EXO's Daughter - Chapter 14

4.8K 143 7
                                    

~ Kris ~

"Anu nangyari?" Yan ang tanung na bumungad sa amin pagkababa palang sa kotse. Halata naman na nag-aalala sila.

Tinext ko kasi si Suho kanina at sinabing umiyak si Hyemi kaya eto ngayun pinupuno kami ng katanungan.

"Hyung sumagot ka naman" si Baekhyun yun. Alam nyo naman overprotective yun sa anak namin.

"Hindi ko din alam, pero sabi ni Lay sobrang tahimik nya daw kanina tapos biglang umiyak" paliwanag ko sa kanya.

Sasagot pa sana si Baekhyun pero bigla namang dumating si Manager.

"Tama na yan.. alam kong nag-aalala kayo sa anak nyo pero meron pa kayong comeback .. kami na bahala sa kanya .." mahinahong sabi ni Manager hyung sumangayon naman kami at pumasok na sa loob.

Karga pa rin ni Lay ngayun si Hyemi. Natutulog ng mahimbing. Ang cute tingnan kung tutuusin isa syang anghel na natutulog.

Pero sa likod ng mala anghel na mukha ay isang pangit na alaala ang bumabalot sa kanya. Napapailing nalang ako habang tinitingnan sya.

Naalala ko nanaman ang nakita namin noong una palang namin syang nakita. Tsk.

Sa totoo lang hindi ako makapag-isip ng matino ngayun dahil alam kong may dinadalang kalungkutan ang anak namin.

It breaks my heart watching our little princess crying. I just can't take it ..

Wala kaming magawa pag ganyan sya .. Hindi namin alam kung anu ang gagawin namin .. Mahal na mahal namin sya kaya hindi namin kayang tingnan na malungkot at umiiyak anak namin.

~ Manager nim ~

"Hyemi, baby ok ka lang ba?" Tanung ko sa kanya. Andito kasi kami ngayun sa waiting room ng EXO. Actually kami lang ang andito ngayun kasi andun sila naghahanda para sa comeback nila.

Tumango naman sya pero alam kong meron syang dinadalang problema. Tahimik kasi tapos naka'upo lang sa gilid, ang alam ko kasi masiglahin sya at pala ngiti syang bata.

Naalala ko pa nung una ko syang makita nung ipakilala sya ng EXO sa akin ay pakiramdam ko nakakita ako ng anghel. Ang cute nya kasi at napaka'inosenteng tingnan.

Sinu ba naman ang hindi magkakagusto sa batang ito. Napaka'gaan din ng pakiramdam ko sa kanya parang may kung anung koneksyon ang meron kami.

Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na payagan ang EXO na patirahin sya sa Dorm nila. Kahit na alam kong magkakaproblema balang araw pero ngayun i'eenjoy muna namin ang isa't-isa.

Hindi ko aakalain na sa maikling panahon ay nagkasundo agad kami tska di sya tulad sa ibang bata, tutulong at tutulong sya kung anu man ang kaya nyang maitulong.

Di sya pabigat sa amin bagkus sya pa nga ang nagpapasaya sa amin pag pagod kami kahit ang mga staff namin ay masayang masaya pagkasama namin sya.

"Pwede mo naman sabihin kay samchoon kung anu ang iniisip mo baby.." nasa tabi na nya ako at hinihimas yung likod nya.

"Kasi po.. nakita ko sila kanina.." mahinang sabi nya habang nakayuko.

"Sinu?"

"Yung appa at eomma ko kasama ang unnie ko ... masayang masaya sila.. parang isang pamilya sila kompleto at walang problema.. ang sakit tingnan kasi pakiramdam ko ako yung salot sa pamilya nila, ako yung sampid, ako yung pang'gulo sa pamilya nila.. ang sakit kasi di man lang nila ako hinanap, inalala kung buhay pa ba ako, kung kamusta nako, mas naging masaya pa sila nung nawala ako at hindi na bumalik .. gusto ko silang yakapin kanina kaso nang makita ko silang masaya nag dalawang isip ako .. baka nga ako yung problema nila.. ako yung dapat mawala sa mga buhay nila .. ang sakit-sakit kasi sila lang ang pamilya ko, sila lang ang meron ako .. mahal na mahal ko sila kahit sinasaktan nila ako, kahit araw-araw pang sinasabi ng appa ko na hindi nya ako anak bunga ako ng isang kasalanan, isang pagkakamali.. ang sakit-sakit.." mahaba nyang sinabi habang umiiyak.

Naramdaman ko kung gaano kasakit ang dinadala nya.. yung kalungkutan na nararamdaman nya .. Yinakap ko sya ng mahigpit at hinimas likod nya ..

Nakakaawa sya ..

Sobrang nakakaawa kahit musmos palang ay madami nang pinagdaanan madami nang nangyari ..

Ang kailangan ay isang pagmamahal at pag-aaruga. Ang tatanggapin sya ng buong-buo. Ngayun naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang pag-aalala ng mga appa nya sa kanya..

"Andito kami Hyemi.. andito kami ang bago mong pamilya .. mamahalin ka at papasayahin.. andito kami para sayo kaya wag ka nang maging malungkot .. pangako hinding hindi ka namin iiwan .." malambing kong sabi sa kanya at hinayaang umiyak sya sa mga balikat ko.

Huwag kang mag-aalala Hyemi proprotektahin ka namin sa abot ng aming makakaya. Andito kami para sayo. Andito kami handang magmahal at alagaan ka ..

EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon