dami nila hayy kainis" hindi lang ako yung naka dinig kundi mga kaibigan ko. "Alam ko naman na hindi kayo pupunta dun sa sinasabi nilang pogi diba?" tanong ko syaka tumingin sa kanila,pero sa pag tingin ko sa kanila wala na sila agad sa harap ko.

Narinig lang nila yung salitang pogi parang naging the flash sila,nandun na sila sa malayo at nakikipag siksikan para lang makipag picture dun sa sinasabi nilang pogi daw.

Akala ko si jhunar lang yung pupunta dun sa pinaggugulohan nila pati si Ken din,bakla narin ba siya?

Bahala na nga,Kinuha ko yung headset ko at nagpasound trip na lang habang naglalakad.Di ko alam kung san tutungo yung paa ko dahil naka pikit ako,ewan ko ba pero kapag nagpapamusic ako talagang dinadama ko yung music,tagos talaga sa puso.

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now