Chapter 02 :

1.9K 67 9
                                    

PAGOD akong napaupo sa upuan ko habang sapo ang noo ko gamit ang kanang palad ko. Kakatapos lang ng meeting, finally ay masisimulan na ang project sa palawan. Ito ang nabanggit ni Mom na hindi masimulan dahil sa papalit-palit ako ng secretary. Siguro naman ay hindi na siya galit dahil masisimulan na rin ito.

"Ang bilis naman ni Riechen makuha ang mga trabaho rito."  nagtatakang tanong ko.

Ayaw ko man aminin sa sarili ko ay masasabi kong magaling siya. Nagkaroon ng problema sa proposal ng project sa palawan dahil sa mga secretary na ilang araw lang tumagal. Kaya naman kinailangan pang maayos iyon na mabilis na nagawaan ng paraan ni Riechen.

Bigla ko na naman naalala 'yung ginawa ni Riechen kanina. Hindi ko akalain na maghuhubad siya kanina sa mismong harapan ko.

Napadampi ang right thumb ko sa labi ko. Hindi ko maiwasan ang mapangisi.

"Damn! Who are you, Riechen? How did you get a goddamn sexy body?"  halos mapapiyok ako sa tanong kong iyon.

Nakakahiya man na aminin ay napahanga ako sa hubog ng katawan niya. Saan ko ba nakuha ang idea na isa siyang matandang babae na may puti ng buhok? Kunsabagay ay hindi ko natanong kay Mom ang tungkol sa private secretary niya.

Nanliit ang mga mata ko habang nag-iisip ng plano.

Hindi por que na attract mo ako ay hindi ko maiisip na isa ka rin sa mga secretary na iyon. Papatunayan ko kay Mommy na hindi ka kasing galing tulad ng iniisip niya.

Narinig ko ang tatlong katok sa pinto ng opisina ko. Pagkatingin ko roon ay biglang pumasok si Riechen na may hawak na tray.

Ang mga mata ko ay nakatuon ng mariin sa kanya. Ang bawat hakbang at tindig ng katawan ay parang sa isang beauty queen.

How could it be, this woman named Riechen work as a private secretary of my Mom? The way she walk, her moves, her chin up that makes her more gorgeous and stunning. She looks like a beauty queen in disguise as a secretary? What the heck!

"Your coffee, Sir."  she said without looking at me.

"Why didn't you look at me? Masyado bang nakakasilaw ang kaguwapuhan ko?"  I teased her with a grin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nasalubong ko ang kanyang dalawang mata. Her diamond shaped black eyes was more likely a dagger while looking at me. Parang maraming patalim ang tumatarak sa katawan ko sa tingin niyang iyon.

Shit! I feel like she was threatening me.

"No, Sir. I'm not a type of person who drawn by looks."   sagot niya sa malamig na tono.

Pakiramdam ko ay biglang tumaas ang lamig sa opisina ko. Mukhang sira ang aircon ko dahil sobrang lamig na. Daig ko pa ang nasa gitna ng nyebe.

Nanliit ang isang mata ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Is she blind? Hindi niya nakikitang guwapo ako? Shit! ano ba itong pinag-iisip ko.

"Oh, you're not into looks? Maybe for money?"  I grin.

Ngumisi ako sa ideyang tama ang naiisip ko. This woman is one of a gold digger.

"Money is a power for many people. But for me, it is a thing that can makes a human worse, like killing people for money. I am not like them because I am protecting people to make them safe through money."  she said before leaving my office while I am stunned.

"Damn it!"  napasigaw ako sa inis.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis dahil mali ang iniisip ko. Hindi ko man lang siya nahuli sa mga tanong ko. Or mas dapat akong mamangha dahil sa sagot niya.

What a thoughts she have. Ano bang mayroon sayo Riechen? How could you think like that? Para kang teacher na nagtuturo ng lecture sa akin. I am not a fool!

Bago mag-five o'clock ay tumayo na ako sa upuan ko. Sinuot ko ang coat ko na nakasabit malapit sa table ko. Napatingin ako sa kapeng dinala ni Riechen. Hindi ko ito ininom dahil baka may gayuma ito o may nilagay siyang makakapagpasakit ng tiyan ko.

Paglabas ko ng opisina ay nakita ko si Riechen na nag-aayos ng gamit sa kanyang mesa na ilang dangkal ang layo sa pinto ng opisina ko.

"Take care, Sir." sabi niya ng mapatingin sa gawi ko.

Tinalikuran ko siya dahil sa ayoko siyang kausapin.

Tss!

Nasa tapat lang ako ng V.I.P. elevator ko. Hindi ko pa ito pinipindot para buksan dahil nakatayo lang ako sa tapat non.

"Nakatagal siya ng isang araw dito. Sisiguraduhin kong bukas ay siya na mismo ang aalis dito."  bulong ko sa sarili ko.

Limang minuto rin akong nakatayo na parang tanga roon bago ako pumasok ng elevator. Pagkarating ko ng parking space ay mabilis na akong sumakay ng sasakyan.

Habang nagda-drive ako ay paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko ang sinagot ni Riechen kanina.

"Weird."  sabi ko dahil 'yung nasa unahan kong sasakyan ay ang bagal ng takbo kahit pa na ang lalayo na ng ibang sasakyan.

Mabilis akong nag-preno nung mag-o-overtake sana ako ay bigla itong huminto. Pero huli na dahil tumama ang sasakyan ko sa likurang bahagi ng sasakyang iyon.

"Tsk! kung mamalasin ka nga naman."  reklamo ko.

Alam kong sinadya talaga ng driver na iyon na huminto para mabangga ko ang sasakyan niya. Para siguro magkapera.

Kunot-noo akong lumabas ng sasakyan ko para tingnan ang naging damage sa lamborghini ko. Napangiwi nalang ako sa laki ng sira.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang sasakyan. Kaya masama kong tiningnan ito. Nagulat ako nang makita ang dalawang lalaki na lumabas sa sasakyan na iyon. Naka-face mask ito ng itim at shades. Nakatutok rin ang baril sa akin.

"Sisiw lang pala itong pagtapos natin."  sabi ng isa sa dalawang lalaki.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na mamamatay ako sa ganitong paraan. I always dreaming to have my own family in the future. How could I reach my dream if I die so early?

Shit! ayoko pang mamatay!

Nakarinig ako ng isang malakas na preno kasabay ng dalawang putok ng baril. Parang naging blurred ang mga nangyari sa paligid ko. Pero isa lang ang malinaw kong nakikita.

"Who are you?"  sabi ko sa taong naka-hoodie ng kulay itim at face mask na itim. Naka-boots ng itim at black pants, as in naka-all black ito. Nakasakay pa rin ito sa motor na nasa pagitan namin ng dalawang lalaki na ngayon ay bagsak na.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang kulay asul niyang mata. Inches lang naman ang layo ko sa kanya at maliwanag pa naman. Wala pang 5:30 P.M. dahil hindi pa takip-silim.

Ni isang salita ay wala akong narinig bago ako iniwan sa lugar na iyon. Ilang minuto lang ay may dumating ng pulis. Ang isa sa mga pulis ay hinatid ako sa mansyon gamit ang service nitong sasakyan.

(January 31, 2019)

She's My Secretary with Secret IdentityWhere stories live. Discover now