Chapter O6 :

1.4K 51 16
                                    

NAIWAN akong mag-isa na umiinom dahil umuwi na si Rylle. Nang matanggap niya ang text ng girlfriend niya ay mabilis na itong umuwi.

Tch! pinaggi-girlfriend niya na ako, eh, daig pa niya ang minor na may curfew sa girlfriend. Ayoko ng ganoon, ano ako? batang hindi marunong umuwi ng bahay?

Mabilis akong nagsalin ng alak sa baso ko at mabilis itong ininom. Isang bote nalang ng alak na hindi pa bukas ang natira sa mesa ko mula sa isang bucket na pinahabol naming order ni Rylle. Kung hindi lang ito umuwi agad ay baka kanina pa ito ubos at nasa bahay na rin siguro ako.

"Hi, pogi, can I join?"   maarteng sabi ng isang babaeng sumulpot mula sa kaliwa ko. May pagnanasa pa nitong hinawakan ang braso ko.

"Get lost!"   naiiritang sabi ko na mabilis na binawi ang braso kong hinawakan nito.

Kinuha ko ang isang bote ng alak at mabilis itong binuksan. Ibinuhos ko ito sa braso kong hinawakan ng babae.

I need alcohol, baka kung anong germs pa ang makuha ko sa babaeng ito.

"P*ta!"   mura ng babae nung matapunan ng alak ang damit nito dahil sa ginawa ko.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin na pinagsisihan ko dahil kulang nalang ay band-aid na lamang ang ipangtapal nito sa katawan. Halos kita na ang kaluluwa nito sa suot.

"Pre, ang babae dapat tinitikman hindi tinatapunan ng alak."   natatawang sabi ng isang lalaki na mahalay na nakatingin sa babaeng lumapit sa'kin.

Napahawak ako sa sentido ko ng bigla itong kumirot. Nakaramdam ako ng pagkahilo.

Ugh, mukhang tumatama na ang alak sa akin. Kailangan ko ng umuwi hangga't kaya ko pang mag-drive.

Pinauna ko ng umuwi ng bahay si Drake na driver ko. Nag-commute lang ito.

Tumayo na ako mula sa inuupuan ko at hindi pinansin ang mga tao sa paligid ko. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na mabilis kong tinanggal.

"Pre, girlfriend ko ang binastos mo! Tingin mo papatakasin kita?"   maangas na sabi ng isang lalaki na hindi ko malinaw na nakikita ang mukha.

"Itali mo kung gusto mo, para hindi lumapit kung kani-kanino."   sabi ko ng talikuran ko siya.

"P*ta ka!"   sigaw ng lalaki sa likuran ko. Naramdaman kong inabot niya ako pero hindi niya nahawakan ang damit ko. "Ah!"   biglang sigaw nito na tila nasasaktan.

Hindi na ako lumingon dahil hindi ako interesado. Mas kailangan kong umuwi hangga't kaya ko pa. Dahil baka kung saan ako pulutin kapag hindi ko na kayang kontrolin ang katawan ko.

Napahawak ako sa isang poste ng ilaw na nasa parking lot ng kumirot ang ulo ko.

"You, okay?"   sabi ng isang taong umalalay sa'kin na hindi ko maaninag ang mukha.

"Shit!"   inda ko.

"SHIT!"   napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang sakit nito.

Naguguluhang inilibot ko ang tingin ko sa lugar na kinaroroonan ko. Napatingin ako sa sarili ko na tanging brief at boxer shorts lang ang suot.

What happened?

Inalala ko ang mga nangyari. Pero ang huli kong natatandaan ay nung nasa car park ako at may umalalay sa akin. Pagkatapos ay bigla akong nakaramdam ng matinding hilo.

"Oh, don't worry, okay siya."  maarteng sabi ng isang boses.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang isang babae na nakasuot ng bathrobe habang may kausap sa cellphone nito.

Inikot kong muli ang mga mata ko at doon nag-sink in sa akin na nasa isang hotel suit ako.

F*ck! Don't tell me that I slept with this woman in front of me?!

Bigla ako nanlamig at tila nabuhasan ng yelo.

"You, okay?"  biglang tanong nung babae sa'kin.

Naalala ko bigla 'yung umalalay sa'kin sa parking lot kagabi.

"How much?"   biglang tanong ko na napahilamos ng mukha gamit ang isang palad ko.

"Ay naku pogi, libre na basta ikaw."   maarteng sabi nito.

"Ha?"   maang akong napatingin sa kanya.

"Sabi ko, libre ko na 'yung pang hotel kaya huwag ka ng magtanong kung magkano."   sagot niya habang tinutuyo ang buhok gamit ang towel nito.  "Hindi ka pa maliligo, pogi? Wala kang pasok?"   tanong niya.

"Shit!"   mabilis akong bumangon sa kama.

"Mayamaya nandito na 'yung damit mo, pina-dryclean ko lang."   pahabol na sabi nito bago ako pumasok ng shower room.

Paglabas ko ay wala na siya. Nasa kama ang damit ko, susi ng kotse ko at may iniwan siyang sticky note.

"Hey, pogi, huwag ka ng iinom kapag hindi mo kaya, okay? Pero nag-enjoy talaga ako, haha."   napakunot ako ng noo matapos mabasa ang iniwan nitong sticky note.

Mabilis akong nagbihis dahil ayoko ng manatili sa hotel na ito. At ayoko ng isipin kung ano ang mga nangyari nung lasing ako.

Pagdating ko ng opisina ay hindi maipinta ang mukha ko. Dahil kahit naman sino ay magiging masama ang timpla kapag nagising ka sa isang hotel tapos may kasama ka pang hindi mo naman kilala. Worst ay may nangyari pa.

Hindi ko maramdaman ang katawan ko, kaya hindi ko alam kung may nawala ba sa'kin.

Mukhang katinuan ko ang nawala.

"Coffee, Sir."   sabi ni Riechen na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa opisina ko at nasa tapat na ng mesa ko.   "Napansin kong masama yata ang pakiramdam ninyo, inumin ninyo na rin itong biogesic."  dagdag pa ni Riechen na tumalikod na at palabas na ng opisina.

Nasapo ko ang noo ko sa sobrang inis dahil parang may narinig akong letter x sa gamot na sinabi ni Riechen. Hindi ko alam kung epekto pa ba ito sa nangyaring one night stand ko sa babaeng 'yon.

Shit! paano ko pa siya papakasalan kung ganitong parang nag-cheat ako sa kanya. Para akong tumikim ng ibang brand ng pagkain na hindi ko naman gusto. Tsk!

Napapikit ako at biglang rumehistro ang imahe ng isang tao na umalalay sa'kin sa parking lot. Nagtangis agad ang bagang ko. Idinilat ko na ang mata ko at tumingin sa kape. Napakabango ng amoy ng kami na brewed coffee talaga. Ininom ko ito ng dahan-dahan. Napakasarap ng lasa nito, kakaiba sa nakasanayan kong kape.

Masasabi kong si Riechen ay may napakasarap na kape. Eh, ang labi niya kaya? Matamis ba tulad ng naiisip ko? Ugh, ano ba itong pinag -iisip ko.

Matapos kong ubusin ang kape ay ginawa kong candy yung gamot na dala ni Riechen.

Ang pait, pero wala ng mas  papait  pa sa nangyari sa akin kagabi. Damn it!

Late Update : April 24, 2019

She's My Secretary with Secret IdentityWhere stories live. Discover now