49) Eye Ball

1.3K 8 1
                                    

EYE BALL

by: aielleeeee (yours truly)

Habang naglilinis ng katawan si Janine ay hindi mawala sa isip niya ang lalaking si Jack T. Ramirez na nag-add sa kaniya sa Facebook kaya naman matapos siyang magbihis ay nagtungo siya sa silid ng apartment na kaniyang tinutuluyan at nahiga.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at pumunta sa profile ng lalaki sa Facebook. Wala itong litrato o kahit anumang makakapagpakita ng itsura nito.

'Ang weird. Pero I like weird guys.'  natatawang sabi pa ni Janine sa isip.

Patulog na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Jack: Goodnight, pretty girl with pretty eyes. ;)

Nakaramdam ng munting kilig si Janine sa mensahe ng lalaki. First time kasing may magsabi sa kaniya ng goodnight na hindi niya ka-close. Pero nagtaka rin siya dahil sa sinabi nitong mayroon siyang marikit na mata.

Janine: pretty eyes ka jan. magpakita ka nga! pahinging litrato.

Jack: Soon, you'll see. ;) Sleep well.

Janine: hoy teka! masyado kang pa-mysterious. bakit mo ba ko in-add?

Jack: Do you really wanna see me?

Medyo nag-aalangan si Janine sumagot ngunit iniisip niya na baka ito na ang pag-asa niya para magkaroon ng boyfriend.

Janine: maybe. ;)

Jack: Eye ball?

//

This story has only 4 chapters. I felt scared a bit habang sinusulat ko to, so please, I'll appreciate so much pag binasa niyo hehe. Plug lang ng sariling story. Salamat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Wattpad Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon