Chapter 01 :

2.4K 77 13
                                    

"SALAMAT, Riechen."

Biglang nagpantig ang tainga ko nang marinig ang pangalang kinaiinisan ko. Hindi ko talaga gusto ang private secretary ng Mommy ko. Kahit na never ko pa siyang nakita ay nakakaramdam na agad ako ng inis, marinig lang ang pangalan na iyon. Lagi nalang iyon ang bida kay Mommy. Kaya naman naiinis ako. I feel worthless because of that old lady----private secretary of my Mom.

Ugh, what an old lady.

Nagtangis ang bagang ko. Imbes na lapitan ko si Mom na nakaupo sa may sofa sa living room, dumiretso agad ako ng kuwarto ko sa ikalawang palapag ng mansyon. Kakauwi ko lang galing ng opisina ko.

Pagpasok palang ng kuwarto ay tinanggal ko na agad ang suot kong coat. Habang tinatanggal ko ang pagkaka-botones ng aking polo ay may biglang kumatok sa pinto. Kasunod non ay ang pagpasok ni Mommy na nakakunot ang noo. Kitang-kita ko ito dahil nasa tapat ako ng salamin. Nakikita ko ang kanyang reflection mula sa aking likuran.

"Loui Diethard Reid!"

Napapikit ako ng dalawa kong mata sa pagtawag ni Mom ng buo kong pangalan. Sa tono palang ng boses niya ay alam ko ng galit siya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at sinalubong ang nanlilisik niyang mata. Napalunok nalang ako ng laway sa tindi ng galit na rumirehistro sa kanyang mukha. I never seen my Mom like this.

Mukhang galit na galit si Mom. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Diethard! Ano na naman bang kalokohan ito? Bakit mo pinag-two piece ang secretary mo? Sinama mo pa ito sa meeting with the directors?"  tanong ni Mommy sa galit na tono.

"Bagay lang iyon sa kanya. Ginusto naman niya iyon, so I let her expose that body." sagot ko.

Dalawang araw ko palang na secretary iyon. Unang araw palang ay nang-aakit na ito. Panay pa dikit sa akin at dinidiin pa sa katawan ko ang malusog nitong dibdib na tila nilamas at pinagsawaan na ng iba. Kaya naman naisip kong ipahiya siya sa iba. Para malaman niyang kahit janitor ng company ko ay hindi papatulan ang babaeng katulad niya.

"Ano naman klaseng dahilan iyan! Nakakatatlo kang palit ng secretary kada linggo. Wala ng tumatagal na secretary sa'yo simula noong mamatay si Secretary Irene. Dalawang buwan mo ng ginagawa iyan! Gusto mo bang bumagsak ang company dahil diyan sa ginagawa mo?" halos pasigaw na sabi ni Mom.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ang pangalan na iyon. Para ko ng ate ang secretary kong si Irene. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkamatay niya. Na aksidente siya habang papasok ng company.

Walang makaka-replace kay Ate Irene bilang secretary ko. At isa pa, hindi ko gusto ang mga secretary na ipinapalit sa kanya. Yeah, they are good look girls but a whore. Wala silang ginawa kundi akitin ako. Akala naman nila ay madadala ako sa mga pang-aakit na ginagawa nila. I'm not into tasting a woman who had a lot of guys in bed.

Hindi ako magpapagamit kanino man para umangat sila sa buhay. Those secretaries wants my money! Hindi ko sila bibigyan kahit na piso mula sa company ko.

She's My Secretary with Secret IdentityWhere stories live. Discover now