Chapter O9 :

949 45 28
                                    

LUMAPIT pa rin ako kay Riechen sa kabila ng matalim niyang tingin. Ang mga mata niyang tila naging mata ng isang lobo na handang kagatin ang tupa na nasa kanyang harapan.


I want to taste it again. I want to——

Mabilis akong lumapit kasabay nang paghatak ko sa kanya ay ang pagpikit ko ng dalawa kong mata.

I know this is crazy but I couldn't help it. Even if I didn't want to throw myself on her...But if it's the only way I could taste her lips once again, I wouldn't mind it.

"Riechen."  I murmured.

Imbes na malambot at matamis na labi ang malasap ko ay isang magaspang at tila flat na bagay.

Mabilis akong nagmulat ng mata at ganoon nalang ang pagkadismaya ko ng makita ang isang puting bagay. Lumayo ako ng ilang pulgada sa kanya para makita ko siya ng maayos. Dahil hinarang niya ang isang puting folder sa pagitan naming dalawa.

Fuck!

Napamura ako sa isip kasabay ng paghagod ko ng aking buhok gamit ang kanan kong kamay. Hindi makapamiwalang tiningnan ko ang mukha ni Riechen.

Why?

Gusto kong buksan ang bibig ko para tanungin kung bakit niya ginawa iyon.

Isang kiss lang naman ang gusto ko bakit 'di pa niya ako mapagbigyan? Masarap naman akong humalik kaya alam kong hindi naman siya lugi.

"Sir Reid, please stop this nonsense! Don't you dare to do it again!"   may awtoridad na sabi ni Riechen. Hindi man ito sigaw pero sobrang bigat pakinggan.

"Wala naman masama sa isang kiss, bakit ayaw mong ibigay?"   biglang tanong ko na hindi ko man lang pinag-isipan.

Shit Diethard, are you retard like the sound of your name, geez!

Napatingin ako sa paligid kung may mga tsismosong nakikiusisa pero ni isa ay wala naman akong makita. Mukhang hindi alam ng mga emplaydo ko kung ano man ang mga nangyayari ngayon.

Inilapag ni Riechen sa kanyang mesa ang puting folder na ginamit niya kanina. Ipinatong niya ang kanang kamay roon at masama akong tinapunan ng tingin.

"Baka nakakalimuta ninyo Sir, na mahigpit na pinagbabawal ang pagkakaroon ng ugnayan sa kapwa mo empleyado. Kaya hindi puwede 'yang gusto mong mangyari."   mahinahon pero nagpipigil sa galit na sabi niya.

Masagi mo lang si Riechen siguradong sasabog na ito. Parang kaunting-kaunti na lang talaga 'yung pagtitimpi niya sa akin.

"I'm the boss, kaya walang masama doon."   pagkumbinsi ko na wala naman talagang masama na halikan siya.

Dapat pa nga siyang magpasalamat na ako mismo ang gustong halikan siya. Sa daming babae na gustong makahalik sa akin tila siya pa 'yung taong ayaw ng ganoon.

She's My Secretary with Secret IdentityWhere stories live. Discover now