Exo's Daughter Chapter 25

3.5K 116 4
                                    

~Hyemi~

"Hi Hyemi, kamusta kana?"

Yun lang ang sinabi nya pero nanginig na buo kong katawan.

Kahit ilang buwan na akong nawala'y sa kanila pero yung takot ko andun pa rin. Lalo na at magkalapit kami ngayun.

Sa tingin nya pa lang sa akin nakakatakot na. Hindi ko na alam kong anu gagawin ko. Anu ang sasabihin ko.

Jaehyun unnie..

Namiss kita, Oo kahit sabihin kong natatakot ako pero namiss kita, namiss ko kayo.

Naalala nyo pa pala ako?

Gusto ko syang yakapin at sabihin na masaya ako na nakita ko sya.

Pero..

"Kamusta ang buhay ng sikat?" Madiin pero halata sa bawat salita ay ang galit at inggit kahit pa nakangiti sya.

Ang ngiti nyang kinakatakotan ko.

Hindi mawala sa katawan ko ang panginginig. Natatakot ako na baka saktan nya ulit ako.

"unnie..."

"Huwag na huwag mo kong matawag na unnie dahil hindi kita kapatid."

Akala ko..

Akala ko ..

Akala ko lang pala..

Naiiyak na ko. Ang sakit-sakit pa rin marinig ulit yun. Ang sakit na ipagtabuyan ka ng sarili mong kapatid at nandidiri pa sya na kapatid ka nya.

"Alam mo.. dapat ako ang nasa lugar mo ngayun eh, ako yung dapat kasama ng mga Oppa ko at nagsasaya kami" kalmado nyang sabi pero alam ko sa loob-loob hindi yun ang nararamdaman nya.

"Ako dapat yun, kung hindi ka pinanganak sa mundong ito Hyemi."

"...unnie"

"Ako dapat ang kasama nila at hindi ikaw."

Ang sakit-sakit. Ayokong umiyak pero lahat ng sinabi nya tagos sa puso ko. Parang tinutusok ng karayum yung pakiramdam ko ngayun.

Kahit pa sabihing nakangiti sya at mala anghel ang mukha pero yung mga mata nya nakakatakot na para bang kakainin ka ng buhay.

"Tandaan mo Hyemi."

Tiningnan nya ko sa mga mata.

Nakakatakot..

Parang nag-aapoy na mata na punong-puno ng galit at inggit.

"Kukunin ko ang anu man ang sa'yo." Tumayo na sya at akmang aalis na pero lumingon ulit sya at ngumiti "Kukunin ko ang dapat ay sa akin."

"Kukunin ko sila sayo Hyemi. TANDAAN MO YAN. KUKUNIN KO SILA." at umalis na sya.

Kukunin?

Kukunin nya yung mga appa ko?

Hindi.

Hindi ako papayag sila Appa nalang ang meron ako tapos kukunin nya pa. Ayoko. Ayoko.

Ayoko mangyari yun.

Natatakot ako pero dapat akong magpakatatag para sa kanila.

I will be brave for them.

"HYEMI!!!" andyan na pala sila appa.

Pinunasan ko yung mukha ko para hindi nila mahalatang umiyak ako.

"MGA APPA KO~!" Tumakbo ako papunta sa kanila tapos yinakap ko si Kris Appa ng mahigpit.

"Oh! Namiss ata kami masyado ng anak namin ah!" Ngiting sabi ni Tao appa habang ginugulo ang buhok ko.

"Appa!!" Reklamo ko habang inaayos ang buhok ko. Yan tuloy magulo na. Kasi naman si appa eh.

"Oh bakit??" Inosente nyang tanong.

"Big girl nako kaya pwede po ba huwag mo na pong guluhin ang buhok ko."

Tapos nagtawanan silang lahat. Alam mo yung tawang tuwang-tuwa sila kasi Inaasar nanaman nila ako.

Ganyan sila eh. Pero mahal na mahal ko. :)

Kaya di ako papayag na makuha sila sa akin. Hindi.

Hinding-hindi.





EXO's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon